CHAPTER SEVENTY-FOUR

537 30 6
                                    

Third Person Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person Pov:

Walang araw ang sumisikat sa kalangitan,tanging ang madilim na kalangitan lamang ang makikita mo sa itaas at ang malamig na simoy ng hangin.Parang isang abandonado ang bawat bayan ng apat na kaharian dahil maaga palang ay agad na nilang inilikas ang mga tao sa ligtas na lugar dahil para sa kanila baka isa narin sa senyales na kahit anong araw o oras man ay maaaring lumitaw nalang bigla sina haring draco,mas minabuti nila maging ligtas ang mga taong walang kakayahang makipag-laban kaysa madamay ito sa gulo.

Wala silang alam kung saan magaganap ang digmaan pero mas pinili nilang magtipon-tipon lahat sa akademya dahil nung hindi ma naitukod itong paaralan ay dito mismo kadalasan nagaganap ang labanan kaya malaki rin ang kasiguradohin nila na dito rin ito magaganap ulit.

Lahat ng mag-aaral ay nakasuot narin pangdigmaang kasuotan pati ang apat na hari at mga guro. Nandito narin lahat ng mga kawal na lalaban sa digmaan,galing sa apat na palasyo.

"Where's Lady Loreina?" Pagtatanong ng isa sa mga opisyales?

"I don't know, but susunod lang daw siya dito." Sagot ng kasama nito.

"Can't wait to see what she can do." Puno ng kumpyansa nitong wika.

"Lahat naman siguro tayo dito ay gustong makita kong paano niya pabagsakin at tapusin si Haring Draco pati ang mga halimaw at kasamahan niya sa digmaan."

"Ikaw anong plano mo?"

"I can't risk my life here. Kaya kampanti na ako na hindi sasali sa digmaan na'to."

"Huwag kang maging duwag dahil kapag nalaman ito ni haring alijandro ay lahat tayo na nasa opisyales ay mananagot."

"Gusto mo bang mamatay sa labanan nato?Paano nalang iyong mga pamilya natin?"

"This is our fate. Gusto mo bang umupo lang at magtago sa tabi habang iyong iba ay nakikipagsapalaran kay kamatayan? Hindi ako kasing sama mo!"

"Talaga ba? Marumi rin ang kamay mo kaya pareho lang tayo ng kinalalagyan. We want power and position.".

Hindi ito agad nakapagsalita at ilang minuto muna sila nag tagisan ng tingin 'bago ito tumalikod at umalis.

Na'sa iisang pinakatagong silid ang mag-ina at minabuti nila na walang makakarinig sa kanilang pinag-uusapan. Galit at pag-alala ang nararamdaman ng ina ni loreina habang kinakausap siya nito.

"Loreina! Are you crazy?!"

"Pareho lamang tayo na merong gustong makamit kaya huwag ka nalang makialam sa gusto kong gawin, Ina."

"Ginawa ko lang rin ito para sa inyong magkakapatid, hindi para ipapahamak mo yang buhay mo!"

"Matagal ng nasa pahamak ang buhay natin, Ina. Besides, we already talked about it, Mother." Kalmado niyang saad.

Ginawaran siya ng masama na tingin ng kaniyang ina.

"Kinalaban mo'na ang sariling mong AMA, Loreina. At alam mong hindi rin ito magdadalawang isip na pumatay na kahit sariling kadugo o anak kapag sinubukan mong pigilan ang lahat niyang mga plano at maging sagabal. Kaya pag-isipan mo nang mabuti ito dahil buhay mo ang nakataya dito, Anak." Seryosong wika ng kanyang ina 'bago ito lumabas ng silid.

Napakuyom naman si Loreina matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang ina.

"In that case, hindi rin ako magdadalawang isip na patayin ang sarili kong ama....ako ang papatay at tatapos sa buhay niya para naman manahimik na siya at ako papalit sa pwesto nya, AHHAHAHAHAHAHA."

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon