One chapter to go then, pahinga ulit HAHAHHA mas masipag magpahinga kase mag update hahahahha
By the way, thankyou po sa inyong lahat na nagbabasa at magbabasa pa lamanng nitong story ko. Road to 500 reads ang cocktail series. Maraming salamat sa pag suporta🙏
Akisha Pov.
Nakangiti akong lumabas ng cr dahil nakapag hot bath ako. Namiss ko ang mag babad dito mismo sa sarili kong bath tub. Nakakarelax dahil pakiramdam ko minamasahe ang mga kalamnan ko.
"That was a refreshing start" ani ko saka dumiretso sa wardrobe at namili ng susuotin ko. I'll decided to wear a sleeveless peach hanging dress above the knee. Nag curl din ako ng buhok at nilagyan ng lip gloss ang labi kong natural ng mapula bago bumaba sa sala.
I saw my son and daughter eating their snacks. Naunang lumingon si Zion sa gawi ko.
"Mommy!" He exclaimed before running to me and hugging me. Natawa naman ako sa anak ko saka dumulog sa mesa. I kissed them both on their head and watched them eat their food.
"Mommy, I meet a guy earlier. He help me to catch my ball rolled along the street" kwento ng anak ko habang ngumunguya ng pagkain niya.
"Ash,What did I tell you about food?" Kabig ko dahilan para tumahimik ito. Nginuya muna nito ang pagkain bago nilunok saka uminom ng tubig at pinunasan ang labi gamit ang table napkin.
"Don't talk if your mouth is full" sambit nito saka nag baba ng tingin.
"I'm sorry Mommy. I won't do that again" nakangiti niyang sabi bago ako niyakap. Inilahad ko ang kamay ko kay Zephyr at pinalapit ito sa'min at niyakap ko din ito. I'm happy and i love my children.
"Be good to nanay okay?" Tanong ko na agad naman nilang tinanguan. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Akma akong hahalik sa kanilang noo ng may kumatok sa nakabukas naming pinto.
"Hi Kish, hello kids" bati nito na kumaway pa sa mga bata.
"Tito Walter!!" Sigaw ni Zion na agad tumakbo at yumakap kay Walter. Inangat nito ang mga braso sa kaniyang tito at walang pasubaling kinarga naman ni Walter ang anak ko.
"Hey little man, how's you doi'n?" Tanong nito sa anak ko bago lumapit sa'kin at ibaba sa upuan si Zion.
"Kish, pinapasundo na kayo ni Tito Jay e. Hindi na kase sila makakadaan dito kaya pinapunta niya ako para sunduin kayo mag iina" sabi nito habang ginugulo ang buhok ng anak ko. Sinipat ko naman ang ayos ko and a peach hanging dress is perfect for me.
"Zep, change your clothes na para maaga tayo makapunta kila Tito. Bibihisan ko lang si Zion" ani ko saka binuhat si Zion. Tumango naman si Walter atsaka naupo sa sofa. Nagmadali kaming umakyat papuntang kwarto.
"Mommy, where we going?" Tanong ni Zion na seryosong nakatingin ang matatalim at maitim niyang mata. Napangiti ako sa anak ko at bahagyang pinisil ang matambok niyang pisngi.
"Your lolo throw a party. It's a welcome party. So, we need to go to there house. Your Tita Arnelia excited to see the two of you" ani ko at ibinaba si Zion sa tapat ng kwarto nito.
"Zep, mag bihis ka na okay" Ani ko na ikinatango nito bago pumasok sa sariling kwarto. Nagmamadali naman kaming pumasok ni Zion sa loob ng kwarto niya.
Pinaliguan at brinush ang ngipin nito. Matapos ang kalahating minuto ay lumabas na agad kami.
"Five little ducks went swimming one day, over the hills and far away" kanta nito habang pumapalakpak ang mga kamay. Tuwang tuwa ito ng makatapos siyang maligo. Balot ito ng bathrobe na kulay blue na may naka print sa likod na pororo cartoon.
Nang ibaba ko siya sa kama panay ang lundag niya at humihiyaw sa tuwa.
"We're going on a trip in our favourite rocket ship zooming to the town little Einstein..... yey!" Sambit nito bago humiyaw at tumalon talon sa kama habang ang mga kamay ay nakataas sa ere. Napailing na lang ako sa anak ko bago siya bihisan ng damit.
"I'm handsome Mommy! Look at my clothes. It's a dinosaur. Roar!!" Hyper na pagkakasabi ni Zion saka tumawa. Nakisabay ako sa halakhak niya bago siya binuhat at hinalikan sa pisngi.
"I love you my baby" masayang sambit ko bago muling halikan ang matambok niyang pisngi.
"I love you too, Mommy!" Aniya saka yumakap sa'kin ng mahigpit bago kami lumabas ng kwarto niya. Dumiretso kami sa kwarto ni Zephyr saka ito kinatok.
"Zep, aantayin ka namin sa sala okay?!" Sigaw ko sa labas ng kwarto niya.
"Sige po Mommy" sagot nito saka kami bumaba ni Zion. Ilang minuto lang ay bumaba na din si Zephyr.
"You're so beautiful Zep" sambit ko nginitian lang ako ni Zep bago lumapit sa'kin at niyakap ako.
"Thank you, Mommy Kish," sabi niya bago humiwalay sa'kin at muli akong ngitian.
"I love you too, Ate Zephyr" sambit ni Zion bago kami lumabas at sumakay sa van. Ilang oras lang ang itinagal namin sa biyahe bago dumating sa bahay ni Tito Jay e.
Agad kaming bumaba at sinalubong ng napakaraming bisita. Inayos ko muna ang suot ko at ang suot ng mga anak ko bago kami pumasok sa loob mismo ng bahay ni Tito.
I don't know why I'm nervous. Siguro dahil ilan taon din kami nawala at pagbalik ko may dalawa na akong anak. Well, it's a wonderful and a blessing for me to have my children. Walang pag sisisi after all.
"Your finally here Kish! Hi my beautiful and handsome neice's" bati ni Arnelia bago kami isa isang bineso. Blooming siya ngayon dala ng ipinagbubuntis niya. Masaya ako at lagi siyang masaya lalo pa at may asawa siyang sinusuportahan siya palagi unlike me.
3years before...
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya. Akisha, siya pa din ang tatay ng anak mo kaya may karapatan siyang malaman na anak niya din 'yan" pagtataas ng boses ni arnelia. Kahit pati siya ay umiiyak na din sa sitwasyon ko.
"Wala siyang karapatan sa anak ko! Hindi niya pwede malaman kung anong sitwasyon at kalagayan ko, Arny. Please, 'wag na 'wag mong sasabihin kay Hebron. Ayokong malaman niya na magkakaanak na kami" pag mamakaawa ko sa pinsan ko. Mag mula ng umalis ako sa pilipinas, pinutol ko na kung ano man ang namagitan sa'min ni Hebron.
Ayoko na dagdagan pa ang kasalanan ko. Masasaktan lang ako lalo na ang anak ko. Hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Cocktail Series 1: Lustful Summer
RomanceAkisha Jimenez is a vivacious partygoer, a wild dance instructor, and a top fashion model. To celebrate their graduation day, Akisha and her friend Schannelle went to an exclusive bar, ready for a night of fun. Little did Akisha know, a guy had been...