Chapter One

121 10 7
                                    

Disconnected Touch

🌂

。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈•  。゚

Dale

Or maybe I was wrong.

Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang lalaking ‘yon. Kahit anong sikap kong hanapin siya, I always end up with a droopy shoulder at the end of the day.

I tried finding him whenever my friends and I go to the school’s canteen. Palagi kong sinusuri ang paligid, hoping to get a glimpse of him so that I can finally return his handkerchief that he gave to me that rainy afternoon.

Sinubukan kong hanapin siya sa library, sa school gym, open field, o kahit man lang makasalubong sa hallway, pero wala talaga. Para tuloy akong baliw nitong mga nakaraang linggo.

My friends also started noticing that I’ve been restless the past few weeks. Well, hindi na ako magtataka na nahihirapan akong hanapin siya kung kahit class section o grade level niya ay hindi ko alam.

"Ano ba naman ‘tong tao na ‘to, kanina ka pa patingin-tingin sa paligid uy!," sabi ni Ayi sa akin sabay akbay. Nginitian niya ako nang mag tama ang paningin namin hanggang sa tumawa na siya.

"Hayaan mo ‘yan, binabantayan niya siguro ang surroundings kasi takot matokhang," natatawang singit ni Yuan, one of my friends together with Ayi.

Napangiwi ako sa sinabi nila at agad na nangatarungan. "Tokhang ka d’yan! May hinahanap lang ako, e."

"Pogi?"

"Automatic!"

At nagtawanan na nga ang dalawa na para bang wala ng bukas. Kainis, kung ‘di ko lang kaibigan ang mga ‘to, matagal ko na pinag-uuntog ang ulo at pinatapon sa mental hospital.

"Wala akong panahon sa mga pogi, teh," I sipped the orange juice that I bought earlier.

We’re here sa canteen, taking our snack break after finishing our subject na halos tatlong oras ang itinagal.

"Tsaka, ba’t pa maghahanap ng pogi, e pwede ko namang tignan na lang ang sarili ko sa salamin?" I said with full confidence, my palm supporting my chin as I wear my playful smile.

"Gusto ko sana tumanggi, kaso totoo naman," Ayi murmured but was enough for me to hear. Inirapan siya ni Yuan at tumawa naman ako nang bahagya.

We've been friends since our junior years in high school. Hindi nga ako makapaniwala na kahit ngayong grade 12 ay magkaklase pa rin kami. Nakakasawa na nga mukha nila, parang gusto ko na lang lumipat sa kabilang room.

"See? I’m good looking to the point na hindi kayo makahanap ng reason to disagree," I brought my eye to a wink na ikinatawa naman lalo ng dalawa.

"Oo na, oo na. Pero, sino ba kasi hinahanap mo? Last week ka pang ganiyan ah?" si Yuan.

"Kaya nga. Nakakahalata na talaga kami. Is there something wrong?" pagpa-follow up naman ni Ayi. They are both looking at me right now, patiently waiting for my response.

I heaved a sigh and finally decided to tell them what happened two weeks ago. They were listening carefully until I finished all the details about that day.

"Hmm, so, interested ka sa kaniya?" Yuan asked while crossing his arms na para bang napapaisip pa nang malalim dahil sa kinuwento ko sa kanila.

My eyebrows furrowed immediately upon hearing that question. Why would I be interested in a stranger?

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now