XANDRA'S POV
Ayokong sabihin sa kanya ang nakita ko sa wallet ni Titan. Baka isipin nitong may nakaraan kami.
Ayokong palitan niya ako.
"Saan kaya ka niya dadalhin?" Usisa ni Nicole nang makapasok kami sa kwarto ko.
Niyaya kasi akong kumain sa labas ni Easton. At gusto niya akong magbihis.
"Siguro sa lugar na mahalaga sa kanya." Sagot ko. Iyon kasi ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Ayieeh! Dapat makahanap tayo ng magandang damit at bikini na bagay sayo!"
Agad siyang nagtungon sa cabinet ko at naghanap ng swimsuit. At unang kita palang niya sa red deggie swimsuit ko, alam niyang bagay na agad sa akin. Maxi dress na plain ang nakasapaw sa bikini ko.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko nang makalapit ako kay Easton.
"Kararating ko lang." Sagot niya. Saka niyaya na akong sumakay sa kotse niya.
"Ang sarap naman nitong lasagna!" Sambit ko habang ngumunguya pa. Sa loob ng kotse lang kami kumain. Marami kasing tao sa lasagna house, kaya nag-take-out na lang kami.
"Isang box pa nga nauubos kong lasagna." Pagmamalaki niya.
"Nakakatuwang malaman na ang isang mayaman na kagaya mo ay hindi pihikan sa pagkain." At kahit mga simpleng bagay ay napakasaya na kapag kasama ko siya.
"Nag-enjoy ka ba sa pagdiriwang kanina?"
"Nag-enjoy naman. Kaso parang... parang hangin lang naman ako sa mga bisita dun." Sagot ko.
"Manhid lang sila kaya hindi nila maramdaman ang presensiya mo." Sabi niya nang insaktong huminto sa isang dalampasiga ang kotse niya.
"Sundan mo 'ko." Sabi niya saka tumakbo.
"Uy, teka lang!" Sigaw saka napatakbo na lang din.
Huminto kami sa isang bonfire. Kung saan makikita mo ang napakalawak na karagatan at mga biguin sa kalangitan. Taimtim ang tubig na parang gusto kaming suportahan.
"Madalas akong pumunta dito mag-isa. " Mahinang sabi niya. Na para bang may pinaghuhugutan siya. "Hindi naging maganda 'yung unang dating ko dito sa Masbate. Minsan napakalungkot sa pakiramdam. Pero kapag naiisip kong may taong nakakaranas nang nararanasan ko, nababawasan yung pakiramdam kong mag-isa pala ako."
Namilog ang kanyang mga na ikinakunot ko.
"Nakakita ako ng shooting star." Bulalas niya.
Nagpalinga-linga ako. Pero hindi ko na nakita pa ang shooting star na nakita niya.
"Kapag mga ganitong taon, madalas ka talagang makakakita ng shooting star. Pero ang biguin na katulad mo ang mas magandang pagmasdan."
Bahagya akong natawa."Alam mo ikaw iyong tipo ng lalaki na nakukuha ang gusto sa mabagal na paraan. Iyong tipo ng lalaki na hindi nagmamadaling makuha ang isang bagay." Litanya ko.
"Ang lugar na ito ay masyadong especial. Kaya masasabi kong bukod tangi ka sa mga babaeng tinutukoy mo."
Sa mga oras na iyon ay napaisip ako. Siguro ganoon nga ako ka especial para dalhin sa lugar na ito.
"Gusto mo bang magbabad sa tubig dagat?" Pag-iba niya sa usapan.
Mainit ang panahon na iyon kahit na nasa dalampasigan kami. Kaya naman agad akong pumayag. Maliban sa first time kong maligo ng dagat sa gabi, na-excite din akong maranasan pakiramdam na nasa karagatan habang nasa ilalim ng malaking buwan.
Pero ang mas nagpakaba sa akin ay nang biglang maghubad sa harap ko Easton. Nagulat ako sa ginawa niya kasi hindi man siya nagbigay go signal sa akin. Basta na lang siya naghubad!
Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Sa tuwing kasama ko si Easton, pinaparamdam niya sa'kin na para akong isang high school student na may crush ka sa kanya.
Habang init lang ang pinaparamdam sa akin ni Titan.
"A-ang ganda kasi ng katawan mo. Parang inukit," paliwanag ko. Saka naghubad na rin ng damit.
"Nakakarelax talagang magbabad sa tubig lalo na kapag pagod ka. Lalo na kung tanging buwan, bituin, at...ikaw lang ang kasama ko." Sincere na sabi niya."B-bakit? May mali ba akong nasabi?"
"May gusto sana akong aminin sayo, Easton." Kinakabahan na panimula ko.
"Ano naman 'yun?"
"Simula nang makita ko si Titan, nagsimula akong mag-alinlangan." Pag-amin ko."Paano kung nagkakamali ka sa akin? Hindi ako katulad nang ibang babae na ginagawang baliw ang mga lalaki sa kanila. Isa lang akong normal na babae."
"Ang problem kasi sayo, hindi kayang i-appreciate ang sarili mo. Kung nakikita mo lang sana ang nakikita ko..." Ano kaya ang makikita ko?
"Kung gaanong nakakaakit ang mga mata mo. Kung paano kuminang ang kutis mo. Kung gaano ka ka-sexy." Mahina subalit may kakaibang dukot sa aking pakiramdam."Alexandra, pano kung simulan natin ang pangalawang lesson natin ngayon?"
Umahon kami mula sa dagat at nahiga sa buhangin. Habang nakatingin sa malawaka na kalangitan. Na pinalamutian ng kumikinang na mga bituin. Na tinatanglawan ng bilog at malaking buwan.
"Ano ba ang lesson natin ngayon?"
"Tungkol sa mga likes and dislike mo. Iyong makakaboost ng confidence mo. Handa ka na ba?"
Tumango ako.
"Ano ang mga bagay na ayaw mo sa sarili mo?"
Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako. Nag-aalangan akong ibahagi sa kanya ang mga bagay na ayaw ko.
"Kung ayaw mong sabihin sa akin, ayos lang. Pero isipin mo na lang na makakatulong ito sayo."
He's so persuasive. To the point na gusto kong sabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw ko. Pero natatakot din akong baka husgahan niya ako.
"Ang pagiging imperfections ng katawan ko. As you can see, hindi pantay ang paa ko."
"Salamat sa pagbahagi mo sa'kin sa bagay na iyan, Alexandra. Siguro hindi naging madali ang pinagdaanan mo." Sincere na sabi niya."How about your likes about yourself?"
Ugh. Ano ba ang mga gusto ko sarili ko? Masyado kasi akong naging focus sa mga negative sa sarili ko.
"Subukan mong hanapin 'yung rason kung bakit dapat mong i-appreciate ang sarili mo."
"Noong nasa gala ako, walang paglagyan ang pag-aalala para sa sarili ko. Napakarami kasing magagandang babae ang naroon. At hindi ko kayang makipagkompetensiya sa kanila. Pero napakasarap pala sa pakiramdam na bibigyan ko ng pagmamahal ang sarili ko." Masayang sabi ko.
"Ang mabuting seductress, hindi lang basta pinagnanasaan. Ang mabuting seductress ay inuunang mahalin ang kanyang sarili."
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction
RomanceMinsan, maganda din maging masama. Para hindi inaabuso ng mga taong hindi marunong mahiya. *** Lumipad papuntang Visayas si Alexandra para magbagong buhay. Matapos makipaghiwalay sa manloloko niyang eight years live-in boyfriend. At literal na bagon...