Chapter 29

68 2 0
                                    

NAKATINGIN lang ako kay Vivienne na nakatitig lang sa puntod ng anak namin.

"Anak....."

"Namimiss ka na ni mommy, ang bilis isang buwan na ang lumipas magmula ng iniwan mo kami."

Umupo ako sa pagitan ni Vivienne at niyakap siya mula sa likuran.

"Shhhh, don't cry."

"Di ko maiwasan, masakit pa din na nawala sa atin si baby."

"May kasabihan, sweetheart na pag may umalis may darating."

Tumingin siya sa akin. "It means magkakababy ulit tayo?"

"Maybe sweetheart, subukan natin ulit nag-umpisa. Itatama ko lahat ng pagkakatali na nagawa ko sayo."

Humarap siya sa akin ng tuluyan. "Hahayaan ito, pero nakikiusap ako na huwag mo na uulitin 'yon."

"Oo sweetheart." Hinalikan ko siya sa noo.

"Uwi na tayo, Clifford."

Nakarating kami sa bahay pero pareho kami natigilan ni Vivienne ng makita namin yung babae na pumunta sa company ko at may dala siya baby.

Nilapitan niya kami habang buhat yung baby. "Pinapaubaya ko muna si Ayla sainyo, hindi rin sya maaalagaan sa mental. Lalo na don si Jane."

Ibibigay niya sa akin yung baby kaya binuhat ko. "Bakit mo sa akin ibibigay ang bata? Bakit hindi sa totoong ama nito?"

"Kasi alam ko maalagaan mo siya, at mapapalaki ng maayos."

"Sino ka ba talaga?"

"Ako si Jasmine kapatid ko si Jane."

"Bakit hindi ikaw ang mag-alaga?"

"Hindi ko maaring gawin iyon, may sarili din akong pamilya."

Tumango na lang ako, tumingin ako kay Jasmine.

"Kailangan ko na umalis."

Pumasok kami sa sarili namin bahay, nag-aalala na tumingin ako kay Vivienne na nakatingin sa baby.

"Sweetheart...."

Tumingin siya sa akin.

"Okay lang ba kung sa pangangalaga natin siya?"

Nakita ko itong napabugtong hininga. "O-okay lang naman."

"Alam ko na si Jane ang dahilan kung bakit nawala ang anak natin pero wala siyang kasalanan."

Nakita ko rin kung paano ito nagpipigil na umiyak. "Alam ko naman iyon, hindi ko na maidadami ang anak niya dahil sa ginawa niya sa anak natin."

"Come here, sweetheart."

Lumapit naman siya, niyakap ko siya. Naramdaman ko na lang nababasa yung damit ko. Umiiyak na naman siya.

"Ahhh, stop crying sweetheart."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, pinunasan niya yung luha niya.

Hinalikan ko siya sa labi. "I love you sweetheart."

"I love you too, Clifford Kyle."

******

"NAKAAYOS na ba lahat?" tanong ko kay Reid.

"Ano nakaayos?" Tumingin ako kay vivienne na buhat si Ayla.

Ibinaba ko na kahit narinig ko na din ang sagot ni Reid.

"Get dress, sweetheart. May pupuntahan tayo."

"Isasama ba natin si Ayla?" Tanong niya.

"Yeah."

Ngumiti siya. "Great, i will get dress now."

Ibinigay niya sa akin si Ayla at nakangiti na umakyat ito sa itaas.

Wala na nangyari na nawala ang anak namin ay umuwi na ulit siya dito at ikinasaya ko iyon dahil unti-unti ay nakakabawi ako sa kasalanan na nagawa ko sa kanya.

Tumingin ako kay Ayla na nakatingin sa akin. "I will marry your mom."

TO BE CONTINUE.....

An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon