Chapter 11

1 0 0
                                    

"Kumusta? H'wag mo sanang kalimutang kumalap ng maraming balita. Magkita tayo mamaya, Alexandra Thompson. Wink."

Muntik ko ng mabitawan ang phone nang makita kong nakatayo habaang nakatitig sa akin si Titan.

Baka nakita niyang napulot ko ang wallet niya. Napagkamalan pa akong magnanakaw.

"Para sayo 'to." Sabi niya sabay abot nang hikaw.

"P-para sa'kin ang hikaw na ito?" Hindi makapaniwala na sabi ko. Habang nasa likod ni Titan sina Erica at ang kaibigan nito. "Nakakahiya naman."

"Gusto mo ba o ayaw mo?" Malamig na tanong niya. Pero alam ko namang may iba pang dahilan kung bakit binigay niya sa'kin ito.

Hindi ako makapaniwalang ang isang bilyunaryong lalaki sa syudad na ito ay gumatos ng two million para lang pasayahin ako!

Walang sabi-sabing lumapit siya sa'kin at pinalit sa suot kong hikaw. Dahilan para mas lalong magselos ang dalawa.

Pagkatapos niyang ikabit sa'kin ay nagpaalam na ito upang kumuha ng maiinom. Nagpaalam din akong pupunta muna ng banyo. Hindi para magbanyo, kundi para tignan ang laman ng wallet niya.

Ni-lock ko ang pinto nang makapasok ako sa loob ng banyo. Humarap sa salamin saka huminga ng malalim. Kinakabahan na binuksan ko ang wallet niya.

Napasandal ako sa lababo at parang mahihimatay. Habang sinusuri ko ang laman ng wallet, may nahulog na kung ano sa sahig. At nang damputin ko ito, isang larawan ang tumambad sa'kin. Larawang nang kung sino na kamukha ko!

Bakit may picture siya ng babaeng kamukhang-kamukha ko?! Nanlamig ako sa gulat at pagkalito.

May kakambal akong never ko namang nakita?! Never kong nalaman?!

Nanginginig ang katawan ko, habang napakalakas naman ng pagtibok ng puso ko. Nanghihina ako nang lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad na akong dumiretso sa waiter na may hawak ng mga alak.

"Isa pang glass, please." Sabi ko matapos maubos ng tuloy-tuloy ang alak na hiningi ko kanina.

But after drinking the second glass of wine, the image of that woman still circling inside my head!

Walang naitulong ang alak sa'kin. Kaya napagpasyahan ko na lamang na lumabas at naglakad-lakad sa garden.

"Xandra?"

"Nandito ka rin pala, Eme?" Pilit na ngumiti ako sa kanya.

"Always akong present sa mga charity event ni Titan. Tsaka hindi nabanggit sa'kin na kilala mo pala siya?"

"I was hired because of him." Bulong ko sa kanya.

Nakita ko ang pamimilog sa kanyang mga mata. Crazy right? Gusto ko na nga din na magsisi na tinanggap ko pa ang trabahong ito. Mabuti na lang talaga at nandito si Eme.

"Bakit malungkot ka? May ginawa ba siya sayo?"

"Wala naman. Kaso..."

"Ugali mo ba talagang maglaho na lang bigla?" Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses.

"Kasalanan ko. Mag gusto lang aking sabihin sa kanya." Pagtatakip sa'kin ni Eme na agad ko na lang sinang-ayunan.

"Paano kayo nagkakilala? Ang alam ko bago ka lang dito sa Masbate?"

"Nagkakilala kami sa isang exhibition sa US." Mabilis na paagdadahilan ko.

Naramdaman ko ang pagkalabit niya sa'kin. Pagkatapos magpaalam ay binati nito si Titan bago umalis.

"See you later!"

Tumayo ako para lapitan si Titan.

"Maaga pa naman kaya pumasok na muna tayo sa loob."

"Ayaw mo talaga akong tantanan no?"

Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng nasa photo ng wallet niya.

Oh shocks! Nasa 'kin parin ang wallet niya! Bumuga ako ng hangin nang hindi niya napapansin. Saka humalik sa pisngi niya habang maingat na nilagay sa bulsa niya ang wallet.

"Goodbye kiss ba 'yun?" Tanong niya matapos ko siyang halikan. "Nililito mo ako, Alexandra."

"Being mysterious, makes me sexy." Bulong ko na kanya namang sinang-ayunan.

Pinilit kong kalmahin ang abnormality ng heartbeat ko. Apektado kasi ang tuhod ko, grabe ang panginginig nito. Bakit ba kasi ganyan siya makatingin sa akin? Masyadong mapanganib...

"Titan," tawag sa kanya ni Patty--Erica's best friend.

"Kanina ka pa namin hinahanap." Nang-aakit na sabi ni Erica.

"Akin na ang phone mo."

"Bakit?"

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip mo." Sabay abot ng phone niya.

Pagkatapos ay binalik ko sa kanya ang phone, with my phone number.

"Sinong nagsabi na ilagay mo?"

Hindi na kailangan sabihin niya pang ilagay ko sa phone book niya ang phone number ko.

Dahil kitang-kita naman kay Titan na na gusto niyang mas makilala pa ako.

"You are one of a kind, Alexandra."

Bakas ang pagkainis sa akin ng dalawang babae. Parang kahit anong segundo ay sasabunutan na nila ako. Gusto ko silang mas mainis kaya kinindatan ko sila. Pagkatapos ay iniwan na silang tatlo.

"Hi, Alexandra Thompson!" Pagkokompletong tawag sa akin ni Nicole. Nakasalubong ko siya pagpasok ng Suicon's H&R.

"Paanong..."

"Sinabi sa'kin ni Eme na nakita ka daw niya sa fundraiser event." Paliwanag niya, sabay pakita ng screen ng phone.

Napanganga ako nang makita ang picture sa phone niya. It was me and Titan--exactly the time I gave a kiss to him!

Bakit hindi ko siya napansin na kumuha ng picture?! Hindi ko alam na ganyan pala sila ka-updated sa isa't isa!

"Kung ganun, alam mo na rin na siya ang target ko, hindi ba? Anong masasabi mo?"

"Nakaka-excite!" Mabilis at pabulalas na sagot niya.

And speaking of... He just texted me! Siguro naging maganda ang first impression ko sa kanya kaya agad siyang nagtext sa'kin. Oh, this isn't just a text message! But also a handsome picture of him!

"Kapag namiss mo ako, tignan mo lang ang picture na 'yan." Mensahe niya.

I, also tried to send a picture of me. With a following message; "Likewise."

Nagpaalam siyang kailangan na niyang bumalik sa gala, nang i-open up ko sa kanya iyong nabanggit niyang "hindi ako siya." Sino ba ang tinutukoy niya?

"Hindi mo ba siya kilala?"

"Sino?" Nagtataka na tanong ko.

"Hindi na rin mahalaga na malaman mo. Wala na din naman siya."

Nawerduhan ako sa sagot niya.

"Anong sinabi niya?--Mr. Suicon! Ah, kukunin ko lang po sana ang order ni Xandra.

"B-beer!" Natataranta kong sagot.

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now