Reasons.
Chivalry’s POV
Nakakairita! May pasok na naman, tinatamad pa naman ako ngayon. Isa pa, wala naman atang ituturo ngayon, magpapa copy notes lang si Ms. L, gawain niya iyon e.
Wala naman akong choice, kaya naligo na ’ko at ginawa daily routine ko para mapabilis. Maaga pa naman kaya nag hair band-braid style ako at nag simple make up lang ako. After ko sa pag-aayos, isasara ko na sana pinto pero biglang nag buzz cellphone ko, may nag text.
Vincent:
Where ka, Val?
Chivalry:
Nandito sa bahay, kakain pa lang.
Why?
Vincent:
Okay! Eatwell, sunduin ka namin latur.
Nag-okay ako at nag madali na sa pag baba, halos mahulog pa ’ko sa hagdan dahil may takong itong sapatos ko. Dagdag tangkad na rin, kahit matangkad naman na talaga ako noon pa. Nasa 5'5 na nga ata ako or mas tumangkad pa ’ko.
Nakita ko sila sa dining kaya nag punta na agad ako, breakfast namin ngayon fried rice and egg, konti lang kinuha ko para matapos agad ako, mamaya nasa labas na pala sila. Nakakahiyang pag-hintayin sila, baka magutom ulit sila, wala akong ipangli-libre ngayon.
"Ano’t nag mamadali ka sa pag kain, Diora? Mamaya mabulunan ka sa ginagawa mo." Saway ni Papa sa ’kin, para kasi akong tanga subo nang subo, walang hinto. Malapit na ’kong mabilaukan.
Natapos na ’kong kumain kaya nag tooth brush na ’ko para iwas tinga, kainis. Tarantang-taranta ako. Ayaw ko kasing paghintayin sila, nakakahiya. Sila na nga sumundo sa akin, babagalan ko pa kilos ko.
"Bye, pa! Kuya Cael and Kuya Charles. Loveyah!" Hinalikan ko na rin sila sa pisngi at umalis na. Nag-chat agad ako kay Vincent na nasa gate na ako.
Sineen lang ni Vince chat ko kaya nag hintay nalang ako.
Actually, napapaisip ako. Anong meron ngayon at susunduin nila ako? Nakakapagtaka talaga actions nila.
Biglang busina sa harap ko kaya natigil ako sa pag-iisip.
May naka SUV, VAN at SEDAN, alam mo yung sedan? Jusko, nakaka tulo laway. Parang gusto kong rentahin sasakyan niya tapos ibabangga ko sa daan, kasi hindi ako marunong mag-drive at wala akong student license. Men, aayusin ko ugali ko para lang isakay nila ako sa mga magagara nilang sasakyan.
Yung mga nasa SUV ay sina Maverick, Damon, Lysander at Ethan. Si Ethan driver nila. Sa Van naman ay mukhang guard, naka 'Men in Black' outfit siya e, mga nakasakay sina Tyler, Vincent, Tobias, Claude, Denver tapos nag siksikan si Hideo at Aaron, si Xyriel naman nasa passenger seat. Sa sedan naman ay, sino paba? Walang iba kundi sina Castro, Morales at Dasilvio, talagang nakalabas pa mga kamay nila.
"Dito kana, hindi kana kasya sa Suv at Van. Dito lang may sobra." Sabi ni Castro, mukhang siya driver nila.
Si Icarus, nagce-cellphone, walang pake sa paligid. Si Dasilvio naman, nanlalamig ako sa tingin niya, walang emosyon e. Umiwas nalang ako sa tingin niya at pumasok.
"What? Get in, huwag kang maarte." Tinarayan ko nalang siya.
Wala na ’kong pagpipilian at hindi na ’ko pwede mag-inarte kaya pumasok nalang ako at umupo sa pwesto ni Dasilvio.
Feeling ko ihawan itong sasakyan na to, putik puro usok ng vape! At hindi ako natutuwa, ang sakit sa ilong. Wala naman akong karapatan mag reklamo. Kahit pa mabango iyon, ang sakit sa ilong. Tanging pagsimangot nalang magagawa ko, kapal ko naman kung pupunahin ko pa sila sa bisyo nila.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen FictionChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
