Chapter 1: Back to Manila
CHIVALRY
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari dahil nagkakagulo rito sa bahay namin, kagabi pa sila ganyan simula nung muntik na mabaril ata si Kuya, pero hindi ko alam kung anong dahilan.
"Anak, Chi mag impake kana. Kayong lahat, luluwas tayo sa Manila." Biglaang saad ni Papa habang nagmamadali sa pag liligpit ng mga gamit.
Napakunot noo ako, lilipat kami? Paano pag-aaral namin dito sa Cavite?
"Paano po yung school namin dito, Papa?" Tanong ko, habang naguguluhan pa rin sa inaakto nila.
"Lilipat kayo sa ibang School, sweetie. Stop asking questions, please? Just go clean your self dahil aalis agad tayo ngayon," Hindi nakatingin sa akin si Papa dahil inaayos niya iba naming gamit na kakailangan sa pag balik sa Manila.
"And, bring your necklace ha? It’s important." Papa said.
Tumango nalang ako kahit medyo magulo pa rin sa akin mga nangyayari, pero nag ayos pa rin ako ng mga gamit ko.
Naligo lang ako ng mabilis, at agad sinuot ang paborito kong Black Midi Skirt and Mock Neck Black Top and White Cardigan. Habang sinusuot ko sandals ko, pilit kong sinusuklay buhok ko, well ang tigas kasi ilang araw ba akong hindi nakapag conditioner? Hahaha, kidding.
Dahil kumpleto na gamit ko sa maleta, nilagay ko naman sa Tote Bag ko mga favorite snacks ko and mga plushie ko para hindi nako bumili pa kapag nasa Manila nako. Sinuot ko na rin backpack ko na puro school supplies and make up laman, essential iyan sa mga students, Hahahahaha.
Lumabas nako sa kwarto matapos mag impake at icheck kung may kulang pa ba na gamit, nakita ko sila Papa at Kuya ko na naka ready na. Mukhang ako nalang hinihintay nila, nakasimangot mga Kuya ko e.
"Daig mo pa pagong sa sobrang bagal kumilos, Chi." Kuya Caelum said, ang lamig! Daig ko pa nasa Korea sa sobrang lamig ng boses niya. Huhu, katakot talaga siya.
Napasimangot nalang ako at sumakay sa van, ayokong makipag talo kay Kuya kasi hindi nila ako papadalhan ng ensaymada sa school, ang yayaman pa naman nila.
Hindi ko maiwasan na makatulog, dahil 5 a.m pa lang ng umaga kumilos na agad kami, Saturday ngayon kaya walang pasok. Alas tres nako nakatulog dahil sa kakabasa nung libro na title ay A Gentle Reminder and sa kakalaro sa mga plushie ko. Hahaha, isip bata datingan ko pero 17 years old na ’ko. Next year, February 14 ang birthday ko.
Nagising nalang ako dahil may tumatapik sa pisnge ko, sino na naman kaya itong istorbo sa tulog ko.
"Chi, wake up. We’re here na."
Sinikap kong tignan cellphone ko kung anong oras na, and shux 11:24 na, bakit ang tagal? Nakita kong may supot ng Jollibee kaya napasimangot ako, piskit bai kumain sila hindi manlang ako inalok. Psh.
Tumango ako at sumunod sa kanila papasok sa bahay, ‘wag ka, mala mansion ito dahil malaki ang gate at bahay. Naaalala ko, last time na nag punta kami rito 6 years old ako and naligaw pa ako dahil sa laki nitong bahay nila Papa. Actually ako, si Kuya Charles and Kuya Caelum lang nandito dahil kasama ni Mama si Kuya Caleb, panganay sa amin.
Sinipat-sipat ko yung dati kong kwarto, at wala namang nagalaw bukod sa all pink pa rin, hindi halatang mahilig ako sa pink. Inayos ko muna mga gamit ko bago maligo ulit, oo maliligo ulit po ako. After taking a bath, sinuot ko neutral tanks ko and maong shorts dahil mainit yung suot ko kanina.
Bumaba ako and dumiretso sa dining area dahil tanghalian na namin, wala sila Lola tanging susi lang ang naiwan sa amin dahil nasa America sila ata? Ewan, wala naman nakong balita sa kanila.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen Fiction- ON GOING - Chivalry Diora Lejairo - A cheerful student, kind, energetic, and most of all, a good daughter. Unbeknownst to others, she's the secret daughter of an assassin's boss. She's stubborn, loves to eat ensaymada, and excels in class. Highl...