Chapter Four

76 8 1
                                    

Troubled Mind

💭

'✦ ˑ ִֶ 𓂃⊹

Dale

abcerazello
Why are you still awake?

Ilang segundo ko pang tinitigan lang ‘yong message niya. Feeling ko e, bigla akong tinawag sa recitation tapos hindi ako nakapag review.

Ngayon ko lang naramdaman ‘to, iyong feeling na parang na-corner ako dahil sa isang tanong tapos hindi ko masagot. E, simple lang naman ‘di ba? Maraming pwedeng possible na sagot pero hindi makapili ng kahit isa ang utak ko.

Palagi nga akong nakakasagot sa recitation tapos gaganituhin lang ako ng lalaking ‘to?

Tsaka, bakit siya concern kung gising pa ako?

abcerazello
Are you ignoring me?

abcerazello
You haven't accepted my request yet.

Hindi ko namalayan na bahagya na pala akong napangiti dahil sa mga sini-send niya sa ‘kin.

Ang tahimik sa personal, daming sinasabi sa chat.

Matapos mag isip-isip ng isasagot ay kaagad akong bumalik sa notifications to confirm his follow request. Pinindot ko iyong blue na icon pagkatapos ay binisita ulit ang account niya.

Doon ko lang napansin ang profile picture nito.

He was wearing a blue polo and khaki pants while sitting on a big rock as he watched the clear, blue sea—looking away from the camera. Nakasuot din siya ng black na relo at sinuportahan ang pisngi gamit iyong isang palad niya. Sa kabilang kamay niya naman ay may hawak siyang bote na may lamang color sky blue na liquid sa loob. I think it’s an energy drink?

Nag scroll pa ako ulit sa mga posts niya nang biglang may nag pop up na naman na message—sa kaniya parin galing.

abcerazello
Do you want me to pick you up tomorrow?

fereveo.dale
Bakit?

abcerazello
To ensure your safety.

fereveo.dale
Susunduin mo talaga ako?

abcerazello
You don’t want it?

Napakurap ako. Is he really serious? Okay na ‘yong ginawa niya kanina, sobra pa nga, e. Hindi ko inakala na mago-offer pa siyang sunduin ako rito para mahatid sa school. Napangiti ako sa thought na ‘yon at nag tipa na ng ire-reply.

fereveo.dale
Make sure to sundo me using a car, then!

abcerazello
Okay.

Mabilis akong napaupo dahil sa reply niya. Nagbibiro lang ‘yong tao, e!

Super serious naman ng Cerazello na ‘to.

fereveo.dale
I’m kidding lang, uy! Are you really
going to pick me up? Hindi naman
na kailangan.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now