Chapter 12

427 9 0
                                        

Worried.

Aiden’s POV

Bigla nalang tumakbo si Laurent palabas, hindi naman siguro halatang gutom na siya e ’no? Or ayaw niya lang talaga kami kasama? Daig pa si flash kung tumakbo palabas sa room namin. Hindi naman siguro halatang ayaw niya kaming kasama kumain.

"Grabe, hindi halatang ayaw niya tayong kasabay mag break time ha. Ouch naman." Mukhang nasaktan pa ’tong si Ethan, nakahawak pa sa dibdib at naka luhod e. Akala mo iniwan ng shota. I mean, iniwan naman talaga siya noon, kasi baliw siya.

"Tara, sundan natin!" Aya ni Xyriel, pero umiling lang kami. Ayaw naming sumunod.

Ayokong makita mukha ni Darcey at Amaya, masyado silang nakakairita, walang tigil yung bunganga nila, kahit sa hideout ganyan sila, detailed ang mga kwento nila. Kaya gusto rin nilang mag spy yung dalawa, bukod sa tahimik gumalaw, matalas pandinig at memorya kapag may naaalalang plano mga kalaban.

"Huy! Tara na. Nagwo-worried ako kay madam, baka mapag tripan." Anak ng tokwa, pinagpa-pawisan pa siya sa pag-aalala niya.

He have a crush on her, no need a fucking evidence.

Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha but he just shrugged.

"Let’s go sa malapit sa cafeteria. Baka nandoon siya." Wow, pinatulan niya pa yung sinabi ni Ethan.

"Wow, Killian. Wow, is that you? You’re worried, aren’t you?" Icarus asked. He always looks irritated, and I hate it. Para siyang timang, laging nakasimangot. Akala ata cool siya.

Cool-ang sa pansin. Minsan nalang magsalita, nakakainis pa. bukod sa sarcastic sumagot, maikli pa, kaya gugustuhin mo nalang na huwag siyang pansinin dahil maiinis ka lang sa sagot na ibibigay niya.

Syempre, hindi nag patalo si Killian, irita niyang tinignan si Icarus at sumagot. "No, what the fuck." Pilit kong tinatago tawa ko, baka sa ’kin mabaling irita niya. Mahirap na. Baka masapak na naman niya ko.

Last time na inasar ko siya, napikon siya kaya nasapak niya ako sa mukha ko. Nagkaroon pa ’ko ng black eye sa ginawa niya, pero naiintindihan ko naman. Malakas ang topak niya tapos inasar ko pa, iyon tuloy natanggap ko sa kaniya. Kamao niya.

Nandito kami sa bintana, malaki siya and malawak, kita mga tao sa cafeteria. At kita namin ang babaeng kasama ni Laurent.

Damn it, mukhang idadaldal pa ni Darcey at Amaya yung tungkol sa nakaraan, inunahan pa kami. Wala talagang nakakapigil sa dalawang iyon. Buti nalang wala pa kapatid ni Lysander na si Lysandra pati kaibigan nilang si Vivianne. Mahirap na, baka pati mga katarantaduhan ng section na ’to malaman pa ni Chivalry, malditahan pa kami.

Nagpaalam na si Darcey at Amaya, pero si Val, bumili muna ng pagkain tapos umalis na. Hindi ko alam saan siya pupunta, pero mukhang paakyat na sa floor namin. Nauna na ’kong lumakad pabalik sa room namin, iyon lang naman gusto nilang makita, si Val.

"Tara na, balik na sa room!" Hindi naman halatang takot malate ang kumag na ‘to.

"Baka pati bad side niyo, na-ikwento nila." Bulong ni Denver sa aming tatlo.

Sana naman hindi, malaki tiwala ko sa mga babaeng ’yon.

Natapos na ang break time, pero walang Laurent na bumalik, nag-aalala na mga kaibigan ko. Nasa’n kana ba? Sana ayos ka lang.

"Try to call her, Meyers." He really looks worried. I hope it won’t happen again.

"Puta! Walang sumasagot, naka-silent ata siya." Halos maging balisa si Vincent.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now