CHAPTER 19

1 1 0
                                    

Third Person's Pov:

''Gusto kong malaman apo Samir, sino ba iyang magiging asawa mo? Gusto ko rin sanang makilala.'' Nakangiting tanong ni Lola Amora kay Samir na tahimik lamang kumakain.

''Actually Lola, I don't have one anymore. She said that we were not really compatible with each other, so we broke it off.'' Nakangiting sagot ni Samir sa kanyang Lola Amora.

Nalungkot naman ito sa sinabi ni Samir.
''Ganoon ba? Naku kung ganon pala, maaari na kayong mag katuluyan ni Wei?'' Tanong nito sa kanya.

''Lola, stop it! Hindi yon ganon, tsaka hindi naman ako gusto ni Samir so bakit magiging kami?'' Pigil ni Wei kay Lola Amora.

May mapanudyong tingin naman ito sa kanya.
''So ang pahiwatig mo apo ay gusto mo si Samir ganoon ba? Nakakakilig naman kayo.'' Natutuwang sabi nito sa kanya.

Napakamot nalang si Wei sa kanyang ulo dahil sa pinagsasabi ng kanyang lola. Nakangiti lang din ang kanyang mama Zia.

''Ma, bagay naman talaga ni Samir si Wei lang talaga ang may ayaw, gusto kaya ni Samir.'' Singit naman nitong sabi.

''Mama naman isa ka pa, gatong talaga ka talaga!'' Saway naman ni Wei sa kanyang ina.

''Totoo naman diba anak Samir?'' Tanong nito kay Samir. ''Opo ang totoo niyan si Wei ang mapilit na ikakasal ako sa iba na hindi naman mangyayari.'' Sagot naman ni Samir.

''Tignan mo na Wei? Paano kayo ikakasal kung itatanggi mo, hindi sa iba kundi itinatanggi mo sa sarili mo.'' Sermon naman sa kanya ng kanyang ina.

''Tama na nga yang usapan na yan, wag mong pilitin ang anak mo Zia hayaan mo siyang mag-isip baka nalilito lang siya. Kayo namang dalawa, bago kayo gumawa ng isang kilos isipin niyo na muna kung yan ba talaga ang ninanais ng mga puso niyo. Mahirap ng magkamali mga apo ko. Make it sure first, then move.'' Payo ng kanilang Lola Amora.

Tumango nalang ang dalawa at bumalik na sa pagkain, dumating naman ang lolo Ignacio nila at si Bella kasama ang boyfriend nitong si Luke.

''Oh bakit naman kay tahimik ng hapag kainan?'' Nagtatakang tanong nito sa kanila ng lolo Ignacio nila.

''Nako siguro napagsabihan sila ni Lola kaya ganyan sila katahimik, kuya Samir kapag ayaw sayo ni kuya may irereto ako sayo magandang babae.'' Makulit na sabi ni Bella. Sinamaan naman siya ng tingin ni Wei.

''Nako kayong dalawa, hindi pa rin kayo nag babago mapang-asar kapa rin Bella sa iyong nakakatandang kapatid.'' Pailing-iling na kumento ng kanilang Lola Amora.

''Sanay naman na yan sakin, ewan ko nalang kung hindi yan mag selos kung makikita niya si kuya Samir na may kasamang iba at hindi siya, pakipot kasi.'' Sabi naman ni Bella habang kumakain ng letchon.

''Baby, don't bully her, ikaw talaga lagi mo nalang ginaganyan si Wei.'' Saway ng nobyo niya sa kanya.

''Totoo naman kasi, ito baby kumain kana diyan wag mo na akong pagalitan pa.'' Pag iiba niya ng usapan at sinubuan ng pagkain si Luke.

''Edi kayo na may love life!'' Inis na sabi ni Wei.

''Lola mag papahangin lang po ako sa labas.'' Paalam ni Wei. ''Sige apo.'' Sagot naman nito sa kanya, tumayo na si Wei at lumabas ng bahay at pumunta sa isang malaking garden ng kanyang Lola Amora.

