NASA labas ng boarding house sina Easton at Alexandra. Pinag-uusapan nila kung gaano sila kasaya nang gabing iyon.
Hanggang sa lumitaw ang ang pagiging malandi ni Easton. Kaya sinakayan niya ang kalandian nito.
"Sana hindi iyon ang huling pagkakataon na makikita mo akong naka-underwear." Sabi niya.
"Napakaganda mo, Alexandra. Para akong nalulunod sa kagandahan mo. Iyong pakiramdam na parang ginamitan mo ako ng mahika."
Alam ni Easton na hindi lang siya ang nakakaramdam nang kakaiba sa kanilang dalawa, nang gabing iyon. It was uniquely, special.
Lumapit si Easton sa kanya saka hinawakan ang kanyang pisngi. Sa sobrang lapit nito ay parang nalulunod siya napakabango nitong pabango. Maging ang hininga nito ay sobrang bango. Humahalo sa mabangong hininga nito ang ininom nitong alak kanina.
Wala siyang naisagot sa mga sinabi ni Easton. Sa halip ay nagpaalam na siya sa binata.
Mabuti na lang at naiintidihan siya nito kaya hindi masyado nitong binigyan ng pansin ang pag-iwas niya sa pagsagot.
"Heto ang calling card ko. Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng kausap."
Kinuha niya ang calling card at nagtipa sa phone niya. Kasunod ay pag-click--means, nasent na ang message na pinadala niya.
"See you around." Paalam nito bago siya tuluyang iniwan. Hinatid niya ng tingin si Easton. Hanggang sa hindi niya na ito matanaw.
Pagpasok niya ng boarding house, nakatanggap siya ng mensahe.
"Gising ka pa ba?" -Easton.
"Hindi ako makatulog e," sagot niya.
"Sana kasama kita ngayon."
"Nasaan ka ba?" Usisa niya.
"Nasa kama ko... Baka pwede mo akong gapangin? Hahah."
Natawa siya nang mabasa niya ang mensahe ni Easton. Napa-seen na lang tuloy siya sa mensahe nito at natagalan bago siya nakapag-reply.
"Can't wait to see you again."
Napanguso siya dahil rito, saka napaisip na umaasa pala itong magkita sila uli. Or not.
"You are perfect, Alexandra."
"Kanina pa 'yang perfect mo. Perfect saan ba kasi?" Curious na tanong niya.
"Malalaman mo din, soon."
Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Easton? Perfect saan ba?
PAGGISING ni Alexandra kinabukasan, agad niyang naisip si Easton. Ang pagiging mabait nito sa kanya kahapon ay tumatak sa isipan niya. Kaya hanggat maaga, kailangan niyang sabihin na interesado siya sa lalaki bago pa isipin nitong kaibigan lang ang turing niya.
Dinampot niya ang phone na nasa ibabaw ng lamp table saka nagtipa.
"Good morning, pogi." Pagtitipa niya habang sinasabi ang tinitipa.
Nag-react ng "heart emoji" si Easton sa mensahe niya.
"Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko ang message mo. Anong ginagawa mo, marilag?"
" Tulungan mo 'kong mamili ng susuutin." Reply niya. "Anong kulay ba maganda? Black o red?"
"Iyong paborito kong kulay."
" Pula?" Nagdadalawang isip na sagot niya. Pero agad iyong napalitan ng saya, nang sabihin nitong tama ang hula niya.
"Pero kung sakali, gusto kitang makita na parehong kulay ang suot mo. Para naman makapag-decide ako kung ano ang bagay sayo."
Agad niya namang tinanong kung ano ang kapalit kapag ginawa niya ang gusto nito.
Simple lang ang sinagot ni Easton. He'll gonna send some pictures of him too! Dinagdag pa ni Easton na sakto daw kasi bago siyang paligo.
Mmm. Fresh buko. -sambit niya nang makita ang sinend nitong picture. Ang hindi alam ni Easton, tuso siya. Kaya matapos makita ang picture ni Easton na nakatapis lang, hindi na siya nagreply pa.
Habang naglalakad-lakad sa tabi ng kalsada, dinadama niya ang magandang sinag ng araw at ang province vibe nito na talagang nagpagaan sa kanyang pakiramdam. Nang biglang sumagi sa isip niya si Easton. Like what he's deal? Bakit ganoon siya nito pakisamahan?
Mabait, gwapo at minsan misteryoso si Easton. Lagi kasi nitong sinasabi na "perfect" siya sa hindi niya malaman na kadahilan. Mas lalo tuloy siyang naiintrigang malaman kung tungkol saan nga ba ang tinutukoy nito. Nae-excite siya.
Napatingin siya sa dalawang babae na may mga buhat-buhat na mga karton.
"Sabihin mo sa'kin kung pantay pa ba ang dinadaanan ko ha," sabi ng dalaga sa kasama nito.
Napadako ang kanyang mga mata sa dinadaanan ng dalaga. Nag-aalala siya na baka madisgrasya ito kapag hindi nag-ingat sa dinadaanan.
Napansin din niyang mabigat ang mga box na buhay ng mga ito kaya nag-offer na siya ng tulong.
"Ang ganda mo naman. Salamat sa pagtulong mo." Sabi ng isa pang babae na kasam nito. Kulot ang buhok nitong kulay dark brown habang may magaganda itong mga mata. Morena at typical na pinoy ang natural nitong ganda. Iyong isa kasi nitong kasama ay maputi ang kulay ng balat, habang ang buhok naman nito ay kulay dark yellow.
They both look like a foreigner kung pananamit ang pagbabasehan.
"Ako nga pala si Nicole, at ito naman si Eme." Pakilala ng babaeng maputi.
"Ako naman si Alexandra. But you can call me, Xandra. Ahm, bago nga lang pala ako sa syudad na ito. Actually, kararating ko lang kahapon."
"Kaya pala hindi ka pamilyar sa amin."
Matipid na ngumiti si Alexandra. Narito lang naman kasi siya sa lugar kasi rito niya naisipang magsimula ulit ng panibagong buhay.
"Alam mo, unang kita ko pa lang sayo. May nagtulak na agad sa akin na dapat kaibiganin ka namin." Nakangiti na wika ni Nicole.
Sa kabilang dako, si Eme naman ang nagtanong sa kanya. She was asking if she's looking for a job. At wala siyang pagdadalawang isip na sumagot ng "oo".
Dinagdag pa ni Eme na hiring daw ang hotel na malapit sa flower shop niya. Kung saan mag-a-apply din si Nicole, na isa din palang dayuhan sa Masbate.
"Mga sexy at confident na employee ang hinahanap nila. Kaya talagang pasok ka sa standard nila. Sa Suicon's H&R." Dagdag pa ni Eme sa kanya.
"Ano ang desisyon mo, Xandra. Sasama ka ba?" Usisa ni Nicole sa kanya.
"Oo, naman!" Mabilis pa sa alas kuwatro na sagot niya.
"Ano pa ang hinihintay natin? Tayo na!"
Kumunot ang kanyang noo, "saan tayo pupunta?"
Gaya nang sinabi ni Eme, sa bahay sila unang pumunta. At halos lumuwa nga ang kanyang mga mata nang makita ang labas ng bahay ng dalawa.
Malinis ang kapaligiran, maraming halaman na nagsilbi ng bakod ng bahay. Bahay na pinangarap niya noon. At kapag pinalad siyang maging isang sikat na singer-song writer, ganitong estilo din ang ipapagawa niya.
Bagay na ikinatuwa naman ng dalawa.
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...