TUMINGALA ako ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko.
Inalis ko 'yon "Anong nangyari?"
Nag-aalala na tanong ni Clifford Kyle.Tumayo ako. "Wala." Sagot ko at tumayo saka siya iniwan na may basag sa living area.
Pumasok ako sa kwarto ko tsaka pumunta kaagad sa may cabinet saka kinuha yung mga damit ko at nilagay sa dalawang maleta.
Tama na ang kabaliwan na 'to, sobrang nakakasakit lang kung mananatili ako sa tabi niya.
Lumabas na ako at kinuha yung mga maleta ko.
"Saan ka pupunta?"
Tumingin ako kay Clifford. "Uuwi na ako, wala ng dahilan para manatili ako dito."
"Sweetheart...."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Huwag mo akong iwan."
Umiling ako. "Tigilan na natin 'to, Clifford Soon you will be a good father to your child."
"Father? Child? Nagtataka na tanong niya.
"Di ba palaging may nangyayari sa Inyo ni Jane? Maliban sa may nangyayari sa atin, may ginagalaw kang iba." Mapait na saad ko.
"Sweetheart....."
"Ganon ba ako hindi kagaling sa kama?"
"H-hindi sweetheart." Sagot nito.
"Kung ganon bakit mo ginagawa 'yon?" Giit na tanong ko.
"Hindi ko alam." Mahinang sagot niya.
Sinampal ko siya. "G*GO!"
"Nasasaktan ako! Sobrang sakit! Ako nga hindi ko naisipan na magpagalaw o humarap ng iba fail sayo umiikot ang oras at mundo ko! Tapos ganito?
Langya!""Sweetheart....."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Puwede tigilan mo ako sa pagtawag ng ganyan!"
"Sorry, huwag mo naman akong iwan."
Umiling ako. "No! Hanggat nandito ako, paulit-ulit mong gagawin 'yon."
"H-hindi ko na gagawin, please."
"Huwag na, wala na din naman paturunguhan 'to."
Kinuha ko na ulit yung dalawang maleta ko at naglakad na palabas ng bahay, pero hindi pa ako tuluyan najakalayo ay naramdaman ko na niyakap niya ako
Inalis ko yung pagkakayap niya at tumingin sa kaniya. "Tumigil ka na, sasabihin ko kina Dada na itigil na ang kalokohan nila na ipakasal ka sa akin."
"Vivienne Claire please."
Hindi ko na lang siya pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay.
"Anak....." Tawag ni Dada.
Malungkot na ngumiti ako sa kaniya. "Tigilan Nyo na ipakasal ako kay Clifford Kyle."
"Bakit."
"Ngumiti lang ako. "Pagod na ako e." Sagot ko at nilagpasan si Dada.
Pagkaakyat ko sa mga gamit ko sa kwarto at nilock ko yung balcony dahil sigurado naman na aakyat si Clifford.
Naglock ako ng pintuan saka naghubad saka pagod na humiga sa kama.
KINABUKASAN ay matamlay na nagbihis ako at bumaba.
Natigilan ako ng makita ko si Clifford kasama ang parents niya, nagpatuloy lang ako sa pagbaba at dumeretso sa dinning area.
Tahimik na kumain ako kahit ramdam ko ang mga tingin nila, hindi ko na lang sila pinansin. Nang matapos ako ay umakyat na ako pero hindi pa ako nakakahalati sa hagdan narinig ko na tinawag ako ni Clifford.
"Sweetheart."
Pumikit ako dahil sa sakit ng maramdaman ko tuwing tinatawag niya ako, hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa pag-akyat.
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️
Romansa"what now? Engaged na tayo." tanong ko. "Nothing" Natawa ako. "Seriously Clifford Kyle? Sabagay hindi naman nakakapagtaka. puwede pa naman magback-off. gawin mo na o ako ang gagawa." started: August 27, 2024 ended: October 22, 2024