CHAPTER 10

3 1 0
                                    

"Nakapagtatakang hindi ka pamilyar sa pangalan ko." Malungkot na saad ko. " Isa kasi akong artista."

"Ganun ba?"

Mukhang kailangan ko ng baguhin ang topic namin bago pa magkabukingan.

"Hindi ako makapaniwalang pareho pala tayong artista."

"Magkaiba iyon ng ginagawa."

"Sa totoo lang, hindi lang talaga pag-aartista ang ginagawa ko. Ni minsan ay hindi ko ito pinagarap. Dahil pagkanta talaga ang gusto ko."

"Kung ganun, bakit hindi mo i-pursue?"

"Actually, nagpost ako sa yt account ko na kumakanta pero may takip ang mukha. Pagkatapos niyang ay hanggang doon na lang."

"Siguro nga ngayon pa lang tayo nagkita. Pero sigurado naman akong hindi ka katulad nang iba na tinatakbuhan ang pangarap. Siguro may taong ayaw kang payagang gawin ang gusto mo."

Bumuga ako ng hangin bago nagpatuloy.

"Hindi naging maganda ang past relationship ko. Hindi ko naramdaman na minahal at pinahalagahan niya ako sa loob ng walong taon." Natigilan ako nang may ma-realized.

Hindi ko kasi dapat sinabi ang mga bagay na iyon. Masyadong personal. Totoong nangyari sa buhay ko. Hindi pwedeng ma-attached ako sa kanya!

Walang sabi-sabi ay tumakbo ako papalayo sa kanya. Narinig ko siyang tinatawag ako sa pangalan subalit hindi ako nagtangkang lingunin siya.

At last, nakarating din ako sa venue. Nadatnan kong sumasayaw ng sweet ang mga bisita. Habang nasa kalagitnaan naman ako ng mga ito.

Nag-aalala tuloy ako na baka maintriga siya sa buhay ko. Nagpalipat-lipat ako ng tingin nang matapilok ako at napaluhod sa sahig.

Napaangat ako ng tingin nang marinig kong may tumatawa sa harap ko. Siya si Erica.

"Iyan ang mga napapala ng mga mang-aagaw!" Tumatawa na singhal niya sa'kin.

Napapalibutan ako ng bisita. Pero kahit isa ay walang nagmagandang loob na tulungan akong tumayo. Napaisip tuloy ako kung ganito ba talaga ang mga mayayaman?

Napabuga ako ng hangin. Akmang tatayo na nang maramdaman kong may mainit na mga kamay ang umalalay sa akin.

Parang minamartilyo ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito. Habang napakainit naman ng magkabilang pisngi ko.

Umiwas ako sa kanya ng tingin nang ako ay makatayo. Hindi ko alam pero may tanong sa isipan ko. Nagugustuhan ko na ba siya?

"Bakit ka pa naguot ng high heel kung hindi ka rin naman pala sanày gumamit niyan?" Malamig na sermon ni Titan sa'kin.

"Bakit ba panay ang sunod mo sa kanya kung nandito naman ako?" Biglang singit ni Erica sa eksena namin.

Gusto kong matawa. Wala pa kasi akong ginagawa ay selos na selos na babaeng ito. What more kung hahalikan ko si Titan sa harapan niya? Hanggang sa mag-violet siya sa selos?

Hinarap ni Titan si Erica. "Hindi ba may asawa ka?" Sabi nito na ikinagulat ko.

Ang akala ko kasi boyfriend niya lang iyon. Pero asawa pala niya?!

Nagulat ako nang biglang umikot sa'kin si Titan. Kasabay ng pagbabago ng music na napakaromantic at napasweet pakinggan.

"Sumayaw tayo, Titan." Anyaya ni Erica na parang hindi natauhan sa sinabi ni Titan. "Gusto kong maramdaman ang mga kamay mo sa bewang ko."

Hindi ko hahayaang again niya sakin si Titan. Para mangyari iyon, kailangan kong maging straightforward kay Titan. Gaya nang sabi ni Easton.

"Pwede mo ba akong isayaw, Titan?"  Sabi ko na biglang nagpalingon sa kanya sa direksyon ko.

Walang pagdadalawang isip siyang lumapit sa'kin saka pinulupot ang mga kamay sa bewang ko.

"It's my pleasure." Bulong niya sa'kin.

Sa pagkakataong iyon, alam kong nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ko. At magagawa ko na ang gusto ko.

Sinayaw niya ako nang marahan, na parang dinuduyan. Habang nakikita ng sulok nang aking mga mata ang pagmamaktol ni Erica sa sulok. Malamang ang binubulong-bulong niya ay sana siya ang nasa posisyon ko.

Haha! Manigas ka!

Pagkatapos ng sayawan ay ang auction naman ang sumunod na ginanap. Nakaupo kami sa harap ng stage nang biglang lumapit si Erica. Nakasimangot na naupo ito sa tabi ni Titan.

"Nag-enjoy ka bang kasayaw ang babaeng 'yan?"

"Magsisimula na ang auction." Pag-iba nito sa usapan na ikinairap naman ni Erica.  Natawa na lang ako sa naging reaksiyon nito.

Katabi ko si Titan sa upuan kaya pagkakataon ko na itong makausap siya tungkol sa mga personal nitong buhay. Sana nga lang ay hindi sumingit si Erica.

"Pwede ba kitang matanong kung bakit pinangunahan mo ang fundraiser na 'to?" Tanong ko na parang gusto ko na lang bawiin.

Nalungkot kasi bigla ang mukha nito na parang may mahal sa buhay na nawala dahil sa breast cancer.

Sinubukan kong abutin ang kamay niya upang i-comfort. Subalit nagtaasan lamang ang aking mga balahibo sa labis niyang panlalamig.

"Hindi na mahalaga pang malaman mo." Malamig na sagot nito na ikinatahimik ko.

Hindi na rin ako nakapagtanong pa ulit dahil nagsalita na ang magsusubasta.

"Ang unang bagay para sa gabing ito ay isang napakagandang hikaw. Ito ay isang green gold na kilala din sa tawag na electrum, na pinalamutian ng emerald. Magsimula tayo sa three hundred thousand."

Unang kita ko pa lang sa hikaw ay talaga namang naakit na nito ang puso ko.

"Four hundred thousand." Mayabang na sabi ni Erica.

But Easton told me that I have to bid higher than anybody else. Kaya agad ko nang tinaas ang tawad sa fifteen thousand pesos.

Pero parang nanadya si Erica. Dahil hinigitan niya pa ang bid ko. Ginawa niyang nine hundred thousand pesos. Kaya wala akong ibang choice kundi gawing one million pesos ang bid.

Umabot naman sa one million and five hundred thousand ang bid niya. Kahit na sinabi ni Easton na taasan ko pa ang bid hanggang sa gusto ko, hindi ko parin ma-imagine na gumatos ng napakalaking pera para lang sa pares ng hikaw.

"Two million." Nagulat ako nang biglang magtaas ng kamay si Titan. Hindi ko alam na gusto rin pala niya ang pares ng hikaw na iyon.

"Isa...dalawa...ang hikaw ay naibenta na!" Naibenta na kay Titan.

Dumaan ang napakaraming mga bagay na may nagtataasang mga presyo. Pagkatapos ng auction ay tumayo na ang mga bidders para magbayad at kunin ang mga item nila.

Tumayo na rin ako para umalis nang mapansin ko ang wallet ni Titan. Ibabalik ko sana sa kanya nang magring naman ang phone ko.

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now