Chapter Two

93 9 0
                                    

Indirect Connection

🩹

˚₊‧꒰ა ☆ ໒꒱ ‧₊˚

Dale

"Ah, si Cerazello pala tinutukoy mo sa kwento mo?"

Narinig ko iyong tanong ni Yuan pero pinalampas ko lang 'yon sa kabila kong tenga. Busy ako ngayon sa pagdi-distract ng sarili ko mula sa nangyari kahapon.

Grabe, na-realize ko kasi na parang ang OA ko sa part na umiyak pa ako, e, hindi naman natin alam na baka ako pa nga 'yong naka-offend sa kaniya.

Soft hearted problems, hay.

Pero bigla na lang akong bumalik sa reyalidad nang pisilin ni Yuan ang magkabila kong pisngi. Napangiti ito nang makita sa wakas na binalingan ko na siya ng tingin. Kung makangiti, parang walang ginawang kasalanan, e.

"Yanyan, masakit..." bulong ko tsaka ngumuso. Marahan kong dinampi ang palad ko sa aking pisngi tsaka hinagod iyon para mabawasan 'yong kaunting hapdi na nararamdaman.

Bumuntonghininga lang siya at ginulo ang buhok ko bago mag salita ulit. "Ang cute mo talaga," sabi niya pa at tinitigan lang ako.

Umirap ako. Hindi niya ako madadala sa ganiyan niya, 'no!

"Whatever," sabay irap sa kaniya. "Sino 'ka mo 'yong tinutukoy ko?" Pag-iiba ko sa topic naming dalawa. Baka sundan pa ng pisil ang mga pisngi ko, e!

Nakita ko namang naging seryoso ulit iyong mukha niya habang nakahalukipkip. "Si Cerazello, 'yong e-guitarist ng school band?" sabi niya pa ulit habang naka-tilt ang ulo nang bahagya dahil sa tanong niya.

Napakurap ako ng ilang beses bago nahimasmasan. I have never ever heard that name in my life. Cerazello? First name ba iyan o, last name? Tsaka, paano niya nasabing si Cerazello nga 'yong tinutukoy ko sa kwento ko kung hindi naman ako nag provide ng vivid description patungkol sa appearance niya?

"I don't know. I just suspect na Adrian ang name niya. Iyon ang nakalagay sa panyo na ipinahiram niya sa 'kin, e," pagkibit-balikat ko sabay tingin sa labas ng bintana na nasa gilid lang ng kinauupuan ko rito sa classroom.

"Oo nga, Adrian, first name niya 'yan," Yuan confirmed.

"Paano mo alam?"

"Pinagtabuyan ka, 'no?"

Napalingon ako kaagad sa kaniya, pero I was greeted with a bittersweet smile of his. Akala ko e, nagbibiro lang siya nang sinabi niya 'yon kasi kung oo, iirapan ko talaga siya lalo. Hindi magandang biro ang gano'n, 'no.

"He's known for having a... strange behavior," agad na sabi ni Yuan nang mapansin niya ang pagiging kuryoso sa pagmumukha ko.

Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. What does he mean by strange behavior?

Looking back, he does have a strange behavior, pero hindi ko naman inakala na gano'n pala siya sa lahat, to the point na pati 'yong mga hindi niya pa nakakausap ay gano'n na rin ang tingin sa kaniya.

Ayaw ko namang mang judge at mas lalong ayaw ko 'yong gawin na impression ko sa kaniya just because he acted like that towards me after interacting for two times.

Skin Chemistry (Chemistry And Sparks Series #1)Where stories live. Discover now