Meet Cala and Cali.
Chivalry’s POV
Wahaha! Finally, makikita na nila Kuya at Papa mga pusa ko, at wala silang magagawa kahit umangal pa sila. Masyadong cute ang mga pusa ko para mainis sila. Kung cuteness ko nga hindi nila matanggihan, cuteness pa kaya ng mga pusa kong mana sa akin.
Ganyan ako kasaya, nakauwi na kami and busog ako kasama pusa ko na binili nila para sa akin, sa totoo lang nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.
Sila na nga bumili nang pusa, sila pa nag bayad para sa foods ng cats ko. Grabe, love ko na sila!
"Wow, a cats. What’s their name?" Papa asked.
Actually, pinapansin ko na siya. Naiintindihan niya sitwasyon ko, alam niyang mabigat kaya ginagawa niya lahat para gumaan. That’s why pinansin ko na siya, isa pa lovielovie ko ang Papa ko, siya ang kasandal ko sa lahat.
Si Papa na rin ang tumayong Mama ko, kaya may times na hindi ko hinahanap totoo kong mama, dahil pinaparamdam sa akin ni Papa na kaya niya maging papa at mama para sa akin, bagay na sobrang iniyakan ko nang sinabihan ako na sobrang swerte ko sa Papa ko.
"Lala and Lily name nila, dapat nga letter C or D kaso ayan ang naisip ko. Cala and Cali sana iyan or Dana and Dara. Kaso ayan agad pumasok sa utak ko."
"Then palitan mo yung name, wala naman silang birth certificate."
Malawak akong ngumiti at sumang-ayon sa sinabi niya.
From now on, Cala at Cali na sila. Family C kami.
Nakangiti kong pinagmamasdan si Papa habang buhat dalawa kong anak, joke.
"Okay, Cala at Cali na name nila. Parte na sila ng family tree natin."
Mahina naman siyang natawa sa sinabi oo, at dahan-dahang hinahaplos ang mga pusa ko.
"I miss this, namiss kong humawak ng babies." Miss pala niya e, bakit hindi niya ’ko bigyan ng panibagong kapatid.
"Bigyan kita." Natawa ako sa sinabi ko kaya sobrang sama ng tingin sa akin.
Parang joke lang, akala niya ata kaya kong sumuway sa kaniya.
Sineryoso agad sinabi ko, akala naman niya kaya kong ibigay yung ganon. Akala mo talaga magagawa ko yung mga kalokohang lumalabas sa bibig ko, puro lang naman ako biro, tapos papatulan pa nila.
"That’s not funny, take that joke and knock on the wood. Faster!" Papa said in serious tone.
Hoy grabe! Hindi ko naman gagawin, nakakaloka ang father ko!
"OA ka Papa, natural joke lang. Akala mo naman kaya ko!" Inirapan ko pa siya, paniwalang paniwala sa mga sinasabi ko.
Mamaya sabihin ko umuwi na si Mama para lambingin siya. Kulang na siya sa lambing ni Mama kaya stress na stress sa akin. Isang halik lang ni Mama sa kaniya, back to zero na ulit stress niya.
"What the... freak?" Narinig ko boses ni Kuya Charles kaya lumundag ako para salubungin siya.
"What’s happening here?" Sunod naman si Kuya Cael, ganon din ginawa ko.
Ang pinagkaiba lang, si Kuya Cael may kiss sa akin, si Kuya Charles wala, ang baho ng amoy niya, amoy hindi ko maintindihan. May kakaiba sa amoy niya, at ayoko non kung pabango kan iyon.
Napasimangot siya sa ginawa kong iyon kaya naman mabilis na kiss nalang ginawa ko para hindi magtampo sa akin.
Kahit hindi naman talaga siya nagtatampo sa akin.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Fiksi RemajaChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
