Hideout
Vincent’s POV
Hindi ko alam kung magandang idea ba na iwan namin yung bago namin classmate, babae pa. Baka mamaya maisipang pag-tripan ng ibang section, mahirap na baka mayari kami sa teacher naming ubod sa sungit. Pero need naming umalis, kasi wala lang, trip lang namin. Halata ring naaalibadbaran sa amin yung babae, panay irap sa amin! Wala pa naman kaming masamang ginagawa s akaniya!
Pero wala naman kaming balak, takot nalang namin sa Kuya Cael niyang tinalo pa si kamatayan magbanta ng buhay. Isang tingin lang parang sinasaksak kana e, kaya ayaw rin naming biruin iyon, pwera kay Killian, kasi baliw siya at malakas siyang mang-asar, at hindi siya takot kay Caelum.
Ay oo nga pala, napansin ko lang kay Val, e ang ganda niya pala sobra, pakiramdam ko totoo talaga mga fairies sa sobrang ganda niya. Sabay mo pa yung green ang mata niya, while yung eye shape is thin almond tapos tapos makapal pa yung pilik mata niya tapos lalong gumaganda mata niya na color green kapag natapat sa araw! Maputi siya, makinis at hindi mo makikitaan ng peklat sa katawan, mas makinis pa siya sa pwet ko, parang tinutungga niya yung gluta sa sobrang kinis niya. Maganda rin ilong niya! Symmetrical pero sharp! Mukha siyang french na may iba pang lahi sa sobrang ganda!
Nakakahiya siyang hawakan, baka magasgasan
Pwede na nga siyang maging model o artista kung gugustuhin niya e. Artista sa international at model sa Paris sa sobrang ganda niya! Kung totoo lang si Santa Claus, hiniling ko na na sana maging girlfriend ko siya, dahil swerte siya sa akin kung sakali.
Gawapo? Check! Maskulado? Check na check! Kumbaga ang Vincent Meyers ay full package na, sobra pa nga sa full e!
Hindi ako sure sa buhok niya, may tali kasi at wavy yung sa baba, baka mamaya curly hair siya kaya huwag nalang isama sa description. Ang mahalaga ang ganda niya, pasok yung model beauty sa kaniya, mukha siyang nagni-ningning sa liwanag.
Kamukha niya yung model sa Victoria Secret.
Bagay siya sa kanta na Bubbly by Colbie Caillat.
"Napansin niyo ba apelyido ni Chivalry? Laurent daw? Pamilyar siya sa akin." Kunot noong sabi ni Tyler.
Bobo ang puta, malamang pamilyar surname ni Val dahil may kilala kaming Laurent. Kahit kailan, hindi pinapairal utak e.
"Alam mo? Sayang pinapa-aral sa 'yo ni Tita Thena! Ang bobo mong kupal ka!" Sigaw ko sa mukha niya, nakita ko namang nainis siya.
"Ulol, sayo pa talaga nang galing iyan ha! Mas nakakahiya ka nga kay Tita Rhysa!"
Sisigawan ko na sana, kaso nag salita bigla si Icarus.
"I think she’s the one Cael’s talking about."
Sang ayon ako, huling kita namin sa Hideout may sinabi siya sa amin na may kapatid siyang babae pero hindi sinabi pangalan.
Tanongin ko kaya mamaya si Charles, kaso gago kausap iyon kaya si Cael nalang.
“Gago, naaawa ako kay Princess iniwan natin siya." Napatingin kami kay Tobias dahil sa sinabi niya.
Princess? Gago ba siya wala namang Princess sa pangalan ni Val.
"What the hell, Ivalo." Natawa ako dahil tinawag siya ni Aiden sa second name niya.
Hahahaha! Bumubulong pa siya e.
"Let’s go to hide out, I need to grab some beer." Si retsam Killian.
Sumakay kami sa mga sari-sarili naming kotse papunta sa hide out.
Hindi lang halata, pero malapit lang sa university namin yung hide out namin, tagong lugar lang talaga.
10 pa lang, break time umalis na kami nung bumaba si Val.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen FictionChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
