NATIGILAN ang kanilang pag-uusap nang lumapit ang flight attendant na nag-assist sa kanya kanina. Pareho sila ni Easton na napadako sa babae.
"Pasensiya na miss, maling upuan ang naituro ko." Paumanhin ng babae.
"Upuan ko 'yan." Masungit na sabi ng kasama nitong babae na parang hindi nilalamig sa lakas ng Aircon sa loob ng airplane.
"Magsabi ka lang kung gusto mong dito maupo. Ako na ang bahala." Bulong sa kanya ni Easton.
Gustuhin man niyang manatili, natatakot naman siya na baka awayin siya ng babae. Kaya nagpasya na lamang siya na lumipat ng upuan.
Hinayaan na lang din siya ni Easton at hindi na nagsalita pa. Isang oras ang lumipas at naka-landing na rin ang eroplano.
Agad siyang dumiretso sa claiming area para kunin ang kanyang maleta.
May kabigatan ito pero pinilit niya parin ang sarili na buhatin ito. Kaya accidentally, napigtas ang handle ng bag at tumapon ang laman nito. Isa-isa niyang dinadampot ang mga gamit nang may pamilyar na boses siyang narinig.
"May nawawala ba sa gamit mo?"
Nang mag-angat siya ng tingin sa lalaki, isang ngisi ang bumungad sa kanya. Habang hawak-hawak nito ang strapless at seductive underwear, na katulad ng sinuot niya noong binalak niyang surpresahin ang ex-boyfriend na si Braxon.
"Looking for this underwear, it represents who you are." Sabi nito saka inabot sa kanya ang underwear niya.
"Analyzing women's underthings, says a lot about you, too." Nakangiti na sabi niya.
"Naintriga lang ako sa kung paano ka mamili ng mga underwear." Paliwanag ni Easton. "Teka, parang nasira yata ang handle ng hand carry na bag mo."
Natigilan siya nang mapagtanto na dito niya pala nailagay ang sinulat niyang kanta.
"Okay na." Sabi nito nang makatayo si Easton. Saka binuksan nito ang dalang hand carry na bag, at ang una niyang nakita ay isang ice silk, seamless boxer shorts, na nasa ibabaw lang mismo ng bag.
Unti-unti siyang nag-angat ng tingin at nahinto iyon nang mapansin niyang malalaglag na ang fountain pen sa bulsa nito.
Suicon's Resort--iyan ang nakasulat na nabasa niyang nakaukit sa fountain pen nito.
"Buti na lang nasalo mo. Alam mo, napakahalaga sa akin ng pen na iyan. Kaya hayaan mo akong bitbitin ang maleta mo." Napakamot sa batok si Easton saka nagpatuloy.
"Ayokong may ibang makakita ng underwear mo, or nang song book mo kaya..."
"Ano ka ba, maliit na bagay. Salamat sa offer mo, pero kaya ko na 'to." Ayaw pa sana niyang magpaalam kay Easton pero kailangan niya ng magpahinga.
Hindi na rin nagpumilit pa si Easton kaya hinayaan na siya nito.
Subalit sa hindi niya maintindihan, nakasabay na naman niya ito sa paradahan ng mga suv.
"Masarap uminom pagkatapos maghakot ng mga gamit."
"Sinabi mo pa," pagsang-ayun niya kay Easton.
"Hindi na ako makapaghintay na makilala ka. I think you'd be perfect."
Kumunot ang kanyang noo. "Perfect saan?"
"Maghintay ka at malalaman mo rin. Sa ngayon sa Mercedes Limousine ka na lang sumakay."
"Kasing itim din ba 'yan ng ice silk, seamless boxer shorts mo?" May kapilyahan niyang sabi kay Easton.
"Paano mo nalamang..."
"Nahagip lang ng mga mata ko nung buksan mo ang bag mo kanina." Paliwanag niya.
He smile broadly. "Ikaw nga talaga ang hinahanap ko."
"Ano ang gusto mong drinks?" Tanong ni Easton nang makapasok sila sa isang bar."Paloma." Matipid niyang sagot kay Easton. Ang Paloma ay isang fruity cocktails na may halong tequila, lime juice, konting asin, grapefruit soda, at lime wheel.
Mabilis na kumilos ang bartender at ilang minuto lang ay may Paloma na siya.
"So...paano mo nakikita ang sarili mo sa hinaharap?" Panimula ni Easton matapos uminom ng konting old fashioned cocktail, na nakita niyang hinaluan ng bourbon, syrup, dashes bitter, at yelo.
"Pangarap kong kantahin ang mga naisulat kong kanta," sagot niya.
Kumislap ang mga mata ni Easton."Sana marinig kitang kumanta balang araw."
"Wala pa akong napagsabihan ng pangarap kong ito. Ikaw pa lang ang kauna-unahan kaya medyo kinakabahan na tuloy ako."
"Placer is the better place for someone like you." Suhestyon nito saka uminom muli ng alak, habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Napapaisip tuloy siya kung ano ang pakiramdam kapag dumampi ang labi nito sa balat niya habang dinadaing niya ang pangalan nito.
"Kung gusto mong malaman kung ano ang lasa ng labi ko, malaya mong itanong sa akin, Alexandra. H'wag kang mag-alala, open minded naman ako." Puna nito sa kanya.
She laugh in a soft, quite manner.
"You got me, Easton." Nakangisi na sabi niya. Tumawa nang nakakaloko si Easton matapos siyang marinig.
"Gusto ko ng pinakikiusapan ako." Makahulugan na sabi ni Easton.
"Ah...malalim na pala ang gabi. Kailangan ko ng umuwi ng boarding house." Paalala niya kay Easton.
Nginitian na lamang siya nito saka nagpasalamat dahil sinamahan niya itong uminom. Ganun din naman siya, at inaamin niyang natutuwa siyang nakausap niya ito.
"Pwede bang ihatid kita sa tinutuluyan mo?"
Isang imahinasyon ang namuo sa utak niya. Imahinasyon kasama niya ito sa loob ng sasakyan na tanging sila lamang ang nakasakay. Tanging sila lamang ang tao.
"Sige na, Alexandra. Gusto mo bang magmakaawa pa ako sayo?"
Napatakip siya sa bibig saka tumawa. "Gusto ko sanang tanggapin ang offer mo. Pero parang mas gusto ko munang mapag-isa ngayon. You know?"
The corner of his mouth turned up, while repeatedly nodding his head. He almost forgot that the woman in front of him was freshly heart broken.
But because of that fact, he's afraid for her safety. Especially that she is just new in their city. That's why he still insist. Or he can say, he begged. At the end, hindi na umangal pa si Alexandra.
"Sino ba ang mag-aakala na dahil sa underwear ay nagkasama tayo ngayong gabi?" Manghang wika ni Easton nang makababa sila ng Mercedes Limousine. "Isang gabi, baka makita kita na suot mo na iyon. For your information lang din, I am a pro when it comes to taking them off."
Halos pabulong na sabi ni Easton saka sinundan iyon ng kindat.
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...