Chapter 28
Nakarating na rin ang araw ng thesis defense namin. Nasa loob ako ng classroom, tahimik at nag-eenjoy sa init ng kape habang nakatitig sa notes ko. Masyadong early para mag-overthink, pero hindi ko maiwasan. Para bang lahat ng effort na ginawa namin, lahat ng puyat at stress, naka-focus na lang sa ilang oras na defense na ‘to.
"Okay ka lang, Macy?" tanong ni Jason na biglang sumulpot sa tabi ko.
Nagulat ako ng konti pero sinubukan kong ngumiti. "Yeah, just... kinakabahan. Parang di ko alam kung tama ba yung mga sasabihin ko mamaya."
"Relax, we’ve practiced this so many times," sagot ni Jason, trying to reassure me. "And kahit anong mangyari, we’re in this together, okay? Alam ko namang well-prepared tayo."
Nakangiti lang ako habang tumatango, pero deep inside, ramdam ko pa rin yung kaba. Lumingon ako at nakita si Janine na naka-upo sa isang sulok, reviewing her notes in silence, at si Paolo na nakikipag-usap sa ibang kaklase namin, mukhang nagre-relax lang din kahit paano.
"Guys, ito na yung moment natin," ani Paolo nang lumapit siya sa amin. "Ready na ba kayong maging future leaders ng industry?"
Napangiti ako kahit na ramdam ko pa rin yung bigat sa dibdib ko. "Huwag mo muna tayong itaas sa pedestal, Paolo. Kailangan muna nating makalabas ng buhay dito."
"Tama! Pero don’t worry, Macy," sabi ni Janine na sumali na rin sa usapan. "Kaya natin ‘to. Ilabas mo lang yung confidence mo."
Tamang-tama, dumating na rin si Prof. Santos, yung thesis adviser namin, para tawagin ang first group na magde-defend. Tumayo kami ng grupo ko, at sinamahan kami ni Prof. papunta sa isang room kung saan naghihintay ang panelists.
Ang daming emotions na tumatakbo sa isip ko habang naglalakad kami papunta sa room. Lahat ng kaba, lahat ng doubts, sabay-sabay na pumasok. Pero kailangan kong mag-focus, kailangan kong mag-concentrate. Iniisip ko na lang lahat ng hirap na dinaanan namin—kailangan magbunga ‘to.
Pagpasok namin sa room, sinalubong kami ng tatlong panelists na naka-upo sa harap ng isang long table. Kilala ko silang lahat, pero kahit na friendly sila, hindi ko maiwasang kabahan. Nag-introduce muna kami ng grupo, at nagsimula na agad si Jason, bilang leader namin, sa introduction ng thesis.
"Good morning, professors," panimula ni Jason. "We are here to present our thesis entitled, "'Mental Health Matters: Analyzing the Impact of Social Media Usage on the Mental Well-Being of College Students.’"
Nagpatuloy siya sa pag-explain ng background ng study namin. Ramdam ko ang composure niya, pero hindi ko maiwasang mag-panic ng kaunti sa loob. Isa-isa niyang ipinaliwanag ang methodology namin, at kung paano namin nakolekta yung data. Nakaabang naman kami ni Janine sa gilid, ready to jump in once it’s our turn to speak.
Nung natapos na siya, ako na yung sumunod. I took a deep breath and started my part.
"So, for the data analysis, we used a mixed-method approach to understand both the quantitative and qualitative aspects of social media’s impact on mental health..." simula ko, habang ini-explain yung mga findings namin.
Habang nagsasalita ako, sinubukan kong maging calm, kahit na nararamdaman ko yung intense na stare ng mga panelists. Sinabi ko na lang sa sarili ko na alam ko yung thesis namin inside out. Pinaghirapan namin ‘to, so I just need to trust in what we did.
Nung natapos na yung part ko, si Janine naman yung nagsalita. She focused on the qualitative analysis and the themes we discovered from the interviews. Ramdam ko rin yung kaba niya, pero she handled it well. Nag-explain siya nang maayos, na parang hindi dinadala yung pressure.
YOU ARE READING
Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1)
RomanceIn the busy streets of Manila, under the sky that watches over the University of Santo Tomas, there's a story brewing. Meet Maria Clara Santos, a hardworking woman from a middle class family. She's a breadwinner to support them while chasing her dre...