Chapter Eleven

90 5 1
                                    

Claiming

( Very sorry for the late update. I’ve been busy because of our school’s event, tapos muntikan nang bisitahin ng writer’s block. (⁠ ̄⁠ヘ⁠ ̄⁠;⁠) Anyways, please do leave comments if you want to! I’d also really appreciate it if mag-iiwan kayo ng votes. : ) Thank you po! )

📚

‧₊˚✩彡𖦹〃𓂃

Dale

"Papa!" I exclaimed out of excitement the moment I saw my father.

Agad ko siyang niyakap at ramdam ko naman ang pagyakap niya pabalik sa ‘kin. Miss na miss ko siya. He just came back from their 1 week business trip doon sa Davao.

"Kumusta, anak?" Tanong ni papa pagkatapos kong kumawala sa mga bisig niya.

"I’m okay lang po. Miss ko kayo," nangingiti kong sabi at niyakap siyang muli.

Sinuklian niya ako ng tipid na ngiti at iginiya ang noo ko papalapit sa kaniya para halikan ‘yon.

Muntik na tuloy akong maluha. Isang linggo rin siyang wala sa bahay. Minsan kasi, mago-overtime lang siya kaya nanibago talaga ako no’ng sinabi niyang aalis siya papuntang Davao City.

Nagkaroon tuloy ako ng urge na ikwento lahat ng nangyari sa akin ngayong araw—lalo na iyong pagkikita namin nina Charles… pero siguro sa susunod na lang.

Papa always tells us to say whatever we have in mind. May it be our troubles or wins, he always encourages us to be vocal and share things with him.

"I missed you too, bunso. Pasok na tayo, nag handa ng food ang mama mo," malambing na saad ni papa kaya tumango na ako at sumunod.

Kaagad kong nakita si mama sa dining table na naghahanda ng mga pinggan at pagkain. Si ate naman ay inaayos iyong mga upuan tsaka tinulungan na rin si mama. Nagtatawanan pa sila at parang may pinag-uusapan pero natigil nang makita na kaming dalawa ni Papa.

"Oh, kakarating mo lang, Dale?" Si Mama.

"Opo," sagot ko at umupo na. Ginawa naman nila iyong tatlo.

"Nag jeep ka?"

"Uh…"

"Nakita ko iyan kanina sa labas, may nag hatid," nanunuya ang ngiti ni Papa.

"Luh, sino?" Si ate na nagsasandok ng kanin at nilagay sa pinggan niya pero nakatingin na sa ‘kin, kuryosong kuryoso ang mukha.

At ayan na nga po, maho-hotseat na naman ako. Hindi na ako pinagpahinga kina Ayi at Yuan, hay.

"Sino ‘yon, bunso? Parang close kayo. New friend? Hindi naman iyon si Yuan," sunod-sunod na tanong ni Papa sa ‘kin.

The three of them are now looking at me eagerly, waiting for my reply.

Isara po ang mga bibig, baka pasukan ng langaw.

"Uhm, schoolmate tsaka… friend ko po," nag-aalinlangan pa ako na sabihin ang word na ‘yon.

"Naka kotse?" kuryosong tanong ni mama.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now