VOLLEYBALL, diving, magyoga. Ilan lang 'yan sa mga gusto niyang gawin habang nasa probinsiya siya ng Masbate.
Bagay na labis na ikinatuwa nina Nicole at Eme. Iyon din kasi ang mga ginagawa nilang libangan kapag bakante sila.
Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa mga pangarap nila, at mga gustong gawin. Maging ang mga personal na bagay ay napag-usapan narin nila habang nasa bahay ni Eme.
"Ano kaya sa palagay mo ang ibig niyang sabihin noong sinabi niyang perfect ka?" Tanong ni Eme nang mabanggit niya si Easton sa usapan.
Umiling siya bilang sagot. Wala din naman kasi siyang ideya sa kung ano nga ba ang ibig sabihin ng lalaki.
Makalipas ang ilang oras ay nagpunta na sila sa butik ni Eme. Nakatayo lang si Xandra at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kasi afford bumili ng bagong damit.
"May nahanap nang perfect outfit for an interview si Eme para sayo, Xandra." Sabi ni Nicole nang makalapit ang mga ito sa kanya.
Inabot ni Eme ang isang peach long sleeve blazer na may katernong trousers. Pagkatapos ay tinulak siya papasok ng fitting room. Pagkalabas niya nasa labas na din ng fitting room si Nicole. Nakabihis na ito at mukhang naunahan siya.
"Regalo ko na ang mga 'yan sa inyo. Kaya h'wag niyo ng isipin ang bayad." Sabi ni Eme nang tatangkain na sana niyang tanggihan ang damit.
May kamahalan kasi ang nasa price tag nito kaya nagdadalawang isip siyang bilhin. But that's not the problem now.
"Thank you, Eme." Ilang oras pa lang kasi silang nagkakilala ay napakabait na nito sa kanya.
Napayuko siya upang dukutin sa bag ang phone. Bigla kasi itong tumunog.
"Nakausap ko ang parents mo. Pumunta ka raw ng province?! Nahihibang ka na ba?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasang mensahe mula sa magaling niyang ex-boyfriend na si Braxon.
"Ano namang pakialam mo? Ex na lang kita. Kaya tumigil ka." Naiinis na reply niya sa lalaki.
" You can't survive without my money. "
"Hindi ko kailangan ang pera mo."
" Bumalik ka na ng Manila. Pwede parin naman tayong maging magkaibigan--with benefits."
Napanganga na lang siya sa galit. Kahit kailan, garapal talaga ang lalaking 'yun.
Napukaw ang atensiyon niya nang tanungin siya ni Eme. Nakalimutan niyang may kasama pala siya at pinagmamasdan lang na nagngangalit dahil sa galit.
"Baka mabasag na 'yang screen ng phone mo." Paalala ni Eme sa kanya.
"Ang ex ko kasi ang kapal ng mukha. Gusto niya akong bumalik ng Manila dahil hindi ko raw kaya na wala siya. Gusto niya akong magmukhang desperada." Pagkukwento niya.
Baka nga mabaliw si Braxon kapag nalaman nitong humihinga parin siya kahit wala ito sa buhay niya.
Tumingin si Eme sa suot na Rolex. Napagtanto niyang ilang minuto na pala nakalipas simula nang magsimula ang job interview. Kaya naman nagmamadali sila ni Nicole na pumunta ng Suicon's H&R.
Pagpasok pa lang nila ay natigilan na sila pareho. Mahaba na kasi ang pila nang datnan nila ang job interview session.
Sigurado siyang maganda ang pasahod ng kompanya kaya ganito na lang kadami ang gustong makapasok sa trabahong ito.
Bukod dito ay nabanggit din ni Nicole na gwapo raw ang CEO ng H and R kaya mas dumami ang gustong mag-apply.
"Alexandra Thompson?" Natigilan sila sa pagtatawanan nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
Isa itong babae, at kung susuriin ng mabuti ay mukhang may mataas itong ranggo sa kompanya.
"A-ako po 'yun." Sagot niya.
"Sumunod ka sa'kin. Gusto kang makausap ni Mr. De Toro sa office niya."
Gusto siyang makausap ng CEO? That's odd.
Kinakabahan siyang sumunod sa secretary ni Mr De Toro at pumasok sa isang malaking office. Subalit wala ang CEO sa office kaya naghintay siya ng ilang minuto bago ito pumasok.
At nang lingunin niya ito ay napaatras siya sa kanyang kinatatayuan.
"Easton?"
Lumapit sa kanya si Easton ng nakangiti. "Nung makita kita sa surveillance camera, inutusan ko agad ang secretary ko na papuntahin ka sa office ko."
Sabi ni Easton saka mahigpit siyang niyakap. Para tuloy siyang nalasing sa pabango nito sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
"Hindi ko alam na CEO ka pala ng isang hotel at resort dito." Sabi niya nang kumawala mula sa pagkakayakap si Easton.
"Wala naman tayo sa meeting para ianunsyo ko pa ang bagay na iyon." Paliwanag ni Easton. "Overall, I am very much happy to see you here. Namiss mo ba ako, Alexandra?"
Hindi siya nakasagot. Mas lalo lamang kasi siyang na- curious sa bagay na hindi nito masabi sa kanya. Ang mas nagpatigil sa kanya ay nang bigla siya nitong halikan sa labi.
"Magsabi ka sa akin ng totoo, Alexandra. Pareho ba tayo ng nararamdaman?" Tanong nito matapos siyang halikan. "Nararamdaman mo ba na parang may connection tayong dalawa?"
"P-pasensiya ka na." Naiilang niyang tinulak papalayo si Easton.
Ayaw niyang i-take advantage si Easton dahil wala pa siyang job experience. Just because they already met. She just wanted this job at gusto niyang dumaan sila sa tamang proseso.
Bahagyang umatras si Easton saka umayos sa pagtindig. "Gusto kitang i-hire Alexandra. Pero hindi para maging isang room attendant. Gusto kong i-hire ka sa kung saan ka nababagay. Pero bago iyon, pwede ba kitang tanungin?"
"S-sige." Pagsang-ayun niya. Pero sinisigurado niyang siya naman ang nagtanong kapag natapos ito.
"Nasubukan mo na bang mang-akit dati?"
"Oo" ang sagot niya.
"Mabuti." Sambit nito. "Alam kong magaling kang kumanta. Subalit may naiisip ka pa bang ibang paraan kung paano mang-akit ng lalaki?"
"Meron." Confident na sagot niya. May mga tricks na rin kasi siyang nasubukan at sigurado siyang effective ang mga iyon. "Pero ano ba ang connection ng mga tinatanong mo sa ibibigay mo sa aking trabaho?"
"Noong isang gabi, sabi mo gusto mong magsimula nang panibagong buhay. Then here you are, going after what you want. In addition to that, natuldukan ng mga sagot mo ang mga kutob ko." Kaya perfect talaga siya sa trabahong gustong ibigay nito sa kanya.
"Anong trabaho ba 'yun?"
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...