NAPAMULAT ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa bewang ko pataas at pababa.
"Clifford Kyle."
"Aalis na ako, sweetheart." Paalam nito.
"Mag-iingat ka, kumain ka na?"
Tumango siya. "Oo, ipinagluto na din kita." Sabi nito.
Inayos nito ang pagkakakumot ng hubad na katawan ko bago ko hinalikan sa pisngi at labi bago siya lumabas.
Napasuklay ako sa buhok ko bago ako bumalik sa pagkakatulog.
Nagising na lang ako na tumutunog na yung phone ko. Pagtingin ko ay si Clifford Kyle ang tumatawag.
"Hello?"
"Nagising ba kita sweetheart?"
Umiling ako kahit wala siya sa harapan ko. "Hindi naman. Clifford Kyle." Kahit oo.
"Get up now, sweetheart. Puntahan mo ako dito pag nakakain ka na."
"Bakit?"
"I want you." Saad nito.
Napakagat labi ako. "Not now, nakaisa ka na kagabi.".
Natawa ito. "You know me, I like doing that to you."
"Ewan ko sayo basta hindi ako pupunta diyan."
"Ikaw bahala. Ready ka mamayang kauwi ko."
"Heh!"
Natawa siya lalo. "Sige na kumain ka na muna."
Pinatay na niya yung tawag, kaya bumangon na ako saka naghilamos at nagbihis bago ako bumaba.
Pinainit ko na muna yung pagkain bago ako kumain.
Napag-isipan ko muna na pupuntahan ko muna yung parents ko at sina tito Carlos. Lumabas na ako kahit nakastring tube top at denim short.
"Many!" Tawag ko ng makapasok ako sa bahay ng parents ko.
Lumabas ito mula sa kusina at tinignan ako. "Payakap nga Ai Mommy."
Mabilis na lumapit ako kay Mommy at niyakap siya. "Nasaan po si dada? so David?"
"Gumagala yung kapatid mo kasama yung mga kaibigan niya, ang Dada mo naman nasa balcony nakikipagkwentuhan sa mga ninong mo."
"Buti nakalabas ka na ganyan ang suot mo?"
Napakagat-labi ako. "H-hindi naman po ako nagpaalam na pupunta ako dito."
"Na ganyan ang suot mo?"
Tumango ako. "Opo."
"Lagot ka." Natatawang saad nito.
"Mommy naman e. Pinapakaba niyo po ako."
Natawa siya. "Dapat lang na kabahan ka kay Clifford."
Napanguso ako at umupo. "Punta muna ako sa kwarto ko, Mmy."
"Puntahan mo muna ang Dada mo bago ka pumunta sa kwarto mo."
Sumunod ako sa sinabi ni Mommy, pinuntahan ko muna si Dada bago pumunta sa kwarto ko.
Wala akong nagawa ngayon kaya siguro itutulog ko na lang ulit ito, wala din naman akong work ngayon dahil day off ko.
Nagising ako ng maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin kaya mabilis akong nagmulat.
"Clifford Kyle. Pinakaba mo ako."
Masama niya akong tinignan at ang suot ko. "Umalis ka ng hindi nagpaalam, umalis ka din na ganyan ang suot mo. Gusto mo bang huwag na lumabas?"
"Mainit kasi." Pagdadahilan ko.
Mas lalo niya akong tinignan ng masama. "Mainit o dahilan mo "yan?
"Both?"
Lumapit siya lalo sa akin at biglang bumulong. Lagot ka sa akin pagkauwi sa bahay." Sabi nito at sabay kagat sa earlobe ko.
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️
Romance"what now? Engaged na tayo." tanong ko. "Nothing" Natawa ako. "Seriously Clifford Kyle? Sabagay hindi naman nakakapagtaka. puwede pa naman magback-off. gawin mo na o ako ang gagawa." started: August 27, 2024 ended: October 22, 2024