Chapter Thirteen

99 7 1
                                    

Progress

Happy 1k+ reads! Thank you so much, I feel so emotional right now. 🥹 I love you all. This means a LOT to me!

🍀

*‧.₊˚*੭*ˊᵕˋ੭.*

Dale

I wasn't wrong. Siya 'yong isa sa mga ka bandmates ni Adrian na pumunta no'n sa clinic.

Nag taka pa ako kung paano niya pa ako natatandaan? E, matagal na 'yon tapos hindi na kami nagkaroon pa ng interaction after what happened that day.

Anong kailangan niya?

"Pwede makipag-usap?"

You're already talking to me, though.

"Uh, why?" Nagtataka kong tanong.

I saw him stretch his pinkish lips into a small smile to look friendly.

"May sasabihin lang ako. About kay Adrian sana?" Nag taas-baba ang kilay niya, para bang inaakit ako sa kung ano mang tsismis ang sasabihin niya sa akin.

Akala niya, kapag kay Adrian, madadala ako agad?

"Okay," ang naisagot ko.

Curious ako, e. Hehe.

Nang mapansin no'ng aso at pusa na naghahabulan sa likod ko na may kausap ako, ay agad silang tumigil para lumapit sa amin. Akala ko hindi na sila titigil, e. Ang kukulit.

"Sino 'yan?" Yuan asked, whispering behind me.

"Tanga! Si Yno 'yan, drummer ng school band natin," pagtataray ni Ayi. Kita mo? Walang preno ang bunganga talaga. That tanga was so unnecessary.

"Am I supposed to know him?"

"Nag tanong ka, 'di ba?"

"Enough na nga kayo, kanina pa kayo ah," pagpipigil ko sa kanila. Kaunti na lang pasensya ko, baka mauntog ko mga ulo nito sa isa't isa.

Agad naman nilang itinikom ang bunganga nila, pero tinatarayan pa rin ang isa't isa. Hindi ko na talaga alam ano ang gagawin sa dalawang 'to.

Tumikhim naman ako at nag salitang muli.

"This is Ayi and Yuan. My friends," pagpapakilala ko sa dalawa.

I saw Ayi smiled at Yno. Si Yuan naman ay tumango lang. Sinuklian sila ni Yno ng malawak na ngiti and also nodded towards the two.

"Pwedeng hiramin ko muna friend niyo? Saglit lang naman."

"Para saan?"

"What do you need?"

Yno was stunned by the questions that was thrown on his way. I saw him blinked multiple times until he finally gathered his thoughts while letting out a small chuckle to lighten up the atmosphere around us.

"May sasabihin lang ako sa kaniya," ani Yno na ngayon ay mas lumawak pa ang mga ngiti, namumungay ang mga mata.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa tatlo. Itong dalawa, parang wala pang balak na ipakausap ako sa isa. Gagayahin ba nila ang pagiging bossy ni Adrian sa akin? Daig pa ang mga parents ko, e.

"Mauna na kayo. I'll follow," ang sabi ko dahilan para ituon nila ang pansin sa sa akin.

I saw Yno's eyes lit up with hope while Ayi and Yuan only gave a nod to me as a response. Parang nag-aalinlangan pa sila pero dinaan ko na lang sa tingin at pinapahiwatig doon na ayos lang ako at talagang susunod sa kanila pagkatapos.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now