2 WEEK na yung nakalipas magmula ng mag-usap kami sa kwarto ko, palagi siyang pumupunta.
"Clifford mag-usap nga tayo." Sabi ko.
"Sure."
Hinila ko siya papalabas ng bahay, humarap ako sa kanya.
"Ano ba ang ginagawa mo?" Seryoso na tanong ko.
"Visiting you."
"I know, what I mean you don't to have to do this. Araw araw na lang."
Vivienne, i just want to make sure you're both safe."
"Palagi kaming safe."
"I know, gusto ko lang palagi kang puntahan dahil dala-dala mo din ang anak ko.
"Anak ko." Pagtatama ko sa kanya.
"Anak natin." Pagtatama dib nito.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.
"Hindi ba magagalit si Jane? Palagi ka pumupunta dito." Giit ko ulit.
"Bakit naman siya magagalit? May anak ako sayo."
"Maglaro ka pa ulit ha? Para sususunod tatlo kami may anak sayo."
Ngumiti siya. "Gusto mo?"
Umirap ako. "Ewan ko sayo."
"Sabihin mo lang, gagawin ko."
Napailing ako. "Ewan ko sayo, gawin mo hangga't gusto mo."
Patalikod na sana ako pero narinig ko na siya. "Gagawin ko lang sayo 'yon ng paulit-ulit."
Namula ako sa sinabi niya pero iniwan ko na siya, naramdaman ko pa din na sumunod siya sa akin.
"Vivienne, mom's inviting you."
Humarap ako sa kanya, sumunod kasi ito hanggang kwarto.
"For what?"
"Dinner." Tipid na sagot niya.
Huminga ako ng malalim. "Anong oras?"
"6:00. Sunduin kita."
"Okay."
*******
Before 6pm ay sinundo ako ni Clifford dito sa bahay.
" You better take care my vivienne." Paalala na sabi ni Dada.
"Yes tito. I will."
Tahimik na naglakad kami papunta sa bahay ng parents niya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa kamay, napatingin ako sa kaniya.
Nakangiti ito at tumingin ulit sa dinadaanan namin, nakahawak pa din ito sa kamay ko hanggang sa makarating sa bahay ng parents niya.
Natigilan ako ng makita ko si Jane.
Nagtataka na tumingin ako sa kay Clifford na mukhang wala din siyang alam.
"Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na pumunta dito!" Galit na saad ni Jane.
Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.
"Jane, huwag dito!" Galit din na sabi ni Clifford.
"Pinagtatanggol mo pa talaga siya!"
"Yes!"
"Damn you! Nilusob ni Jane si Clifford at pinagbabayo sa dibdib.
"Tumigil ka!"
"Ikaw ang tumigil, ang kapal ng mukha mo para dalhin siya dito!"
"You should know your place, Jane She's still my fiancee after all."
Natahimik si Jane dahil sa sinabi ni Clifford.
"Uuwi na lang ako." Saad ko.
"Much better."
Umirap ako dahil sa sinabi ni Jane.
"No, you stay here. Jane go home."
"No!"
*Go home!" Giit nito.
Hindi nakinig si Jane kaya nagulat ako ng hilahin siya ni Clifford papalabas ng bahay ng parents niya.
"Clifford!"
"I said go home! We will talk after this!"
Tumingin sa akin si Jane, "hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi nito bago umalis.
Tumingin sa akin si Clifford. "Okay ka lang ba?"
Tumango ako. "Thank you."
Nilapitan niya ako at niyakap, hinayaan ko siya.
TO BE CONTINUE.....

BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️
Romance"what now? Engaged na tayo." tanong ko. "Nothing" Natawa ako. "Seriously Clifford Kyle? Sabagay hindi naman nakakapagtaka. puwede pa naman magback-off. gawin mo na o ako ang gagawa." started: August 27, 2024 ended: October 22, 2024