Chapter 4: Same Village
CHIVALRY
Nakauwi ako sa bahay na sobra ang pagod, linisin ba naman yung room mag-isa.
"You’re late na umuwi, Chi. Anong ginawa mo?" Bungad ni Kuya Charles sa akin.
"Ngano man! Nanglimpyo ko sa among kwarto, gihangyo nako si Kuyang Guard nga mokaon una kay gigutom na sab ko." Reklamo ko sa kanya.
Agad siyang napasimangot dahil sa sinabi ko.
Hindi dahil sa kung ano talaga sinabi ko, dahil nag salita ako gamit yung bisaya word.
"Can you please stop using that bisaya word? Wala kaming naiintindihan! Pag untugin ko kayo ni Jelaila. Kung ano-anong natututuhan mo sa kanya sa Cavite." Bulyaw niya sa akin habang naka salubong kilay.
Hahaha! Sabi na e, ayon talaga kinainis niya.
"Ang sabi ko, kaya ako nalate dahil nilinis ko pa room NAMIN at kumain muna dahil nagugutom nako." Diniinan ko pa yung word na 'NAMIN' para malaman niya na masipag at maaasahan ako sa room namin.
Tinaasan niya lang ako ng kilay tapos tinalikuran nako.
Aba! Bastos na bata!
Umakyat nalang ako sa taas para maligo ulit at makapag palit na dahil ang init sobra ng uniform namin, huhu.
Pink tank top lang sinuot ko pang itaas, at brown cargo short. Nag pony tail na rin lang ako dahil ang init nga sobra nh panahon, at hindi iyon nakakatuwa.
Nagbasa lang ulit ako ng libro dahil iyon ang libangan ko.
Hanggang sa may nakita akong words na maganda, kaya pinost ko sa fb account ko.
Chivalry Lejairo
"A butterfly does not return to a caterpillar after it is mature. We must learn to grow and evolve into a stronger, wiser and better version of ourselves. Life occurs in stages and taking a step at a time is key to learning and growing.
— Kemi Sogunle."
After kong ipost, nag set ako ng alarm ng 3 pm para sa snacks time.
Binalik ko nalang libro ko sa lalagyan and then natulog na ulit, sobrang nakakapagod ngayong araw at nakaka stress. I can't believe na puro lalake ang classmates ko, hindi naman ako loko-loko at maayos grades ko, walang line of 7 dahil ayokong pumalya dapat 88-89 lang ang lowest ko.
Hindi ako matalino, masipag akong umintindi kaya nakakasabay ako sa mga kaklase kong always nasa honor list.
I always believe kasi na matatawag kang matalino dahil masipag kang umintindi, makinig at mag-aral kaya matataas ang marka mo.
Competitive ako sa ibang bagay, lalo na kung alam kong diyan ako magaling.
Back then sa Cavite, nag join ako sa broadcasting club dahil gamay ko iyon at mahilig akong magbasa ng script, i always dreamed to be a good broadcaster.
Hindi lang sa broad casting ako magaling, sa public speaking, debate and many more maliban lang sa Mathematics.
Believe it or not, hindi ako nakakasabay kapag Math ang topic, dahil ako mismo alam kong iyan ang subject na kahinaan ko.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen Fiction- ON GOING - Chivalry Diora Lejairo - A cheerful student, kind, energetic, and most of all, a good daughter. Unbeknownst to others, she's the secret daughter of an assassin's boss. She's stubborn, loves to eat ensaymada, and excels in class. Highl...