Chapter 9

2 1 0
                                    

Mabangis kung titignan sa social media. Para siyang lion na anumang oras ay sasakmalin ka. But in reality, tahimik lang siyang tao.

Natigil ang aking pag-iisip nang makita kong nagpaalam si Titan sa mga kaibigan niya. Nang makalayo na ito ay nakita ko namang nagbulungan ang dalawang babae na mga kasama niya. Pagkatapos ay magkasamang umalis.

Susundan kaya nila si Titan?

On my curiosity, sinundan ko si Titan. Pero hindi ko siya naabutan.

Nasa balcony ako nang may marinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa lugar kung nasaan ako.

Kaya natataranta akong naghanap ng matataguan. Sa pagkataranta ko ay hindi na ako nakaisip pa ng magandang pagtataguan, at nagtago sa likod ng makapal ng kurtina ng malaking bintana.

Madilim ang part na kinaroroonan ko kaya maingat kong hinawi ang kurtina. Upang alamin kung sino at kanino galing ang mga yabag na iyon.

At nakita ko si Titan na nakatayo sa tabi ng king size na kama. Habang parang may hinihintay itong tao sa loob ng silid kung nasaan ako.

Ang sumunod na nangyari ay ang nagpagulat sa'kin. Ang babaeng maiksi ang buhok  ang lumapit kay Titan.

Humihingi ito ng paumanhin dahil nahuli ito sa pagdating dahil muntik na raw itong mahuli ng nobyo nito.

"Nasaan ang kaibigan mo?" Tanong ni Titan sa babae.

"Sinabihan ko na siya na gusto kong sa'kin ang unang putok. Maliban na lang kung gusto mong magkasabay kaming putukan mo."

Hindi ko alam ang aking mararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon dahil sa aking mga naririnig. Lalo na sa mga babaeng iyon na kapwa ay may mga nobyo na.

Alam niyo namang galing ako sa pagtataksil ng dati kong nobyo. Kaya medyo hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko.

"No need. Narito na ang lahat ng kailangan ko."  Seryoso nitong sabi. Saka inutusan ang babaeng maghubad ng damit.

Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan ngayong gabi.

Nang makahubad ang babae ay naghubad narin si Titan. Pinagpawisan ako ng malagkit. Habang kumakabog ng napakalakas ang aking dibdib. Parang gusto kong palitan posisyon nang babaeng iyon.

Habang pinagmamasdan ko sila sa kanilang ginagawa ay bigla naman akong nakaramdam ng pagkabahing. May kalakasan iyon at sapat na para umalingawngaw sa kwartong iyon ang boses ko.

"S-sino 'yun?" Tanong ng babae na natigilan sa paghaplos kay Titan.

"Meron bang nagmamanman samin?" Galit na tanong ni Titan na nagpatuwid sa aking pagkakatayo.

Agad akong umalis sa aking kinaroroonan bago pa nila ako makita. Dumaan ako sa balcony at pumasok sa katabi nitong bintana na, luckily ay nakabukas.

Nang makapasok ako ay saka ko lamang napagtanto na naliligaw ako. Malaki ang mansion at hindi ko rin kabisado ang bawat sulok nito.

Hinihingal na ako sa sobrang pagod kaya sumandal ako sa pader. Nang biglang may naramdaman akong presensiya.

"Ikaw 'yung misteryusang babae, hindi ba?" Sabi nito kaya napadilat ako ng mga mata."Hindi ka makakatakas sa'kin."

Sinubukan kong magpaliwanag. Subalit pinako niya ako sa pader. Dahilan para hindi ako makakilos.

Curious niyang pinagmasdan at pinag-aralan ang mukha ko. Na para bang matagal niya na akong kilala.

Ang mga titig niyang tila tumatagos sa aking buong pagkatao. Mga titig na may halong galit at pagnanasa.

Mga titig na nagtutulak sa isang bahagi ng utak ko na kailangan ko pa siyang mas makilala.

Tinawag niya akong misteryosa. Subalit siya nga itong napakamisteryoso at mahirap basahin. Hindi pa ako naging ganito ka desperada na malaman ang pagkatao ng isang tao.

Nagtititigan kami nang napakatagal. Hanggang sa ako na lang ang sumuko at tila natigagal. Nilapit niya ang kaniyang labi saka sa akin ay bumulong.

"Hindi ikaw, siya."

Like what?!

Sino ang tinutukoy niya?

Nilayo niya ang mukha sa akin saka kinros ang mga bisig. "Bakit mo ako minamanmanan?"

"N-naliligaw ako nang pumasok ka ng kwartong iyon. Nagpanik ako nang makita kita kaya natataranta na akong nagtago." Paliwanag ko.

Lumapit siya sa'kin saka sumandal.
Mainit ang binibuga niyang hangin na dumadampi sa aking leeg.

"Nagustuhan mo ba ang mga napanood mo? Gusto mo bang... sumali samin, next time?" Bulong niya sakin na nagpatayo nang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Malinaw na sa akin ngayon ang goal niya--ang akitin ako. Ang hindi niya alam ay expert din ako. Baka magulat siya kapag nalaman niya. But on the other side, pwede rin naman na dalawang tao ang maglaro ng seduction.

Pero mas gusto kong ako ang mananalo. Pero bago ko pa makontrol ang laro, may epal na biglang sumulpot.

"Kanina pa kita hinahanap, Titan." Nang tignan ko may-ari ng boses, nakita kong ito iyong babaeng nakapink gown na kasama nung may maikling buhok na babae. Ang babaeng nakita kong kachukchakan ni Titan sa kwarto.

Hindi mo ba nakikitang abala ako, Erica?" Masungit na tanong nito sa babae. Bumaling ito sakin na hindi makapaniwala. Habang bakas naman sa mga mata nito ang inggit na para bang kutsilyong tumagos sa aking balat.

"Sorry for that interruption." Paumanhin nito nang humarap sakin. Kaya isang ideya ang naglaro sa aking isipan. Maglalaro ako ng HARD TO GET.

Nagpaalam na ako sa kanya na babalik na venue. Pero hindi siya sumagot. Tinignan niya lang ako hanggang sa makaalis na ako. But due to my unfamiliarity, naligaw uli ako.

Nakakainis!

Sino ba kasing nakaisip ng mansion na ito na mukhang maze sa dami ng pasikot-sikot?!

Nagapalinga-linga ako at nahagip ng mga mata ko ang isang magandang painting.

Kalmado at kapayapaan ang nararamdaman ko sa painting na ito.

"Lahat ng painting ko ang positibo ang nararamdaman sa tuwing nakikita nila ito." 

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

"Ikaw ang pumunta nito?" Namimilog ang mga matang lingon ko sa kanya.

Tumingin siya sa painting saka nagsalita. "Akala mo ba isa lamang akong gwapong walang talent? Walang pakiramdam, maliban sa malibog at mapagnasa?"

Inirapan ko lang ang sinabi niya." Sinundan mo ba ako?"

Tumango siya. "Hindi mo kasi sinabi sa akin ang pangalan mo."

"Alexandra Thompson." Matipid na sagot ko.

"Hindi pamilyar sa'kin ang pangalan mo." Sabi nito na may pagdududang nakatitig sa akin.

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now