CHAPTER ONE

7 1 0
                                    

NAKAHIGA siya sa kanyang kama habang nakatanaw sa nanlalabo nang salamin ng kanyang bintana. Natatakpan ito ng mga malalaking butil ng ulan.

Sa kanyang tahimik na kwarto, tanging lagaslas lamang ng ulan ang maingay.

Anong oras na ba? Bakit ayaw parin tumila ng ulan?

Hays. Parang kailan lang natapos na ang lahat sa amin.  Subalit heto parin ako, nakatulala sa nakakabaliw na mundo.

Tinatanong ang sarili kung bakit hindi niya man lang ako makita. Hindi niya man lang ma-appreciate ang mga pangarap ko para sa kanya.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng aking luha. Nagbabakasaling nariyan pa siya. Hindi ko na kasi siya matanaw, patuloy sa paglayo sa akin nang pasulong.

Paano na ako ngayong wala na siya? Hindi ko ma-imagine ang sarili na magpatuloy sa buhay gayung wala na siya. Wala na siya sa buhay ko.

Sana ipinagpapatuloy niya ang pangarap na gusto ko para sa kanya. Dahil alam kong alam niyang iyon din ang makakabuti para sa kanya.

Kahit na wala na siya, umaasa parin ako na sa tamang daan siya pupunta.

✿✿✿

ISANG malaking salamin ang nasa harap ni Alex. Sinisigurado niyang maayos at maganda siya kapag dumating na si Brax sa apartment nila. Hinihiling na sana ay magustuhan nito ang kanyang inihandang surpresa para sa kanilang five years anniversary.

Nagpasexy pa talaga siya para sa gabing ito. Naka-see through embroidery lace underpants na set siya para talagang makuha niya ang atensiyon ng nobyo. Napapansin kasi niyang ilang araw na siya nitong iniiwasan.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Alam niyang si Brax na iyon kaya agad na siyang tumayo para gulatin ito.

Pero parang siya yata ang nagulat nang tumambad sa kanya ang dalawang silhouette na naghahalikan. Nang buksan niya ang ilaw ay tumigil ang mga ito sa ginagawang kahalayan.

"S-sino siya...?" Nagtataka na tanong ng babaeng black and light yellow ang maikli at nakalugay nitong buhok, white jumpsuit na sleeveless collar buttons ang suot, na pinaresan ng black heels.

"Girlfriend niya ako." Sagot niya habang nakaekis ang mga braso, tuwid ang tindig na parang hindi naka-lengerie.

Nagtago ang babae sa likod ni Brax. Subalit hindi rin nito natiis ang mga tingin niya kaya kumaripas ito ng takbo palabas ng apartment.

"Akala ko isang araw ka sa bahay ng mga magulang mo?" Tanong ni Brax.

"Talaga bang iyan pa talaga ang una mong sinabi?" Naniningkit ang kanyang mga mata sa galit.

"Hindi ko ginusto na malaman mo sa ganitong paraan. Pero wala na akong gusto sayo, Alexandra."

"Maluwag na turnilyo mo sa utak, Braxon. Alam mo, nakapanlulumo ang kamanyakan mo sa buhay. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras sayo!" Pagtutuldok niya sa relasyon nila ni Braxon.

Malalaki ang mga yabag ng kanyang paa papasok ng kanilang kwarto.

"Anong ginagawa mo?"

"Bulag ka ba? Sa tingin mo after kong masaksihan ang kababuyan mo, mananatili pa ako sa apartment na 'to?!"

Napabuga ng hangin si Braxon saka namulsa. Confident parin ang gago.

"H'wag ka ngang madrama? Alam kong alam mong kailangan mo ako. Lalo na ngayong wala ka  namang trabaho."

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Braxon. "Hindi kita kailangan. At salamat nga pala, kasi mas nakilala ko na ang sarili ko." Direktang sabi niya nang wala man lang makitang bakas ng sakit o luha sa mga mata niya.

Mahigpit na hinawakan ni Alex ang kanyang maleta saka ginuyod ito palabas ng kwarto. Dahil nakaharang si Brax sa pinto ay wala siyang nagawa kundi sagasaan ito ng maleta niya.

Habang bumibyahe papuntang airport, inaasikaso na rin niya ang ticket papuntang Cebu City. Ginamit niya pa ang lahat ng savings niya para lang sa ticket na iyon. 'Di bale na, dream destination din naman niya ang Masbate.

Pagdating niya sa airport ay insaktong paalis na din ang eroplanong sasakyan niya. Kaya nagmamadali na siyang naglakad papunta sa eroplano.

Pag-akyat niya ng eroplano ay agad nakuha ng tatlong lalaki ang atensiyon niya. Subalit mas nalunod siya sa lalaking may tattoo na super sexy nitong tignan.

Agad din namang natapos ang kanyang pagpapantasya nang lapitan siya ng isa sa mga flight attendant.

"Miss, pwede mo ba akong tulungang hanapin ang seat number ko?"

Tinignan nito ang ticket niya, saka tinuro sa lalaking may tattoo. Doon daw ang pwesto niya.

"I think my flight will be good today." Nagulat siya nang mapagtanto na foreigner pala ang lalaki.  Hindi niya agad napansin kasi mukha naman itong pinoy---half siguro?

"H-hi. Ako si Alexandra." Kumakaway na pakilala niya nang komportable siyang makaupo sa katabi nitong upuan.

"I am Easton. But you can call me whatever you like." Nakangiti nitong pakilala.

Huli na ng ma-realized ko na foreigner pala ang kausap ko! At nagtagalog ako sa kanya?!

Pero teka...did he just reply and understand what I said?

"Don't get surprised. I may look foreigner but I knew and understand how to speak Tagalog." Nakatawa na sabi nito. "That's why, please speak where you are comfortable with."

Alam daw niyang magtagalog pero halos dumugo na iyong utak niya sa pag-translate nang mga sinabi nito!

"Maiba ako. Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano or sino ang tinatakbuhan mo?"

Bahagya siyang natawa saka naiilang na umiwas ng tingin sa lalaki.

"M-masyado bang halata?"

Marahan itong tumango.

"Halata sa mga mata mo." Sagot nito. "Pakiramdam ko gusto mong magsimula ulit, malayo sa nakasanayan mo." Dagdag pa nito.

Napakunot siya ng noo saka nagtanong, "paano mo nalaman?"

"Dahil nakikita ko ang aking sarili sayo."

Napakamot siya ng ulo saka umamin kay Easton."Hindi ko naramdaman na, na-appreciate ako ng boyfriend ko kaya ako nakipaghiwalay. At alam kong may mas deserving pa na para sa akin. Kaya nagbook agad ako ng ticket at nagpaalam sa dati kong buhay. "

Alam kong masyadong naging mabilis ang desisyon ko at bigla-biglang nagpa-plano. Pero...

"Hanga din naman ako sayo, Alexandra. Ang tapang mo sa part na iyan." Komento ni Easton. Bagay na hindi niya kahit kailan narinig kay Braxon.

As she look seriously on this stranger's face, she realized something. He seems so supportive and encouraging. Nakakatuwa naman na may isang stranger na handang makinig sa kwento niya. Nakakadagdag sa kagwapuhan nito ang pagiging mabait ng lalaki.

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now