MATAMLAY na bumangon ako dahil pinapagising ako ni Dada.
Naligo na din ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Lola.
Tumango ako. "Opo lola."
"Matamlay ka pa."
"Pinapauwi na po ako ni Dada."
"Ipapahatid kita."
Umiling ako. "Huwag na po, lola."
"Hindi, hintayin mo diyan si Manong ihahatid ka niya."
Tumango na lang ako at yumakap sa kaniya bago lumabas.
Nakarating ako sa bahay at ang ipinagtataka ko dahil nandito ang mga kaibigan ni Dada at ang parents si Clifford, pati siya.
"Buti nandito ka na."
Umupo ako sa tabi ni Dada at humilig sa balikat niya. "Bakit mo po ako pinapapunta, Dada?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
"Nandito kami dahil ipapaalam na namin kung sino ang fiancee ni Clifford."
Napadako ang tingin ko Kay tito Kean, lalo na kay Clifford na nakatingin pala sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"Sino po?" Pero sa loob-loob ko kinakabahan ako dahil hindi ko pa gusto makasal si Clifford sa iba.
Masasaktan lang ako lalo, ayoko muna mapunta sa iba ang atensyon niya.
"Ikaw Vivienne Claire."
Para akong nanigas dahil sa sinabi ni Tito Kean.
Tumingin ulit ako kay Clifford Kyle, hindi mo ba kasi ang pagkakulat sa mukha niya. May alam ba siya?
"P-pero paano nangyari 'yon, ninong?"
"Matagal na namin kayong ipinagkasundo since magkakilala naman ang pamilya natin."
Natahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba sasabihin ko, dahil hanggang ngayon ay gulat pa din ako sa nalaman ko.
"Mag-uusap tayo mamaya, princess."
Wala sa sarili na tumango bilang sagot kay dada.
****
Humarap ako kay Dada. "P-paano nangyari 'yon dada? Bakit ako ang ikakasal Kay Clifford?"
"I'm so sorry princess Gaya ng sinabi ni Kean matagal na namin pinag-usapan 'to. Magkakilala naman kayo mula pagkabata, kampante ako sa batang iyon kung sa kaniya ka ikakasal."
"Nasa edad ka na para mag-asawa, princess."
Hindi na ako nagsalita, napatingin na lang ako sa kawalan.
"Umuwi ka na sa kaniya princess. Hinihintay ka na ni Clifford Kyle."
Tumango na lang ako at yumakap sa kaniya bago ako lumabas ng bahay.
Pagkapasok ko sa bahay ay natigilan ako.
Nakatingin ako sa kaniya at ganon din siya nakatingin din sa akin habang nakaupo sa kaharap na upuan sa harapan ko.
"What now? Engaged na tayo." tanong ko.
"Nothing"
Natawa ako. "Seriously Clifford Kyle?
Sabagay hindi naman nakakapagtaka.
puwede pa naman magback-off.
gawin mo na o ako ang gagawa.""Don't you dare."
Natigilan ako. "Ayaw mo? You can do whatever you want to do."
"No."
"May kasalanan ka pa nga ee. Sarili nating bayadan nagdadala ka pa ng babae dito. Alam mo ang rules natin dito." Gitna saad ko dahilan para tumahimik ito.
"Akala mo hindi ko alam? Rinig na rinig ko yung ungol ng babaeng kasama mo."
"It's not what you think, Vivienne Claire in short Vivi."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano yon? Nanonood lang kayo ng p**n? Tinignan ko pa kayo. Live show." Sarkastiko na sabi ko sa bandang dulo.
Natahimik na naman ito sa pangalawang pagkakataon. Tumayo na ako at tumalikod, tsaka pa simpleng hinaplos ang dibdib ko bago umakyat pupunta sa kwarto ko.
Chill ka lang Heart. Kahit masakit tanggapin natin na ganito talaga ang nagmamahal.
Hindi pa kasi ako sapat para sa kanya.
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️
Romance"what now? Engaged na tayo." tanong ko. "Nothing" Natawa ako. "Seriously Clifford Kyle? Sabagay hindi naman nakakapagtaka. puwede pa naman magback-off. gawin mo na o ako ang gagawa." started: August 27, 2024 ended: October 22, 2024