CHAPTER 2

694 21 9
                                        

First day

Chivalry's POV

Maaga akong gumising, bukod sa matagal akong kumilos, e, ayoko ring ma-late sa first day of class, nakakahiya kaya iyon. Kaya naman binilisan ko na pag-kilos ko, sakto kasi nag-iron ako kagabi ng mga unifs ko para hindi na ’ko mataranta kasi nakalimutan ko.

Nag-exercise muna ako saglit at tumungo sa cr, naligo agad ako, pero sando and cycling muna suot ko dahil maaga pa naman baka mangasim agad ako, joke lang po. Hahaha. Ayon muna sinuot ko, and sinimulan ko na yung pag-ayos sa buhok ko, nag-braids lang ako ng kalahati, at sa ibaba kinulot ko nalang, para naman mukha talaga akong student. Nilagyan ko rin ng clips na may ribbon, maliit lang naman iyon kaya hindi ako magmu-mukhang elementary sa itsura ko.

Habang ginagawa ko make up ko, pinatugtog ko yung 'Toxic' by Britney Spears. Ang ganda, parang ako. Ninipisan ko lang make up ko, more like sa blush on at lip gloss lang ako bumawi, para hindi ako mag-mukhang maputla. Sa kilay ko naman pinantay ko lang, maganda naman kulay niya kaya no need na lagyan pa, and sa eyelash kaunti lang nilagay ko, makapal kasi eyelash ko at may kahabaan kaya hindi na rin need ng mascara at eye curler.

Syempre, kapag tapos na ang make up mag spray na sa mukha para hindi humulas or mag cakey baka akalain nila lubak-lubak mukha ko. Natural beauty ako, pero gusto ko mag make up, pero simple lang naman kasi why not? Simple make up look na pwede akong mag mukhang presentable at pwedeng kuhaning brand models, baka palarin kasi ako at maging international model.

Lakas mangarap.

Well, maganda, matalino at sexy ako, so valid lang pinapangarap ko.

Tangina sa papuri sa sarili e.

Pasado alas singko na ako natapos pati sa pag bibihis at sapatos, kaya bumaba agad ako sa dining area para mag almusal, at laking gulat ko nandon na agad sila.

Wow, early pa sila sa early ha. Bihira lang ’to, ako kasi talaga unang nagigising sa amin. Kailangan ko pa sila minsan kalampagin isa-isa sa mga kwarto nila.

Kunot noong tumingin si Papa sa mouth wash na hawak ko.

"Bakit may hawak ka niyan?" Obviously para hindi na ’ko mag-toothbrush after kumain, para hindi rin mawala gloss sa lips ko.

Umiling nalang ako sa kaniya at kumain na, para hindi na rin kami matagalan.

"Umayos ka, Chi. Kumain kana dahil medyo malayo ang EFU sa subdivision na 'to." Sabi ni, sino paba? Edi si Kuya Charles na paepal, akala mo naman talaga matino siya para sabihin sa akin na umayos.

Kidding aside, totoo sinabi niya, kailangan kong umayos dahil barumbado ako sa dati kong school. Muntik na ma-hold diploma ko dahil may nasaksak ako ng ballpen dahil na-bully ako. Ayon, binawian ko, mas malala nga lang ginawa ko.

"Opo, maka tanga akala mo... hindi rin siya tanga e." Bulong ko pa kaya napatingin siya sa akin, wala akong choice kundi lingonin isa ko pang Kuya na presentableng kumakain habang nakatingin sa laptop niyang hindi ko maintindihan bakit puro graph, graph ng mga mayayaman na may business.

Palagi siyang ganyan, malapit na, iisipin kong may own business siya at siyang ang CEO na strict sa empleyado.

Paano ba naman kasi, salubong kilay habang may pinipindot sa keyboard niya. Akala mo pumalpak empleyado niya sa trabahong inatas niya, salubong na salubong kilay.

Mabilis naming tinapos yung breakfast namin, dahil may flag ceremony pa na magaganap sa univ namin, kaya halos mabilaukan na kami kakamadali.

Hinatid ako ni papa sa univ kung saan kami papasok, pero dalawa gate for shs and college kay medyo malalayo ako kaunti kay kuya Charles, si kuya Cael kasi sa ibang univ dahil wala yung course na gusto niya rito.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now