Chapter 14

411 12 0
                                        

Rest

Chivalry’s POV

"Mukhang mananapak na si madam!" Pangangatyaw ni Vincent sa akin, sinamaan ko ito ng tingin para tumahimik na siya. Kaso ang impakto, bumoses pa! "Ayan na! Aatake na siya!" Hindi na sila nakapag-pigil pati ang Tatay ko natawa na! Nakakainis! Anong katarantaduhan na naman ba ginagawa nila sa ’kin?! At sa harap pa ng tatay at dalawa kong kuya!!!!

"Stop it, she needs to rest. Kayo, lumayas na kayo." Utos ni Killian‚ tibay demanding. Bakit kaya hindi siya lumayas.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Excuse me! Kayong lahat ang lumayas! Shoo!" Hindi ko na kaya! Mamamaos pa ’ko kakasigaw sa kanila. Jusmiyo!

Tinawanan lang nila ako, pero hindi sila lumabas! Humiga pa sila sa sahig at sofa! Ano ba ’yan! Pahinga ang gusto ko hindi stress!

Wala na ’kong nagawa kundi ang hayaan sila, ano pa nga ba? Ang titigas ng ulo nila. Maiirita ka lang lalo.

Kakalabas ko lang sa ospital, mukhang babalik na naman ako dahil sa sakit ng ulo ko sa kanila.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari no’ng nakaraan, oo nakaraan. Ilang araw akong tulog, sobrang napagod at nasaktan ako e.

Natatakot pa rin ako, parang ayoko munang pumasok. Wala rin akong balita kay Raz, hindi ko rin alam kung sino nag ligtas sa ’kin kay kamatayan.

"Paano pala ako napunta rito? Ang naaalala ko, sinasaktan ako ni Raz bago ako mawalan ng malay." Tanong ko sa kanila, kanina ko pa ’to iniisip. Imposible namang si Papa o si Kuya.

Nag-tinginan muna sila bago tumango sa isa’t-isa at sumagot.

"Me and Amaya, actually nalaman lang namin dahil sa isang student. We’re lucky dahil nalaman agad namin, mahirap na baka mayari pa kami. Si Amaya nag dala sayo rito, ako? Inasikaso ko si Graziella." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, biglang ngumisi si Darcey sa huli niyang sinambit.

Sana mali hinala ko, na may ginawa siyang hindi kaaya-aya kay Raz. I mean, deserve ni Graziella na gantihan, kaso huwag naman kunin yung buhay.

Ako kasi gagawa non.

"A-anong nangyari kay Raz?" Kunwaring nauutal kong tanong, para maramdaman nilang natatakot ako kahit hindi naman talaga.

"Pinatay ko." Diretso niyang sagot, para bang normal nalang sa kanya.

BFF goals pala kami.

"Hoy! Ano kaba? Makukulong ka!" Halos matanggal na yung mga naka-tusok sa akin dahil sa pag sugod ko kay Darcey sa sobrang frustrated sa narinig.

"You know, Ry. You can ask your father. Tito Calvin is a beast, you don’t wanna know what he did to Graziella’s parents." Mas lalo pa ’kong nanghina sa sinabi ni Darcey.

Kilala ko ang Papa ko, kahit ganon ’yon alam kong hindi niya kayang gawin ’yon. Kahit pa... isa siyang assassination’s boss, alam kong hindi niya ugaling mandamay ng iba, na hindi naman pasok sa gulo.

Tinignan ko sila na may pangungusap sa mata na sabihin na mali lang yung narinig ko, pero umiwas lang sila ng tingin sa akin.

"Take a rest, Chivalry. It’s not good for your health na ma-stress ka na naman." Dahan-dahan akong ibinalik ni Killian sa higaan ko, nanghihina ako sa mga narinig ko.

"What do you want? A food?" Killian asked.

I just nodded to him, gutom na ’ko.

"Hoy! Bawal pa raw siya kumain sabi ni Doc! Sa sabado pa siya makakakain. Ngayon, lugaw lang muna." Tangina, seryoso na ’tong narinig ko? Ito pa ata magiging cause of death ko e.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now