XANDRA'S POV.
HUMAHANGOS ako nang makita si Nicole sa labas ng bar. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagtataka nang kausapin niya ako.
"Ano ang nangyari kay Easton?" Habol-habol ang paghinga ko habang nagsasalita.
Nilingon niya sandali ang kinauupuan ni Easton, saka binalik sa akin ang tingin.
"Kagabi pa siya mag-isang umiinom diyan," panimula niya. "Nag-aalala kami sa kinikilos niya. Alam mo ba kung bakit siya nagpapakalunod sa alak?"
Tinignan ko si Easton,"Sa tingin ko, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan."
Kumunot ang noo ni Nicole."Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nalaman niyang hindi ako nakauwi sa kwarto. Kaya tinawagan niya ako sa number ko. Sinabi ko sa kanya na hindi ako nakauwi dahil nalasing ako kagabi at nagising na lang ako sa kwarto ni Titan."
"Mukhang grabe ang pag-aalala niya sayo," dagdag pa niya.
Humugot ako ng hangin saka nagpasyang lapitan si Easton.
"Nakauwi na ako."
Tinignan niya ako sandali saka binalik muli sa pagsasalin ng alak ang tingin.
"Mabuti naman." Matamlay na sagot niya saka ininom ang sinaling alak.
"Gusto mo ba akong samahang maglakad-lakad sa labas?"
"May naka-schedule na akong lakad." Napalunok ako ng laway. Bakit ba siya biglang nanlamig sa akin? Ngayon pa na malapit ko ng makuha ang loob ni Titan?
"Samahan na lang kita," presenta ko. Pero gusto niya raw na mapag-isa. "Please?" Pakiusap ko at pilit na nagpapakyut sa kanya.
Bumuga ng hangin si Easton saka tila napilitang pumayag na sumama ako.
"Magkita tayo mamaya sa lobby. Sa ngayon, matutulog muna ako." Pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako at walang lingong dumiretso sa kwarto niya.
Pagsapit ng ala singko, ay agad na akong pumunta sa lobby. Nadatnan ko si Easton na tahimik habang nilalaro ang kanyang alagang pusa. Hanggang sa makasakay kami ng kotse.
Para akong mamatay sa labis na katahimikan, kaya ako na mismo ang gumawa ng ingay.
"Hindi ko akalain na isasama mo si Grey sa lakad mo." Medyo awkward n sabi ko.
"Sinasama ko talaga siya kapag pumupunta sa lugar 'yun." Walang emosyon niyang sagot.
"Pwede ko bang malaman kung saan tayo pupunta?"
"Sa lugar na kahit isa ay wala pa akong dinala. Sa lugar na napakespesyal para sa akin."
Isang bahay ampunan ang hininituan ng sasakyan ni Easton. Nang makababa siya ay agad siyang sinalubong ng mga bata.
"Hello po, kuya Easton!" Salubong sa kanya ng batang babae. May kasama itong dalawang batang lalaki na hindi nalalayo sa batang babae ang edad.
"Kamusta kayo rito?"
"Okay lang naman po!" Sagot ng batang lalaki na may kahabaan ang buhok.
"May dala akong bagong chess set para sayo, France." Tukoy niya sa batang lalaking may mahabang buhok.
"Naku, salamat po!" Walang paglagyan ang kasiyahan ng bata matapos iyong marinig kay Easton.
"Siya nga pala, si Alexandra." Pakilala niya sa akin.
"Hello, masaya akong makilala kayo." Bati ko sa kanila.
"Ah, ito nga pala ay isang bahay ampunan, Alexandra."
"Welcome po! Ang kaibigan ni Kuya Easton ay kaibigan na rin namin!" Magiliw na sabi ni Anika.
Nginitian ko siya saka nag-angat ng tingin kay Easton. "Bakit hindi mo sinabing dito tayo pupunta?"
"Mahiyain kasi si Kuya--Hindi kasi makuwento si Kuya." Ani Anika at France.
"Masekreto kasi iyang si Kuya Easton!" Nakangisi namang sabi ni Miko.
"Pumasok na tayo. Marami pa tayong dapat gawin!" Paalala niya na halatang nahihiya dahil sa mga sinabi ng mga bata.
"Hindi ko alam na tumutulong ka pala sa mga bata." Sabi ko nang makapasok kami sa loob.
"Once a week pumupunta ako rito,"
"May ibang dahilan ba kaya ka pumupunta dito, o gusto mo lang talaga silang tulungan?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Napalapit na ako sa mga batang ito." Bumuga ng hangin si Easton bago nagpatuloy. "Hindi ko pa nabanggit sayo pero, kasama ko sina mama at papa nang lumipat kami sa Masbate. Hindi naging maganda ang pagsasama nila pagkatapos. Makalipas ang ilang araw, iniwan kami ni papa at sumama sa ibang babae."
Lumala ang pang-aabuso ng mommy niya sa sarili, simula nang ma-approved ang divorce ng parents niya. Hindi kinaya ng mommy niya ang nangyari kaya...inoverdose niya ang sarili at namatay makalipas ang ilang buwan, simula ng maghiwalay ang parents niya.
"Na-depressed ako habang mag-isa. Hanggang sa nagpalaboy-laboy at napadpad sa bahay na ito. Tinulungan ako ng umampon sa akin hanggang sa kung anong meron na ako ngayon. Isa na sa mga naging inspirasyon ko sa pag-unlad ang taong minsan ko nang naging matalik na kaibigan."
Sino ang tinutukoy niya? Si Titan?
"Simula ng yumaman ako, naging determinado akong tumulong sa mga nangangailangan. Nagtayo ako ng bahay ampunan dito at isa sa Manila. Inaalagaan ko ito katulad ng pag-aalanga ko sa hotel ko."
Grabe pala ang pinagdaan niya. Pero sa kabila nun ginamit niya ang mga karanasan niya upang mag-inspire ng mga bata. Napakabait niya.
"May kanlungan din ako na para sa mga hayop. Kung saan nakilala at inampon ko si Grey."
Ngumiyaw si Grey kaya lumuhod si Easton para kargahin ang pusa."Pareho kami ng karanasan ni Grey." Sabi niya habang hinahaplos ang balahibo ni Grey.
"Easton, ihahanda ko na ba ang tanghalian?" Base sa suot nitong uniform, ito ang katiwala sa bahay ampunan.
"Ikaw pala, Dina. Ito nga pala si Alexandra. Kaibigan ko." Pakilala niya sa akin nang makatayo siya.
"Nice to meet you. Pwede mo ba kaming tulungan sa paghahanda?"
"Syempre naman!"
"Salamat sa kabaitan mo, Alexandra."
Grabe ang paghingi ko ng pasasalamat kay Easton sa pagsama niya sa akin sa bahay ampunan. Isa itong napakamemorable na date para sa akin. Akala ko nga Hanggang doon lang date namin.
Pero dumaan kami ng grocery store para mamili. May gusto raw kasing bilhin si Easton para sa gabing ito.
Nabanggit niya sa akin na hindi niya daw alam ang gusto ko, kaya kailangang kaming dalawa ang mamili.
"Hindi madalas magsabi ang isang lalaki sa kanyang mga sekreto. Pero gusto kong sabihin sayo na gusto kitang dalhin sa isang lugar para magpicnic."
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...