Chapter 31

24 1 0
                                    

Chapter 31

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong nagdesisyon akong bumalik kay Gab. Sinubukan naming ayusin ang lahat ng nasira. It wasn’t easy, pero somehow, it felt right. Naramdaman ko ulit yung saya na matagal ko nang hindi nararamdaman. Parang bumalik yung dating kami—yung kami na walang problema, walang masyadong iniisip, kundi ang maging masaya lang.

Pero alam ko rin na sa likod ng lahat ng ito, may malaking pagbabago na darating. Pakiramdam ko, parang nakabitin sa ere ang buhay ko, na parang anytime, may malaking bagay na magbabago sa takbo ng lahat. Hindi ko lang alam kung kailan at kung paano, pero alam kong darating yun.

Kanina, habang naka-break ako sa trabaho, nag-decide akong pumunta sa clinic para magpa-check up. Matagal ko nang napapansin na medyo masakit na ulit ang ulo ko. Lumalabas na ulit yung mga sintomas na dati kong naramdaman, pero hindi ko na ito masyadong pinapansin. Mas priority ko kasi ngayon ang trabaho at ang pamilya ko, lalo na’t nag-desisyon na akong huminto sa pag-aaral. Kailangan kong mag-focus sa pagiging full-time employee para masuportahan ko sila Mama, si Mariane, si Micah, at si Max.

Pero hindi ko inaasahan ang resulta ng check-up na iyon. The news hit me harder than I expected.

"You only have two months to live, Ms. Santos. Are you sure you don't want to receive any treatments?" tanong ng doktor sa akin, habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko, waiting for my response.

"Huwag na po, Doc," sagot ko, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses ko kahit na parang may humihigpit na bigat sa dibdib ko. "Wala rin akong pinagsisihan, and I'm ready to face my destiny. Gusto ko na lamang makasama ang mga mahal ko sa buhay habang humihinga pa ako ngayon."

Tinanggap ko na ang kapalaran ko, pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan sa nalaman ko. Mahirap pala yung alam mong may taning na ang buhay mo, na parang may countdown na nagsisimula sa bawat segundo. Nakakabaliw ang mga iniisip ko habang nakaupo ako ngayon sa cubicle ko sa opisina. Tawa nang tawa, pero may halong lungkot. Parang hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak na lang dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Iyon na ba ang buhay ko? Magtatapos na lang ba ito ng ganito kabilis? Two months. Sa loob ng dalawang buwan, kailangan kong ayusin ang lahat. Kailangan kong magpaalam sa kanila—kina Mama, kina Mariane at Micah, kay Max, at kay Gab. Ayokong masaktan sila, ayokong makita nila ako na unti-unting nanghihina. Pero paano ko ba sasabihin sa kanila ang totoo?

Naisip ko si Gab. Sa ilang buwan naming pagsasama ulit, bumalik lahat ng mga dating alaala, pati na rin ang mga bagong plano namin para sa hinaharap. Pero paano na ngayon? I can’t imagine leaving him behind. Alam ko na masasaktan siya nang sobra, lalo pa’t akala namin ay okay na kami, na this time, it would work out.

Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Kailangang maging matapang ako. Hindi ko na kailangang ipakita pa kay Gab o kay Marco na mahina ako. Hindi sila dapat mag-alala para sa akin. Instead, I want them to remember me as someone strong, someone who faced her destiny head-on.

Sa loob ng dalawang buwan na ito, I’ll make sure that I’ll leave them with good memories. Memories that they will hold onto when I’m gone. Ayokong maging pabigat sa kanila. Ayokong isipin nila na sila ang may kasalanan sa pagkawala ko.

Pag-uwi ko sa condo, naroon na sina Mama at Marco. Nakaupo sila sa sala habang nag-uusap. Sinalubong ako ng mga mata nilang puno ng pag-aalala. Alam ko na napansin nilang may kakaiba sa akin, pero pinilit kong ngumiti, parang walang nangyari.

"Kamusta ang araw mo, anak?" tanong ni Mama habang inaayos niya ang buhok ko.

"Okay naman po, Ma," sagot ko, pilit na nagpapakita ng tapang. "Medyo nakakapagod lang sa trabaho, pero kinaya naman."

Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1) Where stories live. Discover now