Chapter 17

71 2 0
                                    

"AYAW mo ba magpacheck-up,?" Tanong ni mommy.

Umiling ako. "Hindi na po."

"Baka buntis ka at hindi mo alam."

Natahimik ako, lumipas ang isang buwan na sobra ang Pag-iwas ko kay Clifford. Palagi din masama pakiramdam mo at madalas na nahihilo.

"Huwag mo na din ipagkaila dahil nakita ko yung pregnancy test sa cr mo."

"Sorry mom."

"Wala ka bang balak na ipaalam kay Clifford 'to?"

Umiling ako. "Hindi naman po sa ganon pero may responsibilidad din siya doon sa babae niya."

"Bakit? Buntis ka, Vivienne Claire."

"Buntis din po sya."

"Oh God! Mabuti na lang pinatigil mo na yung engagement niyo last month kung ganito pala."

Nung malaman ni Dada ang totoong dahilan ay nabugbog si Clifford, hindi ko alam kung bakit niya tinanggap lahat ng suntok ni Dada.

Nagmakaawa daw si Clifford kay Dada na huwag ipaatras ang engagement namin Pero buo ang desisyon niya at ang sa akin na ipatigil na, kung magpapatuloy lang baka patuloy niya din akong lokohin.

"Huwag na natin pag-uusapan ito, Mom."

"Okay sige, magpahinga ka na muna." Paalam nito at iniwan na ako.

Nagpahinga na ako dahil masama ang pakiramdam ko ngayon.

Nagising na lang ako na nag-iingay ang phone ko.

Dwrek Calling....

"Hello Vivienne Claire."

"Hi Gabriel, napatawag ka?"

Napabugtong hininga si Derek sa kabilang linya. "Nanggugulo kasi si Clifford Kyle dito sa club ko."

"Pauwiin niyo na siya."

"Ayaw niya."

"Bakit ka sa akin tumawag? Dapat may Jane."

"Dahil ikaw ang kailangan niya at hindi siya." Sabi nito.

Natahimik ako at huminga ng malalim. "Papunta na."

10 pm na kasi at nagising ako dahil kay Derek.

Nagbihis ako ng jacket na may hood at leggings, kinuha ko yung wallet at phone ko bago lumabas

Pagkarating ko sa Empire Club ay pumasok ay pumasok ako, naabutan ko si Derek at sina Reid na inaawat si Clifford.

Lumapit ako sa kanila, hinawakan ko sa braso si Clifford.

Napatingin ito sa akin. "Sweetheart." Yumakap ito sa akin.

Hinayaan ko siya. Kumalas ako sa kaniya at tinignan siya kahit amoy na talaga siya ng alak.

"Umuwi ka na sa bahay mo."

Uuwi ka din ba?"

Natahimik ako sa dahil sa tanong niya.

"Hatid ko na kayo." Singit na sabi ni Reid

Tumango lang ako at inalalayan ni Reid at Bryle si Clifford.

"Bago kami umalis gusto ko sana makiusap kung pwede huwag niyong ipaalam kay Clifford na pumunta ako dito para sa kaniya."

Tumango ang apat. "Pakisabi kay Reid at Bryle alam ko naman na babalik dito si Reid mamaya pagkahatid niya sa amin. Aalis na kami." Paalam ko sa dulo.

"Naiintindihan namin. Mag-iingat kayo."

Lumabas na ako at sumakay sa passenger seat habang si Clifford nasa backseat.

Pagkarating namin sa bahay niya, hindi ko na matatawag na amin dahil umalis na ako. Baka kasama na si Jane siya ang lilipat dito.

Tinulungan ko si Reid na dalhin si Clifford Kyle sa mismong kwarto niya.
"Thank you, Reid."

"Sige alis na ako."

Inalis ko ang suot ni Clifford at itiira ang boxer. Kumuha din ako ng bimpo at binasa bago pinunasan si Clifford.

Nang matapos ako ay kinumutan ko muna siya bago umuwi.

Hindi niya dapat malaman na pinuntahan ko siya.

TO BE CONTINUE.....

An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon