Chapter 18

248 10 0
                                    

Chapter 18: Quiz

CHIVALRY

Maaga akong nagising dahil back to school na, ilang araw na rin ang nakalipas simula nang bumalik sa America si Mama at Kuya, we have a proper talk and proper goodbyes. Namimiss ko na agad sila, what if pa-hospital ulit ako? Just kidding. Ang selfish ko kapag ginawa 'yon.

But anyway, it's four in the morning and I already washed my self. All I need to do is cook them a breakfast, so we can eat before we leave. Ayoko na kumain sa labas, nuusukan uniforms ko. Bumabaho sobra. Tapos na 'ko sa pagluluto, kaya kumain na agad ako. Baka matagalan ako sa pag-aayos, you know gusto ko lagi maayos buhok ko. I was planning to hairstyle it like Waterfall.

After my girl-routine, I immediately grab my bag, phone and wallet so I can leave now. Ayoko pa namang ma-late, never in my life akong na-late. Naiiyak ako kapag nalalate ako, may punishment kasi 'yon noon sa 'min kapag na-late ka. Bumaba na 'ko at kumakain pa lang sila, mga kakatapos lang nila maligo. Pinuntahan ko sila para batiin at halikan sa pisnge, nagmamadali na rin ako.

"Bye! Mauna na 'ko!"

"Take care and be safe!"

Nakasakay na si Kuya Alejandro, body guard ni Papa sa kotse kaya sumakay na rin ako. Kailangan kong mauna, mag-rereview ako at mag-tatake down notes and lessons, ang dami kong namissed.

Habang nasa sasakyan, pilit kong pinapasok mga last lessons na naabutan ko. Nagbabaka-sakaling lumabas sa mga quiz, kung bakit naman kasi biglaan e. Napakasakit. But anyway, hindi rin naman ako na-late dahil maaga akong nakapasok sa gate. Pag-akyat ko, parang sobrang tahimik sa room namin. It’s either absent, tulog or late sila.

At tama nga ako, mukhang absent o late lang yung iba. I mean, sobrang aga kasi namin. Dumiretso ako kay Aiden, kahit labag sa loob ko.

"Notebook, pahiram. Mag-rereview ako." Gen Math inabot niya pati yung notebook para sa next subj, ayun muna irereview ko. Gen Math pa lang, uubusin na braincells ko. Paano pa kaya sa ibang subjs, parang nabobo na ’ko no’n.

Habang nag-rereview ako, may mga pumapasok na. ‘Yong iba parang inaantok pa at labag sa loob nila yung ganito kaagang pasok. Kahit naman ako, labag sa ’kin yung ganito kaaga. Binati naman nila ako, kaya binati ko rin sila. Pero mas tumutok ako sa pag-rereview, kaya hindi ko na napansin yung iba pa. Kailangan kong maipasa ‘tong mga quizzes ko, nakakahiya naman kung babagsak pa ’ko rito. Sheesh.

Pumasok na yung first sub. Teacher namin kaya tumayo na kami para batiin siya. Pero winasiwas niya kamay niya at pina-upo agad kami, dahil 30 items yung quiz namin at putek na Math ‘to, kailangan may solution yung isasagot namin. Bawal din mind computation, kailangan may scratch kami. Hayop ka Gen Math.

Binigay na ni Ma’am yung mga questionnaire namin, pero sa yellow pad kami mag sasagot. Si Ma’am mag -checheck, baka raw may biglaang dayaan.

Hindi ko alam kung iiyak ako o tatakas nalang, wala ni-isa sa nireview ko kanina sa kotse yung mga tanong, pero buti na-review ko notes ni Aiden. Thanks to him. Hehe.

Quiz-tengina. Masyadong pahirap kaysa sa exam.

Seryoso akong nag-sasagot, pilit kong inaalis yung isip ko sa mga pag-kain. Baka pagkain maisagot ko. Actually, kahit mahirap yung mga tanong, nandon na rin yung clue sa sagot. Ewan kung bakit ganon, at ewan ko rin kung nahalata nila. Pero syempre, bilang ‘matalino’ Aba, nag-scratch pa rin ako. Nagbabaka-sakaling iba yung sagot na lumabas sa ’kin.

"5 minutes left, kakaunti pa lang nakakapag-pasa with their scratch papers." Pakening shet ka Ma’am! Teka naman!

Number twenty seven pa lang ako, huhuhu!

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now