Chapter 16

461 11 0
                                        

Discharge.

Chivalry’s POV

It’s discharge day! Finally! Makakauwi na rin ako, thanks sa Doctor na pinapalayas na ’ko sa Hospital nila. Hahaha, biro lang. Nakapag-ligpit na rin sila kaya alalay at bayad nalang ang gagawin nila, grabe ang mahal din ng mga gamot na nireseta sa ’kin. Parang pwede ko na ibenta mga alaga ko. Ay! Oo nga pala, mga anak ko hindi ko pa napapakain. Grabe, pag-uwi ko mamaya marami akong ipapakin kay Lily at Lala.

"Let’s go, I want to go home na. I don’t want to be here anymore."

Nagpaalam lang kami sa mga Doctor nat gumayak na, actually kanina pa ’ko uwing-uwi, namimiss ko na super mga babies ko! Wala silang awa, hindi pinakain mga babies ko! Atsaka may kailangan pa ’kong tapusin, yung mga inorder ko, ilalagay ko sa mini drawer ni Lala at Lily, both may names para hindi ako malito.

Habang nasa byahe, dilat pa rin mata ko. Ikaw ba naman pinatulog ng sunod-sunod, sinong hindi didilat ng sobra mga mata. Si Mama at Papa nasa unahan, ako at si Kuya Caleb sa pangalawa, yung dalawa naman may sariling sasakyan. Sosyal sila e, gusto hiwalay sila sa amin. Pinagmamayabang pa mga sasakyan nila, masira o magasgasan sana.

Nakauwi kaming ligtas, thank you, Lord! Nakakatakot kasing bumalik sa Hospital, tapos critical na condition ko kasama pa magulang ko. Baka mainis na mga Doctor sa amin niyan, sabihin kaka-alis lang babalik na naman.

Panay reklamo pa naman sila sa akin, daig ko pa raw yung suki sa tindahan na panay utang—pabalik-balik daw ako sa hospital, at palala naman daw nang pala kada iche-check nila ako. Kulang nalang itaboy ako sa ibang hospital e.

"Anong ulam gusto mo, sweetie?" Tanong ni Mother sa ’kin! Damn talagang ulam ko lang na gusto ang tinanong, the rest kaya na nila sarili nila! Nagningning naman mata ko sa tanong na ’yon at abot tenga akong sumagot.

"Pork steak! Tapos mineral, ay oo nga pala! Hotdog na may cheese na rin. Thankies Mother!" Umakyat muna ako para kunin mga foods ni Lala at Lily, isasabay ko sa kainan. Oras na rin ng kain nila, ayokong magutom sila lalo. Baka layasan na nila ako.

"Na-miss kita kwarto ko! Mwah!" Tangina, paano ba naman sa hospital na ’ko nakatira, ni hindi ko na nga maalala masyado itong itsura sa kwarto ko, dahil puro puti nakikita ko. Nakakasakit sa mata, para akong susunduin ni Lord anytime at anywhere.

Umupo muna ako saglit para pagmasdan kwarto ko, hanggang sa may narinig akong sobrang ingay sa baba. Ano’ng nangyayari sa kanila? Hindi naman siguro sila nag-aaway. Nagmamadali akong bumaba hanggang sa naabutan ko ay.... Ay mga bwisita na naman! Putek! Kumpleto pa sila, kasama si Amaya at Darcey, pero sino yung dalawang babae na kasama nila? Tropapips kaya nila ‘yon. Ay bahala na.

"Ry! Here! Come to us!"

"Ginagawa niyo rito? Kasama pa talaga ’yang mga impakto. Ay! Sino pala kasama mo?" Tanong ko, bakit ba! Mamaya maging frenny ko sila e.

"I don’t know Ry, nagulat nalang kami nakaparada na mga car nila sa labas. Anyways, this is Vivianne and Lysandra. Lysander’s sister."

Nag-shake hands naman kami and beso-beso, pero saglit lang dahil kakain na kami. At dahil special child ako, inuna ko muna mga babies ko, bago sila. Wala namang umangal e. Masaya kaming nagsasalo-salo, hanggang sa may naamoy kaming...

"Tangina! Ilabas niyo na yan hoy! Ambaho!"

"Ilang taon ba ’yang tinago?! Sobrang baho!"

Napangiwi ako, base sa amoy mukhang sa mga pusa ko ’yon. Baho sobra e..

"Aling Carlie! Si Cala po jumebs! Palinis po muna, kumakain po kami e." Pumayag naman kasam-bahay namin, and nilabas niya muna para presko at makapag-laro. May play ground sila e. Yayaman.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now