Prologue
Maaga pa lang, ramdam ko na agad ang init ng Maynila. Kailangan ko nang magmadali. Papasok ako sa UST para sa klase, tapos diretso agad sa trabaho bilang barista. Scholar nga ako, pero hindi sapat ang scholarship para sa pang-araw-araw naming gastusin.
Sa maliit naming bahay, naririnig ko ang ingay ng washing machine. Si Mama, nagsisimula na namang maglaba para sa mga kapitbahay. Si Papa, as usual, tulog pa rin, lasing mula kagabi. Kung may trabaho man siya, hindi namin alam. Madalas kasi, ang trabaho niya ay umuwi ng bahay na lasing at galit.
Iniwan ko sina Mariane, Max, at Mica sa hapag-kainan, nag-aagahan ng simpleng pandesal at kape. Sila ang tatlong dahilan kung bakit hindi ako pwedeng sumuko. Si Mariane, eleven years old na, nag-aaral ng mabuti. Si Max, nine years old, laging may baon na tanong. At si Mica, ang aming bunso, five years old pa lang pero matalino na.
"Mariane, alagaan mo muna sina Max at Mica ha. Pakisabi kay Mama, huwag kalimutang kumain," sabi ko habang inaayos ang bag ko.
"Oo ate, ingat ka," sagot niya habang inaasikaso si Mica.
Paglabas ko ng bahay, ramdam ko na agad ang init ng araw. Naglakad ako papunta sa jeepney stop, dala ang mabigat na bag na puno ng libro at notes. Kailangan kong mag-aral nang mabuti. Ito lang ang paraan para makaalis kami sa kahirapan.
Sa UST, paborito kong tambayan ang library. Dito ako nagre-review, dito ko iniisip ang mga pangarap ko. Isang araw, makakatapos din ako. Magkakaroon kami ng mas magandang buhay. Yun ang palagi kong pinanghahawakan.
Pero sa dami ng problema at pangarap, minsan di ko maiwasang magtanong: Kailan kaya magiging mas madali ang lahat? Hindi ko alam na sa mga susunod na araw, may makikilala akong isang tao na magpapabago ng lahat. Pero sa ngayon, focus muna ako sa mga responsibilidad ko.
Laban lang, kaya ko 'to.
Pagdating ko sa campus, sinalubong ako ng mga pamilyar na mukha at ng ganda ng mga lumang gusali. Napapangiti ako kahit papaano. Dito sa UST, kahit gaano kahirap ang buhay, parang may pag-asa pa rin. Dito, kahit paano, nakakalimutan ko ang bigat ng responsibilidad ko.
Diretso ako sa unang klase ko, nagmamadali dahil halos late na. Pagkatapos ng ilang oras na lectures at group work, tumakbo ako papunta sa café kung saan ako nagtatrabaho. Halos walang pahinga, pero okay lang. Ang bawat kape at pastry na ginagawa ko, parang hakbang papalapit sa pangarap ko.
Sa trabaho, lagi kong pinagmamasdan ang mga customers. May mga estudyanteng tulad ko, may mga professionals, at minsan, may mga taong halatang may kaya sa buhay. Iniisip ko, darating din ang araw, magiging katulad din ako nila. Makakapagbigay ako ng magandang buhay sa pamilya ko.
Pag-uwi ko, madalas gabi na. Tahimik ang bahay. Si Mama, nakatulog na sa sofa, si Papa, wala pa rin sa wisyo. Mariane, Max, at Mica, tulog na rin, magkakatabi sa maliit na kama. Nilalapitan ko sila, hinahalikan sa noo, at nagdadasal na sana, bukas, magiging mas magaan ang lahat.
Isang gabi, habang nag-aayos ako ng mga gamit para sa susunod na araw, narinig ko ang pag-uusap ni Mama at Papa. Nakatayo ako sa likod ng pintuan ng kwarto ko, tahimik na nakikinig.
"Hindi na kaya ng katawan ko, Romeo," umiiyak na sabi ni Mama. "Kailangan mo nang magbago. Para sa mga bata."
"Ano bang magagawa ko, ha?" sigaw ni Papa. "Wala naman akong mahanap na trabaho!"
Pumikit ako at pinilit na huwag umiyak. Kailangan kong maging malakas. Para kina Mariane, Max, at Mica. Para kay Mama. Kailangan kong magsikap para matulungan sila.
Kinabukasan, bumangon ulit ako ng maaga. Alam kong marami pang pagdadaanan. Alam kong marami pang sakripisyo. Pero sa bawat hakbang, sa bawat pagod at puyat, palapit ako ng palapit sa mga pangarap ko. At sa ilalim ng goal ko sa buhay, patuloy akong mangangarap. Patuloy akong lalaban. Dahil alam kong sa bawat hirap at sakripisyo, may kapalit na magandang bukas.
YOU ARE READING
Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1)
RomanceIn the busy streets of Manila, under the sky that watches over the University of Santo Tomas, there's a story brewing. Meet Maria Clara Santos, a hardworking woman from a middle class family. She's a breadwinner to support them while chasing her dre...