Hindi niya alam na sinundan pala siya ng kanyang kapatid na si Bella.
''Alam mo kuya ang oa mo, why do you keep hurting yourself by your own words? Halata namang ikaw ang gusto ni kuya Samir, but you keep pushing him away.'' Sabi ni Bella habang papalapit sa kanyang kuya.

''Bella hindi mo kasi naiintindihan, mahirap mag mahal I mean pumasok sa isang relationship. Matagal na kaming hindi nagkasam ni Samir kaya hindi ko alam.'' Nalilitong sabi ni Wei sa kanyang kapatid.

Hinawakan naman siya sa balikat ni Bella. ''Kuya lagi ka nalang kasing single, takot na takot kang pumasok sa relationships but you know pwede niyo namang dahan dahanin yan. Get to know each other diba nga kahit nuong hindi mo pa alam na siya si kuya Ir ay gusto mo na siya. The way he treats you and the way he glances at you, I know that he loves you, kuya. Ikaw lang naman ang nag dedeny dyan, ewan ko ba sayo kuya napaka indenial mo.'' Pa iling-iling  na sabi ni Bella habang tinatap ang balikat ni Wei.

Di naman makapaniwalang nakatingin sa kanya si Wei. ''Ikaw ba talaga yung kapatid ko? Ibalik mo si Bella yung napaka maldita at salabaheng kapatid ko.'' Sabi ni Wei habang inaalog alog si Bella na naiinis na sa kanya.

Tinanggal naman ni Bella ang kamay ni Wei. ''Ih nakakainis ka naman kuya, ewan ko sayo ikaw na nga pinapayuhan diyan ginaganyan mo pa ako, bahala ka ikaw rin baka makahanap nga talaga si kuya Samir tapos iyon ang pakakasalan niya.'' Pananakot ni Bella kay Wei.

Naningkit naman ang mata ni Wei.
''Subukan lang niya at talagang hindi niya na ako makikita pa.'' Nang gigil na sabi ni Wei.

Napakamot naman si Bella sa ulo niya.
''Alam mo kuya ang gulo mo talaga, selos selos ka dyan wala namang kayo napaka oa mo talaga.'' Pailing-iling na sabi ni Bella.

''Sige na kuya pasok na ako sa loob nga pala pupunta daw tayo ng ilog mamayang hapon kaya sana okay kana. Please tama na yang drama mo dyan di mo bagay tsaka kuya wag kang oa wag mong isipin agad yung pain dahil hindi yan pagmamahal kung walang ganon it's part of relationship.'' Pahabol na sabi pa ni Bella bago pumasok sa loob ng bahay.

''Kahit ako napapagod na ako kakataray sa kaya at kakaiwas. Wala naman siyang ginagawang mali. Tama nga si Bella oa lang talaga ako sa buhay. Nakakainis naman kasi!'' Inis na sabi ni Wei sa kanyang sarili.

Huminga na muna ng malalim si Wei at pumasok na sa loob. Tapos na silang kumain at nagliligpit na ng pinagkainan at itinatabi na ang ibang pagkain na hindi naubos.

''Lola tulungan ko na po kayo.'' Sabi ni Wei habang papalapit sa kanyang lola Amora.

''Wei apo mag pahinga kana, alam kong pagod ka dahil sa biyahe siguro para makapag isip ka ng maayos umakyat kana sa taas.'' Pagtanggi sa kanya ng kanyang lola.

Napabuntong hininga naman si Wei at tumango. ''Sige po lola magpapahinga na muna ako. Pa gising nalang po ako mamayang hapon para makaligo ako sa ilog at makasama ako.'' Bilin naman ni Wei

''Okay apo sige na magpahinga kana sa taas nasa guestroom naman sina Luke at Samir alam mo naman ang iyong kwarto dito.'' Paalala sa kanya ng kanyang lola.

Tumango naman si Wei sa kanya.
''Opo lola, salamat po.'' Paalam ni Wei at hinalika n ito sa noo at umakyat na papunta sa dati niyang kwarto.

Kaagad siyang  bumagsak sa kama at kaagad siyang dinalaw ng antok dahil na rin siguro sa pagod at sa magulo niyang pag iisip ay nakatulog na agad siya sa kama.

#TSSOL
#SamWei

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now