NANG pagbuksan niya ng pinto ang kumakatok, bahagya siyang nagulat. Hindi kasi grab rider ang dumating. Kundi isang waitress.
"M-Miss Hannah? A-akala ko--" bulalas ng waitress nang makita siya.
"Sino si Hannah? Ako si Alexandra." Nagtataka na pakilala niya.
Agad na humingi ng tawad ang waitress sa kanya. Napagkamalan lang daw siya nito na ibang taong kakilala niya.
Nawerduhan siya sa naging reaksiyon ng waitress. Para kasing nakakita ito ng multo nang makita siya.
"Sino ba si Hannah? Bakit mo 'ko tinawag na Hannah?" Tanong niya.
"Dati siyang nakatira rito." Sagot ng waitress. "Kalimutan niyo na lang po ang sinabi ko."
But she ignored it. Sa halip ay naging makulit siya. Gusto niyang malaman kung dati din bang employee ang si Hannah sa SHR.
Pero tumanggi na ang ang waitress na magsalita. Nagmamadali na itong lumabas ng kwarto pagkatapos magpaaala sa kanya. Kaya hindi na rin siya nagpumilit pa.
That was strange! --sigaw ng utak niya. Pero wala paring ilalakas ang pagkalam ng sikmura niya.
Pumwesto na siya sa lamesa at nilantakan ang pagkain bago pa ito lumamig, while sightseeing sa malawak na karagatan.
Dahil gutom na gutom siya ay mabilis siyang natapos. Pagkatapos niyang linisin ang pinagkainan ay agad na siyang nag-research sa taong target niya.
Pero mas gusto niyang mag-research habang nakabukas ang tv. Pagkabukas niya ng tv ay isang live show ang bumungad sa kanya. Ini-next na sana niya nang may marinig siyang pamilyar na pangalan.
Titan Romero.
Pabagsak siyang naupo sa sofa saka pinatong sa lamesa ang remote.
"Kung nakatira ka sa Masbate. Malamang ay narinig mo na ang pangalang Titan Romero." Sabi ng Host.
"Mayaman, gwapo, at may nakakamatay na ngiti. Sino kaya ang muling bibihag sa puso niya? Kung isa ka sa mga interesado sa kanya, stay tuned at pag-uusapan natin ang personal niyang buhay."
Nagulat siya nang biglang mag-flash sa screen ang naked half body ni Titan.
Napa-PUTAINA siya ng malakas dahil sa sobrang guwapo ng lalaki. Nabulag pa nga yata siya dahil sa nakakasilaw nitong katawan!Damn. He looks like a fallin' gods!
The picture was taken from his verified Instagram account. The username was there. Kaya para siyang flash at napatakbo ng mabilis ang kamay sa Instagram nito.
Hindi siya detective. Hindi siya imbistigador. Mas lalong hindi siya pulis. Dahil isa siyang stalker ni Titan. At nagsimula iyon ngayong gabi.
Very observant siya kaya napansin niyang laging nafe-featured ang kulay na sky blue sa mga picture nito. Isa iyong magandang simula dahil favorite color din niya ang color na sky blue.
Nag-scroll pa siya. Hanggang sa mapagtanto niyang halos iniinom din nitong alak ay kulay purple. Pero para siyang violet lemon drop martini?
Iyong mga surfing clothes naman na sinusuot nito ay may logo ng isang sikat na kompanya. Lahat nang iyon ay iisang kompanya lang ng logo ang nakikita niya.
Mukhang mahilig sa surfing si Titan. Samantalang matatakutin naman siya pagdating sa ganun.
Pero pwede naman siguro siyang magpanggap na hindi siya natatakot hindi ba? Pero sana din ay hindi siya yayain nitong magsurfing.
"Sana nagustuhan mo ang pagtuloy mo dito sa hotel ko." --mensahe ni Easton.
"Nagustuhan ko ang silid." Kinikilig na reply niya.
"Masaya akong malaman 'yan."
Pagkatapos ay pinuri siya nito. Sinabi lang naman kasi niyang nag-research siya about kay Titan. Maliban sa kagustuhan niyang magpa-impress sa lalaki.
"Maiba ako. Alam mo bang nanaginip akong may nangyayari sa atin?" --direkta na sabi nito sa mensahe.
He's actually fantasizing about her. Kaya binasa lang niya ang mensahe nito at hindi nagreply. Ayaw niyang maging bastos sa pag-iwas niya sa pagsagot. Gusto lang talaga niyang asarin si Easton.
Nanginig siya dahil sa malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kanyang balat. Kaya nagpasya siyang pumasok na ng kwarto. Pagpasok niya ay agad nahagip ng kanyang mga mata ang isang maliit na kahon.
Nagapalinga-linga siya at sinuri ang mga pinto at cabinet upang alamin kung sino ang nagpatong nito ng kahon pero wala siyang nakitang daga.
Kaya bumalik siya sa kwarto at binuksan ang kahon. Una niyang nakita ay isang sobre.
"Suutin mo ang damit na 'to, at magkita tayo sa room 34, in 35 minutes. Gusto kong subukan ang seduction skills mo, aking sinta. --Easton."
Napa-OH. MY. GOD. --na lang siya. Hindi talaga kasi nag-aaksaya ng oras si Easton. Masmasigasig pa yata ito kesa sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung kaya niya bang panindigan ang dalawang nagguguwapuhang lalaki sa isang bagsakan lang.
Binuksan niya ang kahon at namangha siya sa damit na binigay sa kanya ni Easton. Black sexy slash seductive transparent suit ang laman nito. Napangiti siya dahil alam na alam talaga nito ang style niya.
Sino kaya ang hindi maaakit sa nightdress na ito?
Tuwang-tuwa siya nang kumuha siya ng larawan. Pagkatapos ay sinend iyon sa group chat ng trios.
"Someone call a firefighter! Because you are on fire, girl!" --komento ni Nicole.
Alexandra laughed lightly in a silly manner.
"Tama lang talaga na ikaw hinayr ni Easton, Xandra. Dahil natural Kang nakakaakit." --Eme.
"Salamat, girls! Balitaan ko na lang kayo mama ha?" Chat niya.
"Dapat lang!" --demand naman ni Nicole.
Muli siyang natawa. Saka naiiling na tumingin sa salamin.
Mukhang mauuna niya yatang maakit si Easton kesa kay Titan.
"HELLO, DARLING." Bungad sa kanya ni Easton nang makapasok siya sa kwarto. Hindi iyon naka-locked kaya nagtuloy-tuloy lang siya.
"Alam mo ba kung bakit gusto kitang makita ngayong gabi?" Tanong nito sa kanya.
"To improve my seduction skills...?" Hindi sigurado niyang sagot.
Pero hindi iyon ang dahilan. Pinapunta siya ni Easton dahil gusto niya itong paalalahanang hindi basta-basta si Titan. Dahil marami ang mga kababaihang naghahangad sa kanya. To the point na gagawin nila ang lahat para lang mapansin ni Titan.
Walang kahit sinong babae ang nakaligtas sa karisma ni Titan. Maging siya ay nakuha ang interes.
Napakagat siya ng mariin nang malamang gusto pala nito na hinuhuli ng mga biktima ng karismang taglay nito.
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomantizmMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...