CHAPTER FIFTHY-FIVE

547 21 2
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Nang makarating kami sa aming destinasyon ay hindi ko talaga sila pinapansin lahat, oo, LAHAT. Lintik lang damay-damay na 'to.

Wala namang pinagkaiba ang bayan na ito sa bayan namin, ngunit pansin ko lang ay parang malungkot lahat ng tao dito at may kadiliman ang kanilang lugar dulot ng madilim na kalangitan. May mga batang naglalaro pero wala namang emosyon ang mga mukha nito.

Pwede ba 'yon?

"What happened to them?" Aliyah asked out of nowhere.

"Tanongin mo kaya," agad kong sagot dito.

"Tama!"

Hayst, ewan ko nalang sayo.

"No," rinig naming sabi ni Lusiano.

"At bakit naman?" Maldita kong tanong dito.

Pero wala akong nakuhang sagot dito at si Kuya Damon na mismo ang sumagot ng aking tanong. Sige, parang hangin lang ba ako para sa kanya? Pwes! Hindi ko rin siya sasagutin at papansinin! T-Teka, I sound like a mad girlfriend? Mali-mali ito... bahala nga siya diyan kung ayaw niyang makipag-usap sa akin. Hindi nalang rin ako magpapasalamat sa kanya co'z I change my mind, amp!

"Huwag kayong makipag-usap isa sa kanila dahil hindi na kayo makakalabas dito at katulad rin nila ay mawawalan kayo ng emosyon," paliwanag ni Kuya.

Hala! Edi paano nalang kung bibili kami ng pagkain? Mukhang masarap pa naman pagkain nila huhuhuhu.

"That was scary!" malakas na usal ni Aliyah, tsaka napakapit kay Kathleen.

"Akala ko ba alam mo 'yun?" tanong ni Edward sa kapatid.

"Nalimutan ko na! Tsaka nakakatamad kaya magbasa ng libro!" Reklamo nito.

I laughed and tapped her shoulder.

"I feel you," bulong ko sa kaniya bago tumawa.

"Ang hirap niyong dalawa ipagsama," sambit ni Kathleen at naunang maglakad.

I just shrugged my shoulder bago sumunod sa kaniya. Nilakbay lang namin ang daan at hindi alintana ang mga tao dito sa bayan. Dapat makarating kami sa bukana ng bundok bago sumapit ang dilim.

"Are you hungry?" I heard Kuya Damon ask me.

"Not that much. Mamaya nalang siguro," tanging sagot ko sa kaniya tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalayo na kami sa bayan ay nakita na namin ang bukanang papasok sa bundok. Wala na kaming sinayang na oras at agad na naglakad papasok. Naglabas naman sila Kuya ng kutsilyo para pangputol sa mga sanga na humaharang sa aming dinadaanan.

Ramdam ko na ang sakit at pamamaga ng aking paa kakalakad dahil meron ding kalayuan ang bundok na ito sa bayan. Malapit na ring dumilim kaya naghanap na kami ng lugar kung saan magpalipas kami nang gabi.

"Dito muna tayo, magpahinga," saad ni Kuya Damon.

Pabagsak naman kaming umupo maliban sa kanilang dalawa ni Kuya at Lusiano.

"Kukuha ako ng kahoy," Lusiano said before he left.

Sinundan ko ito ng tingin at biglang napaisip. Should I use this chance to thank him? Kasi kung dito kami mag-uusap bibigyan naman kami ng issue nitong baliw niyang mga kasama.

"Babalik lang ako," paalam ko sa kanila bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nina Aliyah.

"Tatae, bakit sasama ka?"

"Pwede rin," she giggled.

"Baliw! Madali lang naman ako," agad na akong umalis.

"Mag-ingat ka!" Sigaw nila Kuya sakin.

Sinundan ko lang kung saan dumaan si Lusiano kanina. Hindi naman masyado madilim dito dahil may sinag naman ng buwan na nagsisilbing ilaw dito sa kagubatan.

Nasaan ba ang isang 'yon?

Palinga-linga ako sa paligid at tinalasan ko ang aking pakiramdam dahil baka meron nalang biglang lilitaw na halimaw dito. Dinala ako ng aking mga paa sa may pabilog na ilog. Dito, natanaw ko ang lalaking kanina ko pang hinahanap. Nakaupo ito habang ang dalawang kamay niya ay nasa lupa naka-pwesto.

Broken ba siya?

Nilapitan ko ito at walang pasabi na umupo sa tabi niya. Akala ko ay magugulat ito, pero nakalimutan ko na isa pala itong unbothered prince. Tsk!

"Why you're here? It's not safe for you," agad nitong sabi habang nasa ilog parin ang tingin.

"Baka sila nga matakot sakin, eh!" pagbibiro ko dito.

Nagulat naman ako ng tipid itong ngumiti. Pinagmasdan ko rin ang maliwanag na ilog sa aming harapan tsaka bumuntong hininga.

"Pwede ka namang ngumiti at magpapakita ng emosyon sa iba, but why you choose to wear that emotionless face of yours?" tanong ko dito.

"It's me... ganito na ako simula't bata palang. Hindi na talaga ako sanay magpakita ng emosyon sa ibang tao. Ngumiti naman ako pero depende parin," paliwanag niya.

"I see,"

He's right. Ako nga maldita pero wala namang nagtatanong kung bakit ganito ako. May iba't ibang ugali naman talaga tayong lahat. Sadyang chismosa lang siguro, ako.

"By the way, tungkol nga pala dun sa pagligtas at pagdala mo sa'kin sa hospital," panimula ko. "G-Gusto ko lang magpasalamat sa'yo." Nahihiya kong sabi.

He let out a soft chuckle before glancing in my direction.

"Napipilitan ka lang ba magpasalamat?" Tanong niya sakin.

Napangiwi naman ako. Masama nalang ba talaga ako sa paningin niya? Marunong parin kaya ako magpasalamat.

"Huwag nalang. Babawiin ko na lang sinasabi ko," kunwari akong nagtatampo.

Kailan ka pa natuto magpabebe, Lauranie?!

"Kidding," he laughed.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang tumatawa. Kumikinang sa kalangitan ang golden brown niyang mga mata na kapag tinitigan mo ay parang nawawala ka sa katinuan? Joke lang! Grabe naman kung ganoon! HAHAHAHAHAHAHAHA. Pero ang gwapo niya talaga! He's handsome face is so unreal, mala fictional ang datingan.

Biglang tumibok ang puso ko ng nagtagpo ang mga mata namin sa isa't isa. No one dared to speak.

"Satania," he called my name with his deep voice.

"Y-yes?" Nauutal kong sambit.

Wala paring pumutol sa aming tinginan sa isa't isa. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso sa biglaang paghawak niya sa magkabila kong pisngi.

"I'll always protect you, no matter what it takes," he said softly.

"I love you, my love, and I can't afford to lose you."

Before, I felt his soft lips kissing my forehead. Biglang gumuhit ang matamis kong ngiti sa aking labi tsaka ko siya tinignan sa mga mata.

"I love you too."









"Satania, wake up!"

"They're coming!"

Agad akong napamulat at sumalubong sa akin ang pawisang mukha ni Kuya Damon.

It's just a dream?

(To be continue.....)


The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon