Comfort and Questions
(Hello po! Done na ako sa exams. Madali lang po. Madaling ibagsak. Keme xD.
Sorry po sa very late update. Enjoy!)
☕
Dale
"Anong gusto mo?"
"Ikaw..."
"What?"
"Bahala, ikaw bahala," halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.
Hindi pala iyon magandang pakinggan. Ba't ba gano'n ang sagot ko?
Medyo nalulutang pa kasi ako dahil sa nangyari kanina... masiyado akong na-drain. Wala akong gana makipag-usap.
Uuwi na nga sana ako pagkatapos no'ng pag-uusap namin ni Cerazello sa bench ng mall-pero pinigilan niya ako at sinabing kakain muna kami.
Desisyon siya, e.
"You choose," he insisted, looking at me carefully.
Dinala niya ako rito sa isang café na ilang minuto lang ang layo mula sa mall. Maaliwalas ang paligid nito, hindi rin masiyadong marami ang kumakain.
Sobrang ganda ng interior design na sinamahan pa ng elegant furniture at bumabagay sa color palette ng café. Pinaglalaruan ng color soft brown, black, and pearl white ang mga mata ko. It calms me down somehow.
"Hmm... iyong chocolate cake na lang."
"What else?"
"Ayan lang. Tight kasi budget ko ngayon, e," I answered sabay turo sa pitaka na hawak ko.
Nakita ko ang pagtitig niya sa wallet ko na siyang ginawa ko rin. Agad ko itong tinago sa likod ko at nag iwas ng tingin.
Hello Kitty ang design ng wallet ko... did he think it's weird?
"I can pay," sabi niya na ngayon ay ibinaling na ang tingin sa akin.
"And I can't."
"Who says you're gonna pay?"
Natigilan ako. Ano? Ililibre niya ako? Grabe. Generous naman pala ang isang 'to. Pero hindi, nakakahiya kapag ibang tao ang lumilibre sa 'kin. Nasanay na kasi akong sina Ayi at Yuan palagi ang gumagawa no'n.
Akmang magsasalita na sana ako nang maunahan niya. "I will pay. Go sit over there," he said with his firm voice as he pointed at the table near the window.
And just like what I always do, sinunod ko ang sinabi niya. Napansin ko talagang very authoritative siya, pero not in an offensive way naman. Well, for me.
It makes me wonder if ganiyan talaga siya sa lahat?
Bakit? Iisipin mong special treatment kapag sa 'yo lang siya ganiyan?
Nailing ako sa naisip. Anong special treatment? Inuutus-utusan nga lang ako, e.
I sat on the table near the window that Cerazello pointed out earlier. The ambience is really calming. Siguro pupunta ako ulit dito, isasama ko ang friends ko.
YOU ARE READING
Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)
RomanceBodies touching + Hearts' tapestry = 𝑆𝑘𝑖𝑛 𝐶ℎ𝑒𝑚𝑖𝑠𝑡𝑟𝑦 ෆ Adrian&Dale This is a BL story!