KABANATA 37

38 1 0
                                    


Akisha's Pov.

It's Eleven pm at nandito pa rin ako sa sala naghihintay sa pagdating ni Hebron. Kanina ko pa hawak ang phone pero, 'ni isang missed calls or text wala akong natanggap.

Panay ang pag silip ko sa hawak kong phone ngunit wala naman itong respond. Ang huling text ko ay around nine thirty ng gabi. Anong oras na ngayon.

Humihikab na ako ngunit ayoko pang matulog dahil gusto ko pang hintayin si Hebron. Hindi na kinakaya ng mata ko kaya sumuko na ako at pumasok na sa kwarto upang mag pahinga.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may mabigat na nakadagaan sa tiyan ko. Tumagilid ako at natagpuan si Hebron na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Babe-let's sleep babe, I'm tired"aniya na halatang pagod dahil sa boses nito. Humigpit ang yakap nito sa'kin at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko. Hindi na rin ako nagtanong at pinagpatuloy na lang ang naudlot na pag tulog.

Tanghali na ng magmulat ako ng mata. Nilibot ko muna ang paningin sa kabuuan ng kwarto bago bumaling sa kabila. Nadismaya ako ng wala akong makitang Hebron sa tabi ko.

Dahan dahan akong bumangon at nag unat ng katawan bago bumaba sa kama. Inayos ko ang higaan saka nagpunta sa cr para gawin ang daily routine ko.

Matapos ay nagtungo ako sa human size mirror at tiningnan ang hitsura ko bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Ginagap ng paningin ko si Hebron sa kabuuan ng penthouse nito pero hindi ko siya makita.

Muli akong pumasok sa kwarto at mabilis na dinampot ang phone sa night table at tiningnan ang, oras ten thirty ng umaga.

'Late na nga umuwi, ang aga pa umalis'

Pumunta ako sa bar island at kumuha ng wine at wine glass. Umupo ako sa high stool bago buksan ang wine. Hindi na ako kumuha ng baso at tinungga na lamang ito.

Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit at saan ako naiinis. Kinuha ko ang wine at baso saka nagpasya na sa kwarto ako mag iinom.

Nadatnan ko pa ang mga anak ko na busy sa kanilang ginagawa. Hindi na ako nag abalang guluhin sila. Tumuloy na ako sa pag akyat sa kwarto at nagtinumbok ang veranda.

Nilapag ko ang wine sa table bago umupo. Hawak ko pa rin ang phone ko at nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Hebron o hindi.

Pumasok ako sa kwarto para kuhanin ang laptop ko. Nag browse lang ako ng kung ano ano sa social media. Hanggang sa makuha ang atensyon ko ng isang paliparan.

Binasa ko ang article at kamangha mangha na kahit pinaplano palang ay pinag uusapan na. Tumango tango ako at nag scroll down hanggang sa mapako ang tingin ko sa babae.

"Scarlet De Vior" basa ko sa pangalan ng babae. She's an Architect and one of the ambassadors of Rolex Inc. An owner of big resorts here in the Philippines and a large-scale Airport.

Namangha ako sa mga business niya. Grabe ang achievement niya sa buhay. She is the best example of alpha female. I'm just amaze in this girl.

Muli akong nagsalin ng wine sa baso at ininom ng pa konti- konti habang nag b-browse sa loptop ko. Scarlet De Vior is caught my attention. She looks familiar but I don't remember where I saw her.

Ilang minuto pa ang inilagi ko ng mapag pasyahang iligpit na ang loptop. Eksakto namang tumunog ang hawak kong phone kaya agad ko itong sinagot.

"Akisha's speaking?" Magalang kong sambit habang nakangiti sa salamin ng kwarto.

"Good morning, Ms. Jimenez. We would like to inform you of the new schedule for your modelling. The fashion week for the upcoming Asia's next top model will be held next month. October this year.

I hope you prepared yourself. And for the rest of the month, we will send you via Email. We will call you again, Ms. Jimenez for the follow-up schedule. Good morning" Sambit ng Co host and Editor of the fashion show. Ngumiti naman ako ng malapad at nagmadaling lumabas sa kwarto.

Naabutan ko pa ang mga anak ko na busy sa pagkain nila. Agad akong nagtungo sa kanila para sabihin ang magandang balita sa kanila.

"Hello my babies" ani'ko saka sila bineso sa kanilang pisngi. Nagtungo naman ako sa harapan at don umupo.

"Look so happy mommy" sambit ni Zion habang nakangiti gayundin si Zephyr. Tumango ako sa kanilang dalawa.

"I have good news guys! next week, we will fly to Las Vegas. My editor and glam team called me a while ago, and ang sabi may schedule na 'ko for upcoming Asia's Next Top Model" masayang anunsiyo ko sa kanila. Ngumiti naman sila ngunit parang hindi abot sa kanilang mata.

"Are you guys okay?" Tanong ko saka hinawakan ang pareho nilang kamay. Sabay silang nag baba ng tingin, iniiwasan salubungin ang tingin ko.

Tumikhim ako at si Zephyr ang naglakas loob na tingnan ako. Tila walang buhay ang kaniyang asul na mata habang direktang nakatingin sa'kin.

"Ate Kish" aniya na ikinatigil ko. Nagtatanong ang mga matang nakapako sa kaniya. May kung anong kirot ang dulot ng pagsambit niya ng 'ate' sa'kin.

I bite my inner cheeks and force a smile to her. Mahigpit ko pa ring hawak ang kamay nila habang unti unting nararamdaman ang namumuong luha sa 'king hilam na mata.

"Alam po ba ni Kuya Hebron ang tungkol dito?. Pasensya na po ah, ngayon ko na lang 'ho ulit naranasan magkaroon ng pamilya—isang buong pamilya" malungkot niyang sambit habang kumikibot kibot ang mga labi pinipigilang lumabas ang tunay na emosyon. Pinananatiling matatag ang sarili.

"Don't worry Zep, sasabihin ko din sa kaniya. Pero, suprise okay ba 'yon" sambit ko habang pinasisigla ang boses ko. Pilit akong ngumiti at gan'on din siya.

"Mommy, can we go to Daddy's office today? I miss him. He can't play with me anymore Mommy." Malungkot na hayag ni Zion habang nakayuko. Napabuntong hininga ako saka tumayo at nilapitan sila at mahigpit na niyakap.

Hinayaan ko silang umiyak habang pareho silang inaalo. I kissed them both on their head as I tap their both shoulders.

'What's wrong with you Babe?'

Cocktail Series 1: Lustful SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon