KABANATA 27

37 1 0
                                    


Akisha Pov.

Ngayon ang araw ng alis namin papuntang pilipinas. Kinakabahan na medyo excited ang nararamdaman ko. Finally after three years in Australia, makakauwi na din ako.

'Kami ng anak ko'

"Zep, naka ready na ba mga gamit mo?" Tanong ko habang inaayusan si Zion. Hes so cute in his navy blue polo shirt and a black short with four pockets.

I paired with white and black sneakers on his footwear. When he's all done, lumabas na siya ng kwarto.

"Ate Zephyr, come out. I wanna show you something" masiglang sambit ng anak ko. Tumingin pa muna ito sa akin bago bumaling muli sa pinto.

Mabilis namang lumabas si Zephyr with an outfit of oversized jacket with the collar outside and a white pleated skirt. She paired white rubber shoes on the go.

"Wow, Ash! You look so cute" Kinikilig pang sambit ni Zephyr sa anak ko.

"Let's go na mahuhuli pa tayo sa flight" Ani ko saka hinawakan ang kamay ni Zion.

"5,4,3,2,1" panimula nito. Napapangiti na lang ako dahil sa ginagawa niya.

"We're going on a trip in our favorite rocket ship zooming through the sky, Little Einsteins" maaksyon nitong kanta habang ang mga kamay ay naka form na parang si superman. Tuwang tuwa ako sa inaasta ng anak ko.

Kinuha ng mga body guard ang bagahe namin at isinakay sa grey van. Agad namang sumakay si Zephyr at sumunod naman kami ni Zion sa loob.

Habang nasa biyahe, mahimbing na natutulog sa kandungan ko si Zion. Si Zephry naman aya tahimik lang na nakatingin sa labas.

Pinagmasdan ko ang daan na tinatahak namin at napangiti ako sa ganda ng Australia.

'Thank you for three years'

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Airport. Binuhat ko si Zion at ang mga body guard naman namin ay ibinaba ang nga bagahe namin.

"Bye Uncle's! See you when I see you" paalam ng anak ko. Ngumiti at tumango naman ang mga body guard namin saka nagpaalam na aalis na.

Pumasok na kami sa loob ng Airport at dumiretso sa Departure area. Inassist naman agad kami saka chineck ang mga bagahe namin bago umakyat sa loib ng eroplano.

Stewardees lead the way to our occupied seats. Inalalayan nito ang anak ko at sumunod ako. Si Zephyr naman ay kumportable ng nakaupo sa kaniyang upuan.

Nang mapuno ang loob ng eroplano ay sinira na ang pinto.

"Good day to everyone. This is Cianne your flight attendant speaking. We warmly welcome you aboard flight 9002 bound for the Phillippines. Please ensure that your seats are in the upright position, your seatbelts are fastened, and your electronic devices are set to aeroplane mode.

Kindly stow your bags and belongings properly. We are about to take off. Thank you very much". the flight attendant said in a monotone as she announced the important thing before we flew in the air. Nakangiti itong nagpasalamat bago naupo sa harap.

Nag pasya akong matulog muna dahil ilang oras pa ang flight ko. Bago ako pumikit ay pinagmasdan ko muna ang anak ko. Hindi ko maiwasang kanabahan para sa aming dalawa.

Paano kung makita niya kami ni Zion? Paano kung magtanong siya kung sino ang ama niya? Paano kung kuhanin niya sa'kin ang anak ko?

'Wag niya sanang malaman na dadating na ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

After a long travel due to plane. We finally reached our destination, Pilipinas. Nilanghap ko pa ang hangin ng makababa ng eroplano. Pilipinas na nga ito.

Malamig lamig na din ang klima dito. Bermonths na din kase. Hinawakan ko ang kamay ni Zion  at tumingin kay Zephyr.

"Let's go" aya ko saka kami pumasok sa NAIA Airport at dumiretso sa arrival hall. Naghintay  muna kami para makuha ang mga bagahe sa luggage carousel. Matapos ay kinuha namin ito at dumiretso palabas ng Airport.

"Welcome back! Kish. Mas lalo kang gumanda, pumuti at sumexy" pabirong sabi ni Schannelle. Tumawa ako at mahigpit itong niyakap.

"Namiss kita bruha! 'Langya ka kung hindi ko pa narinig kila Aethan na uuwi ka ngayon, hindi ko pa malalaman. Nakakatampo ka Kish" pag iinarte ni Schannelle. Napahagihik na lamang ako bago soya muling niyakap.

"I'm sorry. Isusurprise sana kita kaya lang tsismosa ka wala ng surprise" sabi ko saka tumawa. Mas lalo itong sumimangot bago bumaling ang tingin sa mga katabi ko.

"Oh my god sila na ba 'yon. Akisha, ang ganda at guwapo naman ng mga anak mo" manghang sambit ni Schannelle habang pinagmamasdan ang anak ko at si Zephyr.

"Silly, si Zion lang ang anak ko at si Zephyr naman siya ang nagbabantay at nag aalaga kay Zion. Well, para ko na rin naman siyang anak kung tutuusin" masayang sambit ko bago tumingin kay zion at Zephyr.

"Meet my son, Zion at ang aking Anak anakan– Zephyr. Tama! Zep, ampunin na lang kaya kita tutal yung mga foster parents mo walang ambag sayo. Kinukuha pa pera mo. Don't worry pag balik natin ng Australia mag pafile ako ng custody againts your foster parents. Para sa'kin ka na legally. I'll promise Zep" mahabang sambit ko na ikinatigil nilang lahat. Napa maang naman ako sa kanila at nagtaka.

"Kakarating mo pa lang ang pag uwi mo agad sa Australia nasa isip mo? Kaloka ka ateng!" Maarteng sambit ni Aethan.

"Korek ka jan mare! Tingnan mo ang mga bagets gusto nila dito. Hindi ba, baby Zion?" Malanding sabi ni Alonso habang tinitingnan ang buhok ni Zephyr.

"Wave, anong ginagawa mo sa panganay ko?" Tanong ko saka marahang hinila si Zephyr. Pinanlakihan ako ng mata ni Alonso saka bumalik sa pwesto nila Arnelia. D'on ko lang napansin ang kabuuan niya. Buntis na ito.

"Arny!!" Tili ko. Hila ko ang dalawang anak ko ng makalapit dito. Agad ko siyang niyakap saka bumitaw at hinaplos ang paumbok niyang tiyan.

"Ilang months na? Arny, ba't di mo 'ko sinabihan" nagtatampong sambit ko habang hinihimas pa dina ang kaniyang tiyan.

"Quits lang Kish, di mo din naman sinabi na nanganak ka na" aniya saka ako niyakap. Nakiyakap din naman ang lahat at ang masasabi ko.

'There's no place like home'

Cocktail Series 1: Lustful SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon