Chapter Seven

74 8 0
                                    

Starting Point

🪐

°ʚ☆ɞ°.⭒₊

Dale

Remind me the reason why I’m here in this kind of situation. Paanong last, last week ay iniiwasan ko pa siya, tapos ngayon ay nasa tabi ko na?

Nandito kami ngayon sa bench na nasa likuran ng senior high school building. Maraming students ang pumupunta rito para magpa-hangin at tumambay pero ngayon ay kaunti lang ang nakikita ko.

May malaking space sa pagitan namin at halos nakaupo na kami sa kani-kaniyang dulo ng iisang bench na ‘to. Para bang may masamang mangyayari kapag uusog kami papalapit sa isa’t isa, e.

Hindi na ako nakatanggi sa sinabi niya kanina sa cafeteria. Paano? E, pinagtulakan na ako nina Ayi tsaka Yuan na sumama na kay Cerazello. Kulang na lang igapos nila kaming dalawa sa ginawa nilang page-encourage sa akin na sumama na.

Napatingin ako sa paligid. Malapit na ring lumubog ang araw kaya kitang kita na ang kulay kahel na mga ulap sa kalangitan. Tanaw na tanaw mo rin ang nagliliparang mga ibon at ang pag sayaw ng dahon mula sa mga puno dahil sa pag-ihip ng hangin.

Nilingon ko si Cerazello na ngayon ay nakayuko, fondling his fingers again—just like the last time we talked. I can feel and sense that he is nervous, but I couldn’t bring myself to talk to him first.

My stares lingered on him—the reason why he also looked at me, and to my surprise, hindi ako gaanong kinabahan sa mga titig niya. The orange hue of the sky reflected on his eyes, causing it to sparkle.

Napaawang ang mga labi ko. Grabe, this man is beautiful. Super defined ng jawline niya, pati iyong mga kilay niya ay walang mintis. Hindi rin naiwasan ng mga mata ko ang labi niyang napakalambot tignan. Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang thought kung ano’ng feeling ng nahahawakan iyon.

I saw his eyes looked at me—down to my… lips? Tapos ay ibinalik niya ulit ang tingin niya sa mga mata ko. Na-conscious tuloy ako kaya ay pa-simple akong nag iwas ng tingin sa kaniya.

Damn. Those stares are dangerous. Final na. Iiwasan ko na ang pag tingin sa mga mata niya. O babawasan siguro. Hindi ko alam—basta, hindi maganda ang naging reaksiyon ng sistema ko kanina when I realized that he was checking me out.

Checking out agad? What if may dumi lang talaga sa mukha ko?

Parang hindi mo rin siya tinitigan kanina, ah?

Well, magkaiba kasi iyon!

Or hindi. Ewan ko. Napaka-guwapo kasi niya to the point that I find it hard not to take a look at his gorgeous, almost perfect face.

Natigilan ang magulong isip ko nang narinig ko siyang tumikhim at mag salita.

"How are you?"

Pinilit kong maging normal lang ang ekspresiyon dahil sa kaloob-looban ko ay natatawa na talaga ako. Ganiyan din kasi ang una niya tinanong no’ng huli naming pag-uusap. Wala lang. Ang cute lang …

"Ayos naman," maikli kong sagot.

As much as possible, ay iniiwasan kong tumingin sa kaniya. Para akong ewan ngayon na ginagala lang sa paligid ang mga mata na para bang hindi ko pa nakikita ang lahat na nandito sa school na ‘to.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now