New pets
Maverick’s POV
Ang gago nila, sineryoso talaga nila na bibilhan nila ng pusa si Val, mahal iyon. Parang alam ko na patutunguhan nito, isang salita lang ni Val, susunod agad sila. Parang mga asong nakatali kay Val, ang amo nila puta. Hindi ako sanay, at nawi-wirdohan ako sa kinikilos nila towards Val.
"Saan naman kayo bibili ng persian cat at birman cat dito sa pinas?" Tanong ni Damon.
Suminghal si Aaron bago sumagot, "Bobo sinong nag sabi na rito sila bibili? Sa ibang bansa sila bibili, mag-uutos sila." Nagulat kami sa sagot niya kaya napatingin kami sa lima.
Kibit balikat lamang ang ginawa nila at tinalikuran kami.
Don’t tell me crush nila si madam Val? Naku po.. may kaagaw na ’ko. Joke!
"Mahal yung dalawang pusa na gusto ni Val." Asik ni Tyler.
Totoo, ang mahal ng pusa na iyon, lalo na kung sa ibang bansa sila bibili. I mean, may kaibigan sila ro’n sa ibang bansa, at pet owners din at doon sila bibili, para mabilis lang maipadala sa pinas. Ang kaso, saan nila nakuha yung kapal nila na bilhan si Val? Halata mong may crush sila kay Val.
Ako rin, crush ko siya. Pero hindi ako tulad nila, hanggang ligaw tingin lang naman ako.
"Mas mahal naman daw nila si madam!" Biro ko at nakatanggap ako nang middle finger nilang lima!
Siraulo talaga. Ganyan na ganyan nga sila noon e. Lahat ng gusto ni secret, binibigay nila. Love square nga e, kasi tatlo silang nag-aagawan kay secret, ewan ko ba kung anong nagustuhan nila sa kaniya. Sa totoo lang, pansin ko na talagang iba aura ni secret e, parang kontrabida sa buhay naming magka-kaibigan. But, I can’t deny the fact that she made us happy, even though she obviously don’t like us. She’s a great pretender.
"Mura lang naman iyon, isa pa barya lang ’yan kay Killian." Nakangising asik ni Denver, nang-aasar.
"Yeah, barya lang sa akin iyan." Mayabang na sagot ni retsam Killian. Tangina, sana ma-basted to, ang yabang e. Ngisi-ngisi rin siya, sana maranasan niyang ma-basted ng babae, siya kasi mahilig mambasted sa ka-pogian niya.
Ako kasi sobrang pogi lang.
Agad na kumontra si Tob, "Ulol, pag dating sa amin kuripot amputa." Natawa kami sa sinabi niya. Nakatanggap naman siya ng matalim na tingin kay Killian kaya mas lalo kaming natawa.
Totoo naman kasi, kuripot si Killian ’pag dating sa amin, miski barya na duling at butas ipag-kakait pa niya. Isang beses pa lang niya kami nalibre, pero sa mamahaling restau naman kaya okay lang. Ang kaso, bakit si Val daang libo agad ginastos?! Isang sabi lang niya iyon, walang pangungulit, pero sa amin ang hirap! Parang hindi niya kami kaibigan! Mas pinili niya si Val! Joke.
"Stop saying nonsense, we need to buy her a cat."
Ampucha, hindi pa nakaka-bwelo may Great wall of Val na agad. Kawawa naman pala itong may silent crush kay Val, hindi pa nakakasulyap, nilagyan na ng harang ni Killian. Hays, mabuti at napigilan ko agad sarili ko.
Inshort, kawawa kaming secret admirer ni Val. Hindi kami makakaporma sa kaniya, kasi may bantay na siya.
Kung sabagay, hindi pa naman ako nakaka-move on sa ex ko, kaya hindi ko rin magawang magkaroon ng malalang crush kay Val.
Comeback to me, Zhakira my baby sugarplum.
I missed my ex so much, kung bakit ba naman kasi iniwan ako ng walang pasabi tapos malalaman kong nasa America pala, iniwan ako para sa childhood crush niyang kano.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Fiksi RemajaChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
