Realizations
(Hello po! I was super busy and I am still busy! But, here I am, and I am back. 😎 Please leave a comment and a vote. I would really appreciate it! Thanks for reading Skin Chemistry and I hope y’all continue until the end.)
🌷
↶*ೃ✧˚. ❃ ↷ ˊ-
Dale
I think it was a good thing that in the past few days, ay pinuno ko ng positive thoughts ang utak ko despite all of the things that make my mind and body exhausted.
Kontrolado ko naman ang emotions ko. Katawan at buhay ko ‘to, e. Kung pipiliin ko ang umiyak lang mag damag ay iyon talaga ang mangyayari. But, I also have the choice to think about the brighter side and make myself calm down.
Hindi naman sa sinasabi kong hindi na ako dapat umiyak. Point is, nasa atin lang din ang desisyon kung paano natin iha-handle ang feelings and emotions natin.
"Kinakabahan na talaga ako," I heard Ayi whispered to me, eyes on her reviewer.
Ang kalmadong ihip ng hangin ay bumabalot sa aming tatlo ngayon. Nag suggest kasi si Yuan na sa nearby park kami mag aral. Para raw mas peaceful tapos magkaroon pa kami ng chance to expose ourselves sa comfort na dala ng sariwang hangin.
Exams will be next week, and we are doing our best to review our ass off para hindi kami mag alangan sa scores na makukuha. I mean… hindi pa naman namin naranasan ang makakuha ng failing score—but you know? Nagiging handa lang.
"Don’t be. We’re studying as hard as we can. We shouldn’t doubt," si Yuan.
"Bait mo ngayon ah?"
"Sulitin mo na lang."
The three of us chuckled. Nakakapanibago nga, e. Parang walang time ang dalawa ngayon para mag asaran. Focus na focus ang aso at pusa sa mga ginagawa nila. Well, mas mabuti nga iyon kaysa naman ako ang ma-stress sa kanilang dalawa.
Halos dalawang oras din kami roon, nagbabasa tsaka nagsusulat lang ng notes hanggang sa tinamaan na ng pagod. We decided to clean our things up para umuwi na.
"Hatid ka na namin," Yuan offered as he looked at me concerningly.
Umiling naman ako. "Huwag na, may bibilhin din muna ako diyan lang malapit."
"Sigurado ka ah?"
"Mhm. Chat niyo na lang me if nakauwi na kayo," ang sagot ko habang tipid na nakangiti.
Pero, itong si Ayi na nakakunot ang noo at naka-on na naman ang chikadora mode ay nakatitig sa akin na para bang may tinatago ako. Ano’ng ginawa ko rito?
"Ikaw ah, hindi ka na nagpapahatid sa amin. May humahatid na bang iba sa ‘yo?"
Pagak akong napatawa. Hindi naman iyon ang reason ko at totoo naman talaga na may bibilhin ako, pero bakit parang na-guilty ako ro’n?
"Oh, see? Hindi agad makasagot, tama ako!" Sigaw nito habang natatawa at tinuro-turo pa ako.
Ikinaway ko ang mga kamay sa bandang dibdib ko—sinisenyas na hindi totoo ang hinala niya. "May bibilhin talaga ako. Inutos ni Mama…"
I saw her raise her eyebrows even more, now crossing her arms like she’s sulking. Ang OA talaga. Hay.
"S-sa susunod, magpapahatid ako, promise," sunod-sunod kong litanya para hindi na siya mag tampo.
Babaeng ‘to, pakiramdam ko tuloy nanunuyo ako. Wala nga akong boyfriend, tapos susuyuin ko pa siya?
Pero sige, para matapos na ‘tong kaartehan niya, go.
YOU ARE READING
Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)
RomanceBodies touching + Hearts' tapestry = 𝑆𝑘𝑖𝑛 𝐶ℎ𝑒𝑚𝑖𝑠𝑡𝑟𝑦 ෆ Adrian&Dale This is a BL story!