CHAPTER THIRTY-SEVEN

714 24 4
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Mga 6 am ako nagising dahil ginising ako ni Vina. Baka daw malate ako. Tama, meron naman pala silang orasan dito. Mabuti nga ito, parang hindi kami tao kapag walang orasan. Mukhang siya pa itong excited sakin pumasok samantalang ako tinatamad.

Pero nagsasaya naman ang kalooban ko dahil sa mga subject nila na kakaiba kompara sa dati kong buhay. Dito meron lang silang level 1 to level 4. Bali kung sa mundo ko ito, yung sa highschool na first year to fourth year, but no need to compare it dahil iba itong mundo na pinasokan ko kompara sa dati. Kaya expected na iba ang takbo ng kanilang pamumuhay lalo na sa pag-aaral.

Sa ngayon nasa level 1 lang ako nakalagay dahil bago lang daw ako, but if makita nila sa final exam na mataas iyong improvement ko, then I can go to level 3, diba? Isa yan sa pinaliwanag ni Manong Dean kahapon kahit panay ngiti ito. I think nasa 30s siya base na rin sa itsura nito, pero gwapo naman, mukha talagang hindi tatanda. Ako rin kaya? Ahahahahahaha.

Ito naman palang si Kuya Damon ay matagal ng tapos sa level 1 to level 4 at ngayon ay nasa special level na siya, kung saan dito mo makikita kung pwede ka na bang gagraduate sa pagiging estudyante dito sa akademya. For Kuya Damon's case, pangalawang taon na niya ito na nasa special level, pero depende rin naman daw sayo kung gusto mo na bang gagraduate o umalis sa akademya, but if you want to be strong enough, then you can still stay here.  Beside, parte din si Kuya sa elite warrior, kaya ito rin ang naging rason kong bakit siya nag stay pa dito.

Wait, ibig sabihin yung nasa elite warrior ay nasa special level na rin? Kahit si suplado?

Akala niya talaga bati na kami matapos niya akong ipagtanggol sa bruha na 'yon? Hindi parin! Naiinis parin ako makita ang pagmumukha niya, parang patago niya akong tinatraydor. Traydor? Sa alin? Patagong minamahal?

Magsitigil ka nga, Lauranie! Ang aga-aga kalandian agad iniisip mo.

Tinignan ko ang class schedule ko ngayong umaga.

Level 1 Class Schedule (Silver)

MORNING

- 8-9: History

- 9-10: Recess Time

- 11-12: Potion

AFTERNOON

- 1-2: Weapon

- 3-4: Combat

- 5-6: Controlling Power

"Nice!"

Matapos akong ayusin ni Vina sa buhok ay agad niya akong pinatayo at inikutan.

"Ang ganda mo talaga, Lady Satania! Mas lalo kang gumanda sa suot mong school uniform ngayon!" malawak niyang ngiting pagpupuri sakin.

Hindi ko alam na iba-iba pala ang uniform ng mga estudyante dito, bawat level ay meron sariling uniform. Iyong suot nila Kuya Damon, iyon talaga ang suot nilang uniform para sa mga special level. Tapos, iba naman yung pang-fighting uniform na suot nila mga elite warrior.

 Tapos, iba naman yung pang-fighting uniform na suot nila mga elite warrior

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credit to the pinterest)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credit to the pinterest)

Hangga't tuhod iyong itim na medyas naman kaya okay lang kasi hindi masyado expose iyong maputi kong binti.

Kinuha ko na ang maliit kong shoulder bag kasi may locker naman daw at beside, wala naman ako masyadong dala dahil no need to use a notebook na.

"Paalam po! Mag-enjoy kayo... goodluck, Lady Satania." Paalam niya sakin habang nasa bukana ng pintoan.

"Sige na, baka malate pa ako," paala ko dito at nagsimula ng maglakad patungo sa elevator.

Pagkalabas ko sa dorm ay sumalubong sakin ang kapwa mag-aaral ko rin na kapareho ko, nakasuot din nang uniform. May iba, kapareho ko, meron ring iba hindi. 'Ewan ko ba kung nasaan dito ang ibang level maliban nalang itong sakin dahil alam ko na iyong taga level 1.

Nagsitinginan naman sila sakin at heto na naman tayo sa pagiging bubuyog. Naku! Ang aga-aga chismis agad ang inatupag.

Hindi ko ito pinansin at taas noong naglakad patungo sa malaking building kung saan dito mo makikita ang mga classroom, office, faculty, training ground 'tsaka yung sa likod nito ay ang pinakamalawak na arena. Base lamang sa binigay na mapa sakin kasama sa uniform, ID, at class schedule ko kahapon.

Mag-isa lang ako ngayon kasi mamayang 9 am pa ang pasok nila Kuya at hindi naman ako pumayag na ihahatid nila ako kasi hindi na ako bata!

Hagdanan lang iyong gamit nila kaya wala akong choice kundi dumaan dito patungo sa floor kung nasaan ang classroom ng level 1.

"Section Silver," basa ko dito ng makarating ako at nakatayo sa harapan ng siradong classroom.

Ang alam ko kasi is nahati sa tatlo ang level 1. Silver, Bronze, at Gold. Iyong nasa Silver daw is ang hindi pa alam gamitin iyong kapangyarihan, in short mga freshmen. Tapos sa Bronze naman ay iyong meron ng knowledge about the controlling of power hangga't sa Gold naman ay iyong alam mo na talaga gamitin ang kapangyarihan na meron ka.

Here in level 1, we only need to take a trial, semi-final at final. Kapag naipasa ko yung final sa Gold, then deritso ako sa level 3, wala nang level 2. Exciting naman kasi dahil sa subject na meron sila, HAHAHAHAHAHA.

Pagkapasok ko ay dumeritso agad ako sa pinakahuling upoan at malapit sa bintana. Hindi ko na pinansin ang mga titig nila sakin dahil may sariling mundo ako. Tanaw ko dito ang kabilang classroom dahil pabilog kasi ang estilo nitong akademya, at sa gitna nito ay ang fountain kung saan sobrang linaw ng tubig na nilalabas. Meron din akong ilan na estudyanteng nakikita dito na tumatambay.

"Goodmorning, Everyone!"

(To be continue.....)

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon