16

0 0 0
                                    

XANDRA'S POV.

PWEDE ko na ba daw gamitan ng pwersa ang mga paa ko, tanong ni Easton.

Pagkatapos ay hinubad ang suot kong rubber shoes at pinalitan ng roller skates.

"Sa palagay ko kasi mas masayang mag-skates kapag may kasama." Sabi niya nang makatayo. "Marunong ka bang mag-skate? Gusto mo bang alalayan kita?"

Kahit na marunong akong mag-skate, nagpanggap akong hindi marunong. Para makahawak ako sa kanya at maalalayan niya.

Noong una nagmukha akong tanga. Subalit hindi iyon pinansin ni Easton. Naging matiyaga siya hanggang sa pinalabas ko na lang na mabilis akong natuto.

Sobrang saya ko nang araw na iyon. Lalo na iyong pusa niya. Nakiki-skate din kasi siya sa amin at ginugulo si Easton kaya madalas itong matumba.

"HINDI ko alam na sa nightclothes pala ang susunod na destinasyon natin." Sambit ko.

"Hindi tayo lumabas para magsaya. Narito tayo kasi meron akong ibibigay na misyon sayo."

"Ah,"

"Birthday Ngayon ng isa sa mga kaibigan ni Titan, si Luke. At sa isang nightclub gaganapin ang party."

"Gusto mo akong pumunta?"

"May mga kinuha silang dance troupe. At kilala ko ang may-ari ng club. Pwede kitang hingan ng temporary spot  para makapasok ka."  Sabi niya."Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Titan kapag nakita ka niyang sumayaw sa stage?" Excited na dagdag pa niya.

"Sumayaw ng exotic dance?" Naiilang na tanong ko.

"Pang performance artist, Alexandra." Sabi niya saka tumawa. "H'wag kang mag-alala. Hindi ko naman ipapagawa sayo ang bagay na hindi ka komportable. Magtiwala ka, mga dancers sila."

Pagkanta ang gusto kong gawin sa stage. Pero dahil sa trabahong ito, mapapasayaw ako.

Sinukat ko ang napiling damit ni Easton na susuutin ko sa stage. Isang erotic costume ng pusa at rabbit.

Pakiramdam ko mula ako sa femme fatale na movie nang suutin ko ang costume. Malamang pigil hininga si Titan kapag nakita niya akong ganito ang suot.

"Kapag inangkin ka niya sa gabing ito, tanggalin mo ang maskara mo saka iwan siya."

EASTON'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

EASTON'S POV.

"Lasing na ako," ani Luke.

"Eh, di h'wag ka ng uminom."

"Ang hot ng mga sumasayaw!"  Kinikilig na wika ni Gander.

"Hindi ba kaibigan mo 'yung isang sumasayaw? Si Alexandra?" Nguso ni Ace sa stage na agad ko namang sinundan.

Nakita kong nilapitan ito Luke at parang may sinasabi. Siguro iniexpect din nitong pupunta si Alexandra sa party niya. Pero may mali sa ekspresyon ni Alexandra.

Kumulo at lumaki ang mga hakbang ko papalapit sa kanila nang makita kong akmang hahalikan ni Luke si Alexandra. Sinugod ko siya ng suntok at hindi nawalan ng balanse si Luke kaya ito natumba.

"Ano bang problema mo?" Singhal ko sa kanya saka hinawakan si Alexandra palabas ng club.

"Tama na ang panunukso mo sa akin, Alexandra." Mariing wika ko habang nakasandal siya sa pader.

Akala niya siguro hindi namin siya nakikilala kapag nagsuot siya ng maskara.

"Tumatambay lang naman ako sa club."

Lumayo ako sa kanya ng konti, "tumigil ka na sa pagpapanggap mo. Alam ko na ang katotohanan sayo."

"Anong katotohanan?"

Nagdikit ang kilay ko sa galit. Marahas ko siyang inipit sa pader bago pa siya makapagsalita ulit.

"Alam ko kung bakit ka narito ngayong gabi."

"Talaga ba?"

"Narito ka kasi gusto mo akong masiraan ng bait sayo."

Pinisil ng mga kamay ko ang bewang niya habang mariin kong dinidiin ang mga daliri sa balat niya. Subalit agad kong kinalma ang sarili at hinawakan ang kabil niya.

"Simula nang magkita tayo sa gala, alam ko na ang layunin mo ay ang akitin ako."

Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang leeg, nilanghap ko ang kanyang nakakalasing na amoy.

"Congratulations. You've pushed to the edge." Bulong ko sa kanya.

Nanginginig siya nang bigla ko siyang namnamin. Pinaparamdam ko sa kanya na gagawin ko ngayong gabi ang gusto kong gawin.

Siguro naman ay alam na niya ang pakiramdam na maging target ng isang Titan Romero. Ang pakiramdam na gusto ko siyang angkinin.

"Saan ba kayo nagpunta?" Tanong ng pamilyar na boses mula sa aking likuran. "Mamaya na kayo maglabing-labing. Magsaya muna tayo."

Napabuga ako ng hangin saka hinarap si Luke. Mabuti na lang at hindi nito dinamdam ang ginawa kong pagsuntok sa kanya, gayong birthday niya pa naman.

"Papasok na kami." Sabi ko kaya agad ng pumasok ang tatlo. Pagkatapos ay niyaya kong sumama sa amin si Alexandra upang sumayaw at magpakalasing.

Hanggang sa lumabo na ang lahat ng makita ko. Luminaw lang ang lahat nang mapagtanto kong nasa tabi kami ng kalsada ni Alexandra.

"Woohoo! That was the best party ever!" Sumisigaw na sabi niya.

"May mahalaga akong gustong itanong sayo...have you ever tripped in public and tried to act cool?" Kasunod ng paghagikhik nito kahit hindi pa ako sumasagot sa kanya.

Pagkatapos ay muli siyang naglakad ng pagiwang-giwang.

"Naiwan mo ba ang jacket mo?" Sleeveless kasi ang suot niyang dress at medyo malamig ang simoy ng hangin.

"Hindi ko kailangan ng jacket. Ang init kaya!" Lingon niya sa akin."Teka, bakit hindi tayo pumunta sa dalampasigan? Gusto kong makakita ng sirena!"

Tatandaan kong never ko na siyang paiinumin ng marami.

"Kaya siguro tinawag kang reklamador. Ang dami mo kasing reklamo." Naiinis na sabi niya."Pwede bang tawagin kitang sumpungin?"

"Okay." Galit na sagot ko.

"Yehey! Iyan na ang itatawag ko sayo."  Parang batang tuwang-tuwa sa sagot ko si Alexandra.

Napabuga na lamang ako ng hangin saka hinubad ang suot na jacket. At pinasuot iyon sa kanya.

"Nagseselos ka ba? Tss. H'wag kang mag-alala Mr. Sumpungin. Ikaw lang ang makakakita ng katawan ko." Pumikit siya saka ngumuso.

"Bakit ayaw mo akong halikan!" Singhal niya sa akin.

"Dahil kailangan mo ng matulog." Pagdadahilan ko.

"Akala ko gusto mo 'ko? Tumigil ka nga sa pagiging misteryoso mo! Nakakainis ka lalo." Pero nanatili akong tahimik.

Ayoko siyang patulan  dahil alam kong lasing lang siya at wala sa tamang katinuan. Kaya nagpasya akong manahimik na lang.

Inakay ko siya papasok ng kotse ko kahit na nagwawala na siya. Baka kasi kapag mas pinatagal ko pa ang pag-iingay niya, mabaranggay pa kami ng wala sa oras.

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now