CHAPTER 5

416 11 0
                                    

Chapter 5: Crush..?

CHIVALRY’S POV

Saktong 5:00 nag-alarm na kaya bumangon nako para maligo, hindi muna ako nag tooth brush kasi masasayang lang kapag kumain ako, madudumihan lang white teeth ko. Yes naman, white teeth ito.

Iba schedule namin ngayon nila Kuya, kaya nag request ako na mag luto sila ng champorado for my almusal.

Mabilis lang akong natapos sa pag ligo at hindi na ’ko nag blower dahil tatagal lang, nag lagay nalang ako ng pink hair clips sa dalawang gilid ng buhok ko, iniwan ko yung side bangs ko para maganda.

Naka ready nako, nag lagay nalang ako ng pulbo and pink vaseline sa mukha pati nag eyeliner and mascara, para mukhang normal student na hindi rarampa.

Pagka baba ko nakita ko sila Kuya at Papa na kumakain na, kaya nakisalo na agad ako.

"Where’s our good morning, Diora?" Bungad ni Kuya Cael sa akin.

Napatigil ako at napatingin sa kanilang tatlo sabay ngiti.

"Good morning Papa and Kuyang unggoy." Asar na pag bati ko sa kanila kaya napasimangot sila, habang si Papa naman tinatawanan sila.

Putek, hindi ako sanay na tinatawanan ni Papa si Kuya.

"Ako mag hahatid sayo ngayon," Kuya Charles said, tumango nalang ako dahil baka malate pa ako.

After namin kumain, sumakay na agad ako sa kotse ni Kuya, yes naman! Kotse niya! Hahaha, yaman e.

Minuto lang binyahe namin dahil nakarating agad kami sa Univ, at sakto 3 minutes nalang first subj na namin.

Naabutan ko silang nakaupo sa lapag at putcha mukhang matutulog pa iba rito ah.

Well, I can’t blame them. Sobrang aga ba naman ng pasukan, nakakaantok at nakaka istorbo talaga sa tulog.

Pumunta na agad ako sa pwesto ko at nag labas ng notebook at ballpen para makapag take notes ako while discussion.

First subject namin si Ma’am. Ludwig, mukha siyang fresh ngayon dahil wagas maka ngiti.

Medyo sumakit ulo ko dahil punyeta talaga, gen math ang first subj namin.

Nakakairita, first subj pa lang ubos na brain cells ko, parang babagsak agad ako ah. Joke.

Natapos na klase ni Ma'am, and next na pumasok na teacher sa amin ay babae pa rin, si Ma’am. Valderrama naman, mabait din at palangiti, oral communication naman ang subject niya kaya hindi na ’ko nahirapan.

Actually, kanina pa ’ko nakakarinig ng ingay sa likod hindi ko lang pinapansin.

Anong oras na, wala pa rin third subject teacher namin, mukhang hindi papasok sa room namin ah? Makapag basa nga ng bible.

Hindi pa ’ko nakaka kalahati, may tumawag na agad sa akin!

"Val! Halika rito, bilis!" Tawag ni Tob.

Pumunta ako sa likod dahil nandon silang lahat, nag kukumpulan.

"Yes po? May kailangan po kayo?" Magalang kong tanong.

"Anong gawa mo? Break time na natin mamaya." Tanong naman ni Claude.

Medyo naiirita ako sa tingin nung tatlo, parang may galit sa akin e.

"Reading bible po, why po?"

"Ang galang amputa, nahiya kademonyohan ko!" Sigaw ni Lysander.

Medyo natawa ako sa sinabi niya, kaya napatigil sila.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now