EASTON'S POV.
Nakatayo kami sa isang mayabong ng puno. Habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin ng karagatan.
Ang hirap talaga siguro kapag minsan ka lang nakakapunta sa mga ganitong lugar no? Kulang na lang kasi ay lumuwa ang eyeballs ni Alexandra sa sobrang mangha sa kanyang mga nakikita. May mga tao ring napapagawi sa amin dahil sa kaingayan niya.
Lalo na kapag nalibot na niya ang buong Masbate. Marami pang magagandang lugar na worth it puntahan. At baka balang araw ay isama ko siya sa pinapaborito kung lugar.
Sa ngayon, kailangan na naming magmadali. Kailangan kasi naming mag-shopping. Although hindi na kami mahihirapang makipagsabayan sa iba pang mamimili. Nirentahan ko na kasi ang butik for only one hour para lang sa pagsha-shopping namin ni Alexandra.
Ngayon na kasi ang unang beses na magkikita si Alexandra at si Titan. Kaya kailangan naming maghanda. Kung saan may gaganaping charity event sa mansion ni Titan. Unang beses iyon kaya kailangan ni Alexandra na kunin ang atensiyon nito. Iyong tipong hindi siya nito makakalimutan.
Pinapili ko ng mga damit na gusto ni Alexandra. Subalit siniguro kong dapat makakatawag ito ng pansin at naiiba sa lahat ng dadalo sa pagtitipong iyon.
"Ayos lang ba kung panoorin kitang magbihis?"
"Oo naman," walang pagdadalawang isip na sang-ayon nito.
Agad ko na siyang pinagpalit habang pinapanood siyang magbihis. H'wag kayong mag-alala. Kami lang ang tao sa butik at wala ng iba. Nakapatay din ang cctv just in case something happens. Wink.
Sa dinamirami ng mga sinulat niya, dalawang dress lang talaga ang umakit sa akin. Blue dress at red dress. Pero mas pinili niya ang red long dress na may napakalaking-slit mula bewang Hanggang paa. Sinuportahan ko naman ang gusto niya since pabor din naman sa akin ang kulay. Dahil red ang paborito kong kulay.
Excited na kinuha niya ang phone at nagselfie. Pero nang ibaba niya ang cellphone, nagtaka ako. Bigla kasing nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.
"Anong problema?" Ang katulad ni Alexandra ay dapat laging nakangiti.
Tumaas ang kilay niya, "may bagong girlfriend na ang ex-boyfriend ko." Sagot niya.
Ito siguro iyong tinutukoy niyang dahilan kung bakit narito siya sa Masbate. Napapaisip tuloy ako kung minahal ba talaga ng lalaking iyon si Alexandra? Matagal silang naging magkarelasyon. Pero heto ito at may bago na. Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong sapakin ang lalaking 'yun.
Pero may mas naisip akong magandang ideya. Kinuha ko ang phone niya at hinanap ang camera.
"Say cheese...!" Sabi ko saka kumuha ng litrato namin. Nagulat siya kaya hindi niya namalayang pinost ko na ang picture namin together. Na may caption; "Shopping date with my handsome boyfriend in the most luxurious boutique in Masbate City!"
"Alam mo bang sa kabila ng Charisma ni Titan ay minsan na itong nasaktan?"
"Anong...ibig mong sabihin--"
"Si Torino na ang maghahatid sayo sa fundraiser event." Kung saan host si Titan. Hindi rin kasi pwedeng may makakitang ihahatid ko siya sa mismong event.
XANDRA'S POV.
Habang nasa byahe ay pormal akong tinanong ni Torino. Isa sa mga staff ni Easton na inatasan niyang magmaneho sa'kin papunta sa fundraiser event, kung saan host si Titan.
Tinanong ako ni Torino kung baka gusto ko daw munang dumaan ng bar bago dumiretso sa naturang lugar. Na agad ko namang sinagot ng "oo".
Base sa observation ko, si Torino ang mas higit na nakakakilala kay kay Easton. Bukod diyan ay nakakatuwang kausap si Torino. Pero ang mas umagaw ng atensiyon ko ay nang banggitin nitong madalas daw akong ikwento ni Easton simula noong una kaming magkita sa airport.
Dahil din sa kanya ay nawala ang kaba ko at pakiramdam ko handa ko ng harapin ang una kong misyon.
Huminto sa tila palasyong mansion si Torino. Nang bumaba ako ay parang mahihimatay ako sa sobrang lawak at ganda ng semi-palace na mansion ni Titan.
Hindi ako makapaniwalang si Titan Romero ang aakitin ko. Pagpasok ko ng mansion ay nakita kong bumaba ng hagdan si Titan. At nang magtama ang aming mga mata ay natigilan ito sa sobrang gulat. Malayo sa ekspresyon ng dalawang kasama nitong babae.
Bakit ganyan siya makatingin? Bakit parang kilala niya ako? Alam niya kayang nagtatrabaho ako kay Easton?
H'wag kang magpanic, Alexandra.
Wala siyang alam kung sino ako. Ako si Alexandra Thompson. Isang actress.
Kailangan kong gampanan ang role ko at mag-stick sa plano.
Plan A: Hahanapin ko si Titan at sasabihing gusto ko siya.
Plan B: During the auction, kailangan kong taasan ang presyo para makuha ko ang atensiyon niya.
Plan C: Gagamitin ko ang credit card na binigay ni Easton para hindi isipin ni Titan na naghahabol ako sa pera niya.
Malaki ang tiwala sa'kin ni Easton at ayoko siyang biguin. Magiging madali lang ang lahat at mababayaran iyon ng tama ngayong gabi.
Ngayong gabi ay sigurado akong nakuha ko ang atensiyon niya. Kaya kailangan ko ng kunin ang opportunity na ito para lapitan siya.
Pero bago ko iyon nagawa ay napansin kong lahat ng mga mata sa loob ng mansion na iyon ay nakasentro sa kanya. Habang titig na titig lang ito sa akin. Na para bang binabasa nito ang iniisip ko.
Isang malamig ngunit nagbabagang mga mata ang ibinabato niya sa akin. Kaya upang mas makuha ko pa ang kanyang atensiyon, nagpacute ako habang kinikindatan siya.
Saka lumipas ang ilang minuto. Hindi parin nawawala ang mga pasimple niyang tingin sa akin. Kahit na napapalibutan siya nang kanyang napakaraming bisita.
"Nakikinig ka ba sa amin, Titan?" Narinig kong tanong nang isa sa mga babaeng nasa harap lang nito.
"H'wag ka ng magulat, babe. Malamang ay naghahanap siya ng panibago niyang target ngayong gabi."
Hindi na ako manghuhula pa kung sino ang target na tinutukoy niya. Sigurado akong ako ang tinutukoy niya. Dahil sa akin lang naman nakatuon ang mga mata nito. Simula pa kanina.
"Napaka-playboy mo talaga, Titan." Singit naman nung maiksi ang buhok na babae.
"Mabuti na lang talaga honey, hindi ako katulad niya." Pagmamalaki naman nung mukhang Fil-am.
"Tumigil ka nga, Edmund. Hindi bagay sayo ang nagseselos." Sita ni Titan sa lalaki.
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...