Chapter Eight

57 7 0
                                    

Scars and Comfort

Hello, po! thank you for reading and reaching until this part ng story. I appreciate it a lot. Like, really! You make me motivated to make Dale and Adrian’s story be as heartwarming as your dedication to know more about them. In this chapter, we will slowly know about Dale’s past.

Enjoy reading, and have a nice day! — chemmeu.

💫

⋆𐙚₊˚⊹♡

TW: Homophobic remarks.

Dale

"You don’t go home together with your friends?"

His voice echoed through the same space where we are in right now. Nakatutok ito sa daan at naka-focus sa pagmamaneho pero nilingon niya ako no’ng tinanong niya iyon.

"Ah, hindi, iba kasi direction ng bahay nila tsaka sa ‘kin," sabi ko nang hindi siya tinitignan pabalik.

Hindi ko ulit ma-process kung papaano ako napadpad sa loob ng kotse niya. After ko kasing pumayag na iuwi niya ako—ihatid ako pauwi ay hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para bawiin ‘yon.

Matagal-tagal na rin no’ng huli akong nakasakay dito. Iginala ko ang mga mata ko nang bahagya kaya hindi ko maiwasang isipin na ang linis talaga rito sa loob. Super organized ng mga bagay at napakakintab pa. Nahiya tuloy ako dahil sa lambot din ng inuupuan ko ngayon.

Tapos, mabango pa.

Ang loob ng sasakyan ha! Hindi siya.

I mean… mabango rin naman talaga siya.

"So, nagco-commute ka lang?"

"Mhm," tumango ako.

"Why not I take you hom—I mean, bakit hindi ka na lang sumabay sa ‘kin?"

"Huh?"

"Sumabay ka na sa ‘kin pauwi, Dale."

From the way he said that, it’s like he’s telling me that there are no other answers than "okay." Na wala na akong choice at dapat pumayag na roon sa offer niya.

Matagal ang paninitig ko sa kaniya habang siya naman ay nakatutok na ngayon sa daan, halatang hinihintay ang sagot ko. Ilang beses pa akong kumurap bago nakapag-isip ng isasagot.

"Hindi ba iyon inconvenient for you?"

"Mhm? Why would it be?" Nagkasalubong ang mga kilay niya, pero malambot ang boses niya habang sinasabi niya iyon.

"Hindi ko alam. Baka lang naman."

I don’t wanna get on his way. Ever. Ayos na iyong wala na kaming misunderstanding sa isa’t isa, at ayos na iyong kino-consider namin ang isa’t isa bilang mag kaibigan.

Ang OA ko ba? Parang nag offer lang na ihatid ako pauwi, e.

Ayan. Inaaway ko na naman ang sarili ko. Pambihirang Cerazello talaga.

"I told you. You’re not a bother to me."

His voice was firm. Firm, yet also reassuring. Iyong tipong seryoso pero with a hint of gentleness. Hindi ko ma-explain—basta, ‘yon na ‘yon. It’s like gusto niya akong paniwalaan iyong sinabi niya without making me feel na parang pinipilit niya ako.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now