Strange Distance
🌅
✦ ⠂⠂୨୧
Dale
Pagkarating sa classroom ay kaagad akong nagpunta patungo sa upuan ko. Kinuha ko ‘yong panyo ko at pagkatapos ay pinahiran na ang pawis na kanina ko pa gustong mawala.
Habang dinadampi ang malambot na telang ‘yon sa balat ko, ay bigla tuloy akong may naalala.
Hindi ko pa pala nababalik hanggang ngayon ang handkerchief ni Cerazello.
Medyo marami rin kasing pumapasok sa utak ko nitong mga nakaraang araw. Wala akong oras para i-gather ang thought na need ko pa pala iyong ibalik sa kaniya, para naman ay wala nang bagay na nagbibigay reason for me to reach out to him.
Yuan noticed me being awfully quiet, so I heard him speak. "May problema ba?"
"Ah, wala, I’m okay lang," napalingon ako sa kaniya at inayos ang pagkakatayo.
Nakita ko naman si Ayi na pinupunasan ang mukha niya using her own tissue and then applied powder on her face afterwards. Ibinuka niya ang bibig niya, "Punta tayo later ah, pagtapos ni Dale mag bihis."
"Where?" I asked.
"Gymnasium! Tutugtog na ang school band!"
My ears rang when I heard what she said. I remembered him again—and the looks he gave me just earlier. Tumikhim naman ako at nag punta na sa locker para kunin ang mga damit ko.
Ang lalim ng mga tingin niya at napaka seryoso ng mukha. Kung pinanganak siguro akong yelo sa lifetime na ‘to, natunaw na ako sa mga titig na ‘yon.
I grabbed my clothes that are inside a pink paper bag. Sinara ko ang locker tapos hinarap ang dalawa. "I can’t go there, I’m pagod pa from earlier, e."
Nakita ko namang ngumuso si Ayi at naglakad papunta sa akin. Pagkalapit niya ay dinampi niya ang mga palad sa magkabila kong pisngi.
"You’re missing big opportunities, Daly Dale! Daming pogi ro’n for sure!" She said and squeezed my cheeks.
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Sure, gusto ko makakita ng mga handsome guys here sa school—without malice, ah? Naa-admire ko lang ‘yong mga appearance nila. And hindi ko rin naman itatanggi na as a gay guy, e, I can’t help but to feel attracted to some of them.
Pero, so far, small crushes lang naman iyong nade-develop ko. Happy crush, gano’n.
Despite struggling para mag salita dahil sa mga nakadikit niyang palad sa pisngi ko, ay binuka ko parin ang mga labi ko.
"Ayi, I’m pagod nga, nabinat yata mga joints ko because of kulang sa stretching," sabi ko dahilan ng pag nguso niya lalo sa pinkish na mga labi niya.
She removed her palms from my face and put it beside her waist, looking at me with a bit of disappointment—but also with a hint of worry.
Yuan joined our conversation as he tapped Ayi’s shoulder while looking at me. "Let’s not force Dale to go, alright?"
Ayi nodded, "Alright. Sorry, Dale, didn’t mean to force you."
"No, you didn’t forced me naman. It’s okay, Ayi."
She gave me her small yet sweet smile. Ilang segundo pa no’n ay nag salita siya ulit.
"Pahinga ka na lang muna kaya? Or uwi ka muna to rest?"
Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Baka nga rin ay kailangan ko muna mag pahinga. Kasalanan ko rin naman kung bakit sumasakit ang katawan ko ngayon kasi pinilit ko pang igalaw ito kahit na hindi pa talaga nawawala ‘yong pain ng head ko.
YOU ARE READING
Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)
RomanceBodies touching + Hearts' tapestry = 𝑆𝑘𝑖𝑛 𝐶ℎ𝑒𝑚𝑖𝑠𝑡𝑟𝑦 ෆ Adrian&Dale This is a BL story